webnovel

Chapter Eight

Girlfriend

Isang tunog ang nagpamulat sa mga mata ko. Dahil nakabukas ang kurtina, tumama ang sinag ng araw sa buong mukha ko.

Isang tunog sa labas ay napalingon doon ang banda ko. Akala ko wala lang iyon o guni-guni ko lang pero narinig ko ulit iyong mga tukador at kubyertos na iyon. Dahil malakas itong pang-amoy ko, na amoy ko iyong niluto nang kung ano! Agad nakaramdam ako ng takot.

"Shit!"

Mabilis na tumayo ako mula sa kama at kinuha iyong baseball bat sa gilid ng kabinet. Lagi ko iyon hinahanda kung sakaling mapapasukan ako rito. Ito na siguro ang araw para maihampas ko ito kung sino man ang nakapasok!

Dahan-dahan na hinakbang ko ang mga paa at handa na sanang ihampas iyon nang nabitin sa ere ang hawak ko dahil sa gulat nang makita kung sino iyon.

Gulat parin ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Anong ginawa niya rito? At paano nga ba siya nakapasok? Ang kapal naman ng mukha niya at bigla-bigla nalang pumapasok dito! Tresspassing ito!

Ngayon ko lang din napansin na walang saplot ito pang-itaas. Ang kapal ng mukha niya para maghubad dito! Hindi rin maiwasang pagmasdan ko siya nang mabuti. Ang katawan niya noon ay ibang-iba na ngayon. Sa iritasyon ko ay padabog na binaba ko iyong hawak na baseballbat kaya tumunog iyon sa sahig. Agad napalingon siya sa direksyon ko.

Nakita ko ang gulat sakanya pero unti-unting umangat din ang labi para ngumiti saakin. Kumalabog ang puso ko sa ginawa nito.

"Gising ka na pala."

Iritado na binalingan ko ito. Seryosong nakatitig si Matteo saakin. Pakiramdam ko may sakit ako sa puso at bakit iyon biglang naninikip.

"Aera-"

Hindi ko na ito pinatapos at pagalit na hinarap ito nang maayos.

"Bakit ka andito? At bakit ka nakapasok dito!?"

And now I can see his biceps here! Even his lower v-abdomen. At may oras ka patalaga na ibaba ang tingin mo doon, Aera!

"Sorry, Nag-alala lang talaga ko sa'yo rito. I took you keys."

"Ang kapal naman ng mukha mo para kunin ang susi ko nang walang pahintulot, matteo! And will you please...put your shirt on!" Hindi ko na maiwasang sabihin iyon sakanya.

Nakita kong ngumuso ito pinigilan ang sariling pag-ngiti na ikinairita ko lalo. What?!

Hindi ito nagsalita at nanatili ang kanyang position habang pinagmasdan lang ako. Wala ba siyang bibig?

Nakakuyom ang kanyang panga at hindi ko mabasa kung ano itong nasa-isip niya ngayon. Agad na umiwas ako at hindi na nakayanan.

"Nabasa iyong damit ko kanina and I called someone to dry my shirt."

Hindi ako sumagot at binaling lang ang atensyon sa ibang bagay. Ayaw marinig ang gusto niya sabihin. Bakit ba siya andito? Ano pa ba ang kailangan niya saakin? Nasaan naba iyong girlfriend niya? Dapat nga siya iyong hinahanap niya, hindi ako!

"Sorry at hindi pa ako nagpaalam. Sobrang desperado lang akong makausap ka, Aera."

Umigting ang panga ko at galit parin na binalingan ito ulit.

"Hindi na natin kailangan mag-usap, Matteo! Wala na tayong dapat pag..fuck!"

Naramdaman ko ang pag-kirot ng ulo ko at handa ng masuka dito. Mabilis na tinakbo ko ang banyo at umupo doon para dumuwal.

"Aera!" Narinig ko pagsunod nito at mahinang magmura sa gilid ko.

Nang magtagumpay ay pinunasan ko ang sariling bibig. Tinukod ko ang kamay ko at hinarap ang sarili sa salamin. Agad nagtama ang tingin namin. Nakita ko ang pag-alala niya doon. Yumuko ako at may sumagip sa isipan ko.

Nagulat ako nang umalis ito. Ngayon ko lang din napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang pag-hinga ko. Huminga ako nang malalim at mahinang nagmura. Tangina!

Umalis na ba siya? Bigla nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Halos napatalon ako nang makita siya ulit sa pintuan.

"Take this."

Dahan-dahan na hinarap ko ito. Akala ko umuwi na siya, akala ko..shit!

Mabilis na kinuha ko ang binigay niyang kape. Nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin. Yumuko ako at ininom ang ginawa niyang kape para saakin. Halos gumaan ang pakiramdam ko doon. Alam kong nakatingin ito saakin at pinagmasdan lang ako rito. Kung nakakamatay lang ang titig niya baka kanina pa ako hinimatay dito.

"Thank you.." mahinang sabi ko at mabilis na nilagpasan ito. Nakasunod naman ito.

Umupo ako sa highchair at inayos ang sarili doon. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako nakaligo at nakapag-ayos ng damit. Sa gilid ng mata ko ay nakatanaw parin ito saakin at mukhang pinigilan ang sariling magsalita. Bumuntong hininga ako at matapang na sinulyapan ito.

Sa pagkakataon ito na makita siya ulit. Gusto kong umiyak, gusto kong sabihin sakanya itong mabigat na dinadala ko. Kung paano ako nagdusa noon, kung paano ako naghirap ngayon makalimutang lang ang lahat. Pero pinigilan ko ang sarili huwag umiyak sa harapan niya.

