webnovel

Chapter Twelve

Let go

"Tan, where should I put her?" Tanong ko nang mapansin na nakatulog na ito sa balikat ko.

Kinalma ko narin ang sariling damdamin at pinigilan hindi bumuhos ang mga luha ko.

"Just put it in your bed, Ae."

Tumango ako at lumakad palapit sa kama. Dahan-dahan ko siyang binaba doon, katabi kay nicco na nakatulog na rin.

"She's really pretty like you, Ae." Sabi ni tanya saakin habang nakahawak naman ang asawa sa baywang niya. Sumang-ayon din si niccolo sa sinabi ng asawa.

Hindi ako kumibo at tumitig lang. Napansin ko rin ang pakikiusap ni tanya kay niccolo na bumaba muna. Hindi naman ito tumutol at nagpaalam rin saamin.

"Ang ganda niyo tignan kanina." Simula niya nang makalabas na ang kanyang asawa.

Her words makes me speechless.I felt a lump in my throat. Yumuko ako at hindi na napigilang tumulo ulit ang mga luha ko. Dahan- dahan ay umupo ako sa gilid ng kama.

Slowly, I felt my hands traveled down to her cheeks. Hinimas ko iyon at ramdam ang lambot ng buong mukha niya. I never thought it was possible to feel so many different. She's really have this innocent face. All these days, wala akong ginawa sa batang ito kung hindi saktan lang siya. My guilt is killing me right now

Tumingala ako sa nakatayo na si tanya at tumingin sakanya.

"Masama ba talaga akong ina?"

Nakita ko ang pagkataranta at gulat ni tanya dahil sa tanong ko.

"No! Hindi ka masamang ina, aera..kailanman ay hindi sadya ang mga ginagawa mo. Lahat ng iyon ay galit at mga naranasan mo lang noon. Alam kong hindi rin madali ang lahat." Paliwanag niya at umupo narin kagaya ko.

Ako mismo alam kong wala siyang kasalanan sa lahat. Pero ako, ina niya ay walang ibang ginawa kung hindi ipagtaboy at itapon sa kanya lahat ang galit ko, at sa ama niyang bumaboy saakin. Wala na akong ibang ginawa kung hindi saktan siya.

"Maiintindihan niya naman ako, hindi ba?"

Hindi ko narin mapigilan lumabas ang mga hikbi ko.

Hinawakan ni tanya ang kamay ko at pilit na tignan siya sa mga mata.

"Kung alam lang ng bata ang nangyari sa'yo, tiyak maiintindihan ka niya."

Pero alam kong mali parin ako kahit anong rason pa iyan. I have too much pride. I have bigger pride than my heart. Sinayang ko lang lahat ng araw na sana ay inilaan ko sakanya. Wala akong ibang binigay kung hindi takot at pagtaboy lang sakanya.

I neglected and abandoned her. Halos patayin ko narin siya noon. Hindi maiwasang maalala ang kabaliwan at katarantaduhan kong ginawa noon.

"I don't deserve her, Tan. Wala akong kwentang ina. Hindi ako karadapat-dapat sakanya. Puro sakit lang naibigay ko saka—

Umiling iling si tanya at hinawakan ang pulso ko para yakapin.

"No..don't ever say that! Alam kong natakpan ka lang ng galit sa lahat, Ae. Alam kong mamahalin mo din siya. God knows when. Lahat kami walang ibang hiniling kung hindi mabuhay ka ng walang tinatakot sa mundong ito. We love you..always remember that. Madami kaming nagmamahal sa'yo." humiwalay siya mula sa yakap at tinignan ako. Nakita ko rin ang pamumula ng mga mata niya.

"Don't deny it, tan! Alam mong naging masama akong ina, h..hindi ba?" I paused at pilit pakalmahin ang bigat na damdamin. Pero kahit anong gawin ko ay lumalabas parin ang sakit at puot mula sa bibig ko. "All these days, years, sinayang ko lang iyon! Masama akong ina, tanya.." nanghina ang buong katawan ko at bumagsak sa katawan ni tanya. Hinagod niya ang likod ko at pilit na patahanin.

"You're not, Aera, Okay? Ayan tuloy naiyak na ako!" She chuckled and continued "Don't ever think that way. Hindi mo sinasadyang saktan siya. Sobrang proud nga ako sa'yo at nakayanan mo ang lahat na ito. Kalimutan mo na ang lahat at ibigay mo ang atensyon mo sa anak mo. I know she can help you to recover and forget your past. Divert your attention to her. 'Wag mong isipin na isa siyang maduming bata dahil lang sa ama niya. She will be your angel, aera. Ang magagabay sa'yo at papalitan ng masayang alala ang nakaraan mo. Ibang-iba siya sa ama niya at alam mo iyon. Bata lang siya at wala pang kamuwang-muwang sa mundong ito, o nangyari man sa paligid mo, natin. Walang hiniling ang bata kung hindi ang pagmamahal mo lang, aera."

Hindi ako sumagot at pilit parin sundan ang mga sinasabi ni tanya saakin na nagpagaan rin ng loob ko. Humiwalay rin ako mula sa yakap at inayos ang sarili.

"Kung gaganti kaba, may mangyayari ba?"

Hindi ako nakasagot.

"Hindi ba, wala? Nothing will ever change, aera. Kahit anong gawin mo, kahit magalit kapa sa mundog ito, hindi na maibabalik pa ang dati." She continued.

"Tanya.." pag-iyak ko. She sighed.

