webnovel

Chapter Eleven

Jealous

"Aera kamusta kana dito? Pagkakaalam ko hindi ka na nakatira dito kasama sila." Tanong ni Tita Nori sa aakin.

Pinunasan ko muna ang bibig bago ito sinagot.

"I'm fine, Tita. Opo, I stayed in my condo for good. Saan nga pala sila Denise and Louise?" Pag-iba ko ng usapan.

"Foor good? Bakit may nangyari ba dito?" Tanong naman ni Tito Van saakin at hindi pinansin ang tanong ko. Kinabahan ako roon. Hindi alam ng lahat ang trato ko sa batang ito.

"Ah, si Denise at Louise ba? May inasikaso muna bago susunod rito."

Agad nakahinga ako nang maluwag at nawala ang pagtatanong sa itsura ni Tito Van. Natigil lang ang usapan nang nabaling sakanya ang atensyon nang magsalita ito sa tabi ko.

"Mommy, Can you please grab me that one?"

Nakaawang ang labi ko ay hindi alam kung susundin ko itong gusto niya o aalis nalang. Napansin ko rin ang pilit na ngiti ni Mommy at ang pagtango ni Tanya saakin. At alam ko ang gusto nilang iparating saakin.

Mabigat ang bawat hininga ko. Kailanman ay hindi ko nagawa ang ganitong bagay sakanya. Ayaw ko man gawin ito, pero ayoko naman maging bastos sa harapan nila. Kung puwede lang umalis rito, baka ginawa ko na. Nanginginig ang kamay kong inabot ang pagkain na gusto niya. This is so fucking torture.

Hindi ko alam kung napapansin ba nila ang pagiging kabado ko. Hindi naman naalis ang mga mata ko kung gaano siya kasaya habang nilalagyan ko ang kanyang pinggan.

"Yehey! Look, Mommy took my favorite brownies for me!"

Narinig ko naman ang tawanan ng lahat maliban saakin. Tiim bagang ay umiwas ako ng tingin at pilit na kinalma ang sarili.

"Are you okay, Aera?" Biglaang tanong ni Tita Viki saakin.

Gusto ko nalang umalis rito. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong sasabog sa harapan nila kung magpapatuloy ito. Ito ata ang kauna-unahang at pinakamatagal na makasama siya. Pakiramdam ko ay napapaso ako sa bawat hawak niya saakin.

Bago pa ko pa masagot ang katanungan ni Tita Viki saakin ay may humatak na sa braso ko. Napaangat naman ang ulo ko at nakita si Tanya sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"Tany-"

"Halika na! Hindi ba may gagawin pa tayo?"

Kumunot ang noo ko at hindi sigurado kung anong ibig niyang sabihin. Tumaas ang kanyang kilay at may kahulugan ang bawat titig niya saakin. Huh?

"'Halika na!" Siniko niya ako at may binulong siya saakin. "Um-oo ka nalang."

Agad naintindihan ko itong ginawa niya.

"Uhh—ahh oo nga pala!" Agap ko.

"O, ano bang gagawin niyong dalawa?"

"Basta, Mommy! Babalik lang kami. Enjoy po kayo diyan!" Sagot ni Tanya kay Tita Nori.

Bago pa kami makaalis sa hapag ay tumigil si Tanya sa paghila saakin nang magsalita ito ulit. Pumikit ako ng mariin.

"Can I come with you, Tita Tan and Mommy?"

Nagulat ako roon. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong pagmamakaawa niya. Hindi ko alam at bakit. Pakiramdam ko may nagtutulak saakin para lapitan siya habang ginagawa niya ito sa harapan ko.

"Huwag na, baby. Okay? Pangmatanda itong gagawin namin ng Mommy mo. Maglaro nalang kayo ni Nico diyan."

She pouted her lips at sa huli ay tumango din.

Mabilis na binitawan ako ni Tanya nang makapasok na kami sa kwarto ko. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Thanks to me. It's really bothered me how your staid face wants to escape there." Agap niya

Ngumiti ako at nagpasalamat sakanya. Lumapit ako sa kama at umupo doon. Sumunod naman siya saakin. Bumuntong hininga ako at hindi na napigilan ang sariling ilabas ang mga saloobin ko.