"Anong kailangan mo saakin?" Mahinahon na tanong ko habang hindi nakatingin sakany.

"I want us to talk, Aera."

"I don't have time for that." I looked away. Kahit ngayon hindi ko parin talaga kayang makipagtitigan sakanya nang matagal. Pakiramdam ko ay manghihina ako sa ginawa niya.

"Aera..I just want us talk. Kahit saglit lang. Magpapaliwanag ako." Napansin ko ang pagmamakaawa niya doon at sensiradad na nangingiusap ang mga mata.

Nagtiim bagang ako at tumayo para iwan siya rito.

"Umalis kana." Mabilis na nilagpasan ko ito.

"Aera..pleasee."

Hindi ako huminto o lumingon sakanya at pinagpatuloy ang paglalakad. Bago ko pa maisara ang pinto ay mabilis na hinarang niya ang paa doon. Umangat ang ulo ko at iritadong binalingan ito.

At hindi parin ito nakadamit!

Sinubukan ko naman talagang hindi ibaba ang tingin ko pero lintek na mata 'to, nambubuso pa!

Umalis ako doon sa pintuan at padabog na umupo sa kama. Sumunod naman ito at nakatayo sa harapan ko.

"Aera.."

"Ano!?" Iritado na.

"I never loved anyone, Aera. At lalong wala akong girlfriend kung iyan ang iniisip mo."

Kumalabog ang puso ko at literal naramdaman ang sakit doon. Hindi ko na napigilang tumayo at ramdam ang galit sa puso.

"Don't fool me, Matteo!"

Nakita kong humakbang ito kaya mabilis na hinarang ko ang mga kamay ko.

"Diyan ka lang!" Mariin na pagbabanta ko.

Umawang ang kanyang labi at nakitaan ko ang takot doon.

"Iyon ang totoo.."

Tiim bagang ay umiwas ako ulit dito.

That bullshit! Hindi ako tanga! Kung hindi niya iyon girlfriend, ano iyong nakita ko?

"She's not my girlfriend, okay? I'm just pretending to be his, kay drike iyon."

"Stop fooling around! Hindi mo na ako maloloko pa!" Hindi maiwasang tumaas ang boses ko.

Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya at iniluwa doon ang kanyang cellphone. Seryosong may hinanap pa ito.

"Take this. Tignan mo itong nga litrato."

"I don't need that!" Agap ko. Kahit gusto ko narin iyon kunin.

"Please, Aera.."

Mariin na binalingan ko ito at padabog na kinuha ang cellphone niya. Agad na hinalungkat ko iyon. Napasinghap naman ako nang namataan ko ang dalawang litrato niya habang nakahubad siya ng pantaas habang gamit ang york barbell.

"Wala akong makita rito, Matteo!"

Kinuha niya iyon saglit saakin at binalik rin. Nakita ko agad iyong litrato at iyong babae na nakita ko noon na kasama niya.

"See? Hindi ko siya girlfriend. Aera. She already engaged with Drike."

Patuloy kong pinagmasdan ang litrato at hindi nakapagsalita.

Kung ganoon nga, bakit nagawa niyang magsinungaling saakin?!

Hindi ko alam kong paniniwalaan ko ang sinasabi niya o hindi. But someone's pushing me to believe him.

Nagulat ako nang lumapit pa ito at isang distanya nalang tiyak, mahahalikan niya na ako.

He enlarged the image and I noticed  the same ring they are wearing. Hindi ko alam bakit ngayon niya pa magawang magpaliwanang sa dalawang taon na nakalipas!

Should I believe him? Paano pag nagsisinungaling siya?

"Kung totoo ito, Bakit mo nagawang magsinungaling saakin?" Halos pabulong iyon. Lumayo ako kaonti at hindi nakayanan ang distanysa namin.

"I have to push you away..I'm sorry.."

Away? So he already planned it all? Wow, Just wow! A big clap for you, Alvéro!

Sumasakit ang didbib ko pero pilit na hindi ko iyon inintindi. Ang kapal ng mukha niya para planuhin iyon. Ang kapal!

"You should just confront me and just break up with me instead! Hindi iyong ganoon!"

Tears were beginning to blur my vision.

"I'm sorry, Aera..wala lang talaga akong maisip. Please, magpapaliwanag ako, let me explain, sweethea-"

"That bullshit!" Padabog na tumayo ako. Sinubukan niyang abutin ang braso ko pero agad ko iyon iniwas.

"I still love you.."

"Huwag na tayong magsinungaling dito, Matteo!"

"Mahal kita at iyon ang totoo, Aera.." Napansin kong umigting ang kanyang panga nang paulit-ulit at pilit na abutin ako palapit sakanya. Nakitaan ang pagsisi doon.

"I don't wanna hear your stupid excuses, Matteo!"

"Please.."

"Just shut up! Shut up!" Nangingilid ang luha ay agad na pinaalis ko iyon.

"Aera.."

Sa huli ay naabot niya ang braso ko at nilapit iyon sakanya para mayakap ako. Nanginginig ang balikat ay umaapaw ang emosyon naramdaman ko. Hinayaan ko rin ang sariling madikit sakanya. Wala na akong lakas para makipagtalo pa.

Halo-halong emosyon na ang naramdaman ko ngayon. Ang takot, sakit at galit sa lahat.

Sana alam mo ang lahat..Sana alam mo itong nararamdaman ko..