"Just stop dwelling on the past. Ito, itong araw na ito bumuo ka ng bagong buhay sa anak mo. Alam kong gusto mo siyang mahawakan, but I know your pride won't let you. Mahal ka ng bata, Ae. Pagnakilala mo siya, matutuwa ka sakanya." Ngumiti siya saakin at inayos ang natakas kong buhok sa tenga.

At dahil sa sinabi niya mas naiyak pa ako lalo at nabuhayan rin ang sarili. She's right..tanya was right...

My heart was full of tears, for I love the beautiful truth with my whole heart and mind.

Halo-halong saya na ang nararamdaman ko ngayon.

Bumaba ang ulo ko at binalik ang atensyon sa bata at hindi na napigilan yakapin siya.

"I-I'm s..sorry..Babawi ako sayo, I'll promise.. You and I will build a new life."

Hindi ko napigilan na hawakan ang maliliit na kamay nito. It really feels so good to held her like this. I can scent how smell of innocent baby she is. I cried with so much longing. Mas humigpit din ang pagyakap ko sakanya.

I'll make up to her. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sakanya.

"I'm sorry, anak.." I whispered.

Hindi ko alam na ganito pala kasarap tawagin siyang anak.

I'm really good at holding onto nothing. Wala akong ginawa kung hindi tumakas at takbuhan ang responsibilidad ko sakanya.

I felt tanya rubbing her hands on my back.

"I'm so happy for you, Ae. I know you're going to be a good mother to her, like tita martha."

Napatingin agad kami sa pinto ng bumukas iyon at nakita ang pagsilip ni mommy doon. Agad kong pinunasan ang luha ko at tumayo para salubungin siya.

"What's wro--

Hindi niya na matapos ang sasabihin ng sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Hinawakan ni mommy ang pisngi ko at pilit na matignan siya sa mata.

"Iha, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" Nag-alala na tanong niya.

Umiling -iling ako.

"I'm just so happy, mommy. Sorry it took me so long to realize everything. I'm sorry, my. Tanya makes me realize everything and I thank her for that."

Tumingin ako kay tanya at ngumiti.

"Because you deserve to know the truth. I want you to open your mind and your heart para kay anna." Si tanya.

Ngumiti ako at niyakap ulit si mommy. Naramdaman ko ang pagyakap pabalik ni mommy saakin.

"I'm so..so..much happy for you, anak. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Alam kong darating din ang panahon na matanggap mo ang lahat. I'm so proud of you. Matutuwa ang daddy mo nito." Hindi rin napigilan ang pagtulo ng mga luha ni mommy.

Pagkatapos namin mag-usap ay nagpaalam na rin ako sakanila. I kissed anna's forehead. Nanatili ang halik ko doon. I never thought I could be happy like this. Sobrang saya ko ngayon. Sobrang gaan ng pakiramdamn ko.

A Bird that stuck for a long years and now she's free. Free to fly and go everywhere without worrying anything.

"I'll be back tomorrow morning. Babalik na po ako dito para sa anak ko. I promise to make up with her."

"Magingat ka, anak. Okay?"

Paalala ni mommy.

"I'll try to bring matteo with me. Hindi ko alam kong matatanggap niya pa ako pagnalaman niya ang lahat saakin."

"Don't worry about it. Andito kaming lahat, kami ng mommy mo na nagmamahal sayo."

Sabay hawak ni daddy sa pisngi ko.

Nagpaalam na ako kay tanya at sakanila bago sumakay sa kotse ko pabalik ng condo.

Pagkadating ko ay agad tinext ko si matteo.

"I'm right now in my condo. Can you come over, please?"

Pagkatapos kong isend iyon ay wala pang minuto ay tumawag agad siya.

"Hello?"

Nakangiting sinagot ko ito.

"Hi! I've been waiting for you to text me. You know, you didn't give me your number. That's why I have no other way, but to wait my princess. By the way, are you already home? Do you want me to come over?" Tanong niya at parang hindi pa makapaniwala. Bakit pa siya magugulat, He can come over whenever he wants. He has the spare keys with him!

"Yes! I want you here right now, matteo luca. I miss you so much..I want you to kiss me, I want—"

Hindi na natapos nang pintuluan niya ako agad. Tumawa ako. Sobrang saya ko lang talaga at gusto ko na siyang yakapin at halikan dahil sa gaan ng pakiramdam ko. No words can't describe how happy I'am right now.

"Damn it, Aera! You're making me nervous with you words. Are you drunk?"

"What? No!"

I chuckled.

"I'll be there in 30minutes. You wait, okay?"

Tumango ako kahit hindi naman niya kita. Bago niya binaba ang tawag ay narinig ko ang iilang mura niya sa kabilang linya. Humalakhak lang ako. Hindi ko alam kung ito na ang huli namin pagkikita. Gusto kong sulitin na makasama siya bago sabihin ang lahat. Hindi man ngayon pero alam kong masasabi ko rin sakanya ang tungkol sa bata at sa nakaraan ko.

Tatanggapin ko kung pandidirian niya ako.

Meron pa bang mag mamahal saakin pagkatapos ng lahat?

I don't even know..

Nakakapagod magtanong sa sarili..

Pero kahit hindi niya man ako matanggap alam kong andiyan ang anak ko. Gagawin ko ang lahat para maging mabuting inanpara sakanya, sa mga panahon na wala ako sa tabi niya.

Mamahalin ko siya ng buong-buo hangga't nabubuhay pa ako sa mundong ito.