"Thank you, Tan..Ewan ko ba at bakit hindi ko kaya. Takot na takot ako sakanya. Pilit kong alisin iyon, pero bakit ganoon? Sinubukan ko naman huwag ibuhos ang galit ko sakanya, pero hindi ko maiwasan."

Napatingin ako sa kamay namin na hinawakan niya. Ngumiti siya saakin.

"I understand you, Aera. Ang saakin lang naman ay huwag mo laging pangunahan ang galit mo. Wala siyang kasalanan sa lahat, alam mo naman iyon, Hindi ba? Biktima rin siya rito, Aera. Wala siyang kamuwang-muwang sa ginawa ng ama niya sa'yo. Nakikita at napapansin ko sa bata na iyon kung paano siya kasabik saiyo. She's been longing for your attention, Aera. Sana maibigay mo iyon sakanya kahit kaonting lang.

Yumuko ako at nangingilid ang mga luha.

"I'm sorry..ang hirap lang kasi, Tanya..Sobrang hirap..hindi ko alam saan ako magsisimula.."

"The first thing you do is to accept your future, Aera. Stop dwelling in your past. Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa nakaraan."

"Oo, mahirap kalimutan iyon. Pero maibabalik ba natin ang nakaraan mo? Hindi na..Kaya sa pagkakataong ito, gumawa ka ng masasayang ala-ala sa anak mo..tanggapin mo siya ng buong-buo.."

Hindi ako kumibo at ramdam ko sa gilid ng mata ang paninitig niya saakin. Mabilis na pinaalis ko ang luha nang bumukas bigla ang pinto. Agad na tumayo si Tanya at pumunta sa pinto para mabuksan iyon.

"Oh, bakit umiyak na naman 'yan, Niccolo?"

Gaya niya, ay tumayo narin ako para masilip sila roon. Narinig ko rin ang pag-iyak ni Nico.

"Ang tigas ng ulo ng anak mo. Ayan tuloy nadapa sa kakatakbo!" Si Niccolo.

"E-eh kasi I'm pwaying wide and stick with Anana!" Lumabi ito.

"It's hide and seek, baby." Korekta ko at hinaplos ang buhok niya.

"Ikaw kasi! Ang tigas tigas ng ulo mo! Ipasok mo nga 'yang anak mo niccolo at magamot ko yang tuhod!" Iritadong sabi ni Tanya. Ngumiti lang ako habang pinagmasdan sila. Someday, I can have my own family too.

"Mom--mmy oh! my knee have wounds n-na.." iyak nito.

"Yan napapala sa tigas ng ulo mo kasi!"

Kandong ang anak ay umupo si Niccolo sa kama.

"Aera, do you have your kit here?" Si Tanya. Tumango ako at binuksan ang drawer para maibigay iyon.

"Mo-mmy I don't w..want that!" Reklamo niya nang makita ang kinuha g Alcohol ni Tanya.

"You'll be okay." Sabi ko pero lumabi lang ito lalo. Hindi ko naman maiwasang matawa. Pilit na nilagyan ni Tanya ng cotton ang sugat nito pero mabilis niya itong hinawi.

"Nico!"

Sa tingin ko ay nahihirapan lalo si Tanya sa paglalagay ng gamot sa sugat ng anak niya kaya ako na mismo ang lumapit.

"Ako na, Tanya."

Nagulat naman ako nang pumayag kaagad si Nico at hinayaan akong gamutin ang sugat niya. Ngumiti ako sakanya. Nang matapos malagyan ng gamot ay nilagay ko na ang band aid doon.

"Gagaling na 'yan.." Sabi ko.

"Si Tita Aera lang pala nakakapag behave sayo. Ang galing galing naman ng baby namin!" Si Tanya at pinatakan ng halik sa pisngi.

"Because she's pwetty. Sana hindi nalang kita naging Tita para maging girlplen kita."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi na napigilang matawa.

"God, Niccolo! Tignan mo nga yang mga pinagsasabi ng anak mo!"

Mabilis na kinuha ko ito kay Niccolo at binuhat sa braso ko.

"Ikaw ha, ang kulit-kulit muna. Pinasakit mo ulo ng Mommy mo." Sabi ko at hinawakan ang pisngi para kurutin.

Nakatitig lang siya saakin na para bang may pinagmamasadan siya sa mukha ko.

"You are so pwetty!"

Tumawa ako nang makitang nagtago ito sa maliit niyang kamay at parang namumula pa dahil sakanyang sinabi.

"Hindi ko talaga alam at bakit naging ganito ang anak mo matapos makita niya si Aera! Tignan mo nga, nahiya pa!" Sabay iling-iling ni tanya.

"Oh, You little!" Tumawa lang si niccolo at niyakap ang asawa mula sa likod.

Hindi ko narin napigilan ang sarili ay pinangigigilan ko na siya. Pinugpog ng halik sa pisngi at leeg. Tumawa naman ito sa kiliti.

"S..stop!" He bursed out.

Mabilis napaangat ang ulo ko at napahinto nang marinig ang pagbukas ng pinto at iniluwa siya roon.

"O, Anna.." si Tanya at nilapitan siya.

Hindi pinansin si tanya at mabilis na lumapit saakin. I saw how her eyes darted on me and Nicco.

"Mommy..why aw you carrying nicnic?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako nakasagot. Nanunuyo ang lalamunan na naghanap ng mga salita. Bakit niya naman naitanong saakin ito?

"Ah 'yan ba? Yung pinsan mo kasi nagpapalambing sa Mommy mo kasi ginaling niya ang sugat nito." Si Tanya na ang sumagot saakin.

Her lips downward at parang naiiyak pa ito.

"Mommy never did that for me before, e..."

Nagulat ako sa sinabi nito. Umiwas ako ng tingin at gustong murahin ang sarili bakit nanlabo itong mga mata ko.

"Baka masama lan ang pakiramdam ng Mommy mo kaya ganoon." Nakita ko ang pagluhod ni Tanya para mapantayan ito.

"She likes Nicnic than me.."

Namumula ang mga mata ko at kagat ang labing hindi bumuhos ang mga luha ko sa harapan nla. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya ito. Tumayo si Tanya at kinuha ang anak niya saakin bago may binulong.

"Kausapin mo..nagseselos yan."

Napasinghap ako.

"Dapat siguro nadapa narin ako, so Mommy can carry me like that? like nicnic.."

Nakita ko ang pagtigil ng lahat dahil sa sinabi niya. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko nang makita ang pamumula niyang mga mata at kaonti nalang ay tuluyan ng babagsak ang mga luha nito, gaya ko. Nasasaktan ako sa nakikita ko.

"Ae.." Pumiyok at nanginginig ang labi na tawag ni Tanya saakin.

Wala sa sariling lumuhod ako para mapantayan siya. Humugot ako ng lakas at pilit na ngumiti sakanya kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.

Marahan na binuhat ko siya saakin. Humilom naman ang paghikbi niya dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam ano itong nararamdaman ko, Halo-halo na.

Kahit hindi ko man siya inamoy ay pumapasok sa ilong ko ang bango niya. The scent of her dress, her hair and her neck. She smells like a newborn baby, it's soft smelling.

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko nang mahawakan ko siya ng ganito. I felt her small arms wapped around my neck. Wala akong ibang inisip kung hindi ang maliliit na galaw niya. Parang nag-uunahan ang puso ko sa saya at pangungulila. Ayoko man aminin, pero ito ngayon ang nararamdaman ko.

Dahil sa bigat na nararamdaman ay lumabas na ang hikbi ko. Hindi ko narin mapigilan ang sariling yakapin siya nang mahigpit. Ramdam ko ang paghagod ni tanya sa likod ko.

Hindi lihim ang nangayari saakin noon, sa pamilya ko. Ang tanging lihim lang ay ang pagtrato ko sakanya.

Siguro, ito na ang tama para itigil ko ang lahat ng ito. Alam ko sa sarili kong wala naman talaga siyang kasalanan.