webnovel

Chapter Ten

Home

Pagkaparada ko sa labas ng bahay ay agad napansin ko ang dalawang pamilyar na kotse sa labas.

Gusto ko man isama si Matteo saakin ay hindi pa iyon panahon para malaman niya ang lahat. Hindi pa ako handa na sabihin ang tungkol doon. Siguro, sa tamang panahon, baka masabi ko na.

Hindi pa tuluyan nakapasok ay nakita ko agad ito sa labas ng bahay. At mukhang hinintay talaga ang pagdating ko.

"Mommy!" Nakita ko kung paano lumapad ang mga ngiti niya nang magtama ang tingin namin. Ang tuwa at saya niya ay kapansin-pansin sa buong mukha nito.

Halos nanlamig ako sa nakita ko. Gusto ko man iwasan ito ay hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa pagkagulat.

Napasinghap ako nang biglang tinakbo niya ang distansya namin at mabilis na inilibot ang braso sa binti ko para mayakap ako nang mahigpit. Nakaawang ang labi na naninigas ang buong katawan ko sa ginawa niya. Ni hindi ko alam bakit ganito lagi ang epekto niya saakin.

"I miss you, mommy! Grandma said yow be hew daw kaya hinintay kita dito!" Sabi nito habang yakap-yakap parin ako.

Unti-unting bumaba ang tingin ko sakanya at nakitang inabangan niya talaga ako. Namumula ang pisngi at malawak na nginitian ako. Ni hindi ko sinuklian ang binigay niyang kasiyahan saakin. Seryoso at walang ka emosyon ang pinakita ko.

"Namiss kita, mommy! Hindi ka na ba babalik? Dito ka na ulit?" Sa maliit na boses na tanong nito.

Imbes na sagutin ito ay umiwas ako ng tingin at tiim bagang na naramdaman ang pangingilid ng luha. Mabilis na kinalma ko ang sarili para pigilan ang nababadyang luha doon. Hindi ko alam ano itong nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang gusto kong mahawakan siya kahit saglit lang. Pero bago ko pa iyon magawa ay halos napatalon ako sa gulat at bahagyang umatras para makawala sa yakap ng batang ito.

"You're here, Aera!"

Agad nakaramdam ako ng konsensya dahil sa pagtulak ko sakanya. Pumikit ako ng mariin. Tangina!

Nang makabawi sa emosyon ko kanina ay mabilis na sinalubong ko si Tanya ng yakap.

"Grabe! Ang ganda mo parin! Namiss kita, ah! Ni hindi mo sinasagot ang mga text o tawag ko!" Humiwalay ito sa yakap at napansin ang pagtatampo doon sa mukha.

Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ng batang ito.

"Mommy always swick, Tita Tanya. Kaya she can't call you. right, mommy?"

Hindi ako nakasagot at pilit na ituon ang atensyon kay Tanya.

"Ano? May sakit ka? Okay ka na ba?" Hinagod at chineck niya naman ako. Wala sa labas nakikita ang sakit, Tanya. Nasa loob ng katawan ko ang sakit. Gusto kong sabihin iyon pero inalis ko nalang lahat sa isipan.

"Okay lang ako, Tanya. Sorry, binago ko kasi ang numero ko."

Kumunot naman ang noo ko nang makitang pabalik-balik ang tingin niya saakin at sa batang nasa gilid ko.

"Alam mo, Ae. Magkamukha talaga kayo, no?"

Hindi ako kumibo at hindi gusto na maging topic ito ngayon. Nang mapansin nito na wala talaga akong balak magbigay ng komento tungkol doon ay sinundan niya na ito.

"We have a lot of catching up!"

"Madami talag." Sagot ko at pilit na pantayan ang kasiyahan na binigay niya saakin. "Nasaan ba si Tita at Tito?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Andoon sila sa garden area." She paused and her smiled widened like there was something behind it. "And I have something for you. Masusurprise ka dito!" She grinned widely.

Mabilis na hinila niya ako sa pulsuhan at umupo ito sa sofa. Sumunod naman ako. Nakita ko rin na nawala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Siguro, naramdaman niyang wala talaga akong balak kausapin siya.

"Nasaan na si Anna?"

"Ewan. Hindi ko alam." Pagod at walang ganang sagot ko.

Bumuntong hininga ito.

"Hindi mo parin ba kinakausap ang bata?"

Mabilis na napalingon ako sa tanong ni Tanya saakin. Kagat ang labi ay umiling ako sakanyang tanong.

"Please, let's not just talk about her."

"Pero kahit saglit ba kinausap mo iyon?"

Umiling ako muli. Malungkot na sinulyapan naman ako ni Tanya.

"Alam mo..Pagdating namin dito, ikaw agad hinanap ng bata. Excited nga iyon dahil pupunta ka rito. Kanina bukang bibig ka!" Bahagyang tumawa ito at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa kandungan.

"Mahal ka ng bata, Aera. Hindi mo man kita, pero alam kong nalulungkot iyon kanina dahil hindi mo siya kinausap o binigyan pansin. Kanina pa nga iyon sa labas naghihintay saiyo."

Nagulat ako sa huling sinabi nito kaya napalingon agad ako sakanya. Pumikit ako ng mariin at yumuko. Nanunuyo ang lalamunan ay pinigilan ko ang sariling damdamin. Gustong kong huminto na si Tanya tungkol sa batang iyon pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Dahil sigurado akong, hikbi lang ang lalabas doon.

"Napakatalino at napakabait niyang bata, Aera. Ni isa hindi siya nagreklamo sa lahat. Sinabi saakin ni Tita Martha ang lahat na nangyayari dito. Syempre! Hindi ko na sinabi kay Mommy. Pero alam mo, napakapositibong bata ni Anna."

Sinubukan kong pigilan ang mga luha ko pero lintek! Agad na bumuhos iyon. Mabilis na pinaalis ko agad.

Hindi ko man aminin, pero alam ko sa sarili kong nasasaktan din ako. Nasasaktan ako kung bakit sakanya ko binuhos ang lahat kahit hindi naman dapat. Hindi ko alam ano itong nagtatalo sa isipan ko. Ang takot ba o ang pride ko?

Pakiramdam ko pag tinanggap ko na siya ng tuluyan sa buhay ko, parang tinanggap ko narin iyong lalaking gumahasa saakin noon.

Kumawala ng malalim na hininga si Tanya bago nagsalita muli.

"Naintindihan kita..Naawa lang talaga ako sa bata. May nakilala din akong ganyan kagaya mo, Aera. Naging malupit din siya sa bata. She even tried to kill her. Pero alam mo sobrang nagsisisi siya sa lahat nang malaman niyang nagpakamatay ang bata. Bago nga nagpakamatay ang bata, she even left a letter for her."

Agad tumayo ang balahibo ko sa kwento ni Tanya. Iniisip ko pa lang na mangyayari iyon saakin ay natatakot na ako. Hindi ko alam ano na itong nararamdaman ko. Hindi ko ma diskubre o mapangalanan. Ang alam ko lang ay gusto ko ng sumabog

"I'm scared it might happen to you, kay Anna..Ayokong magaya ka sa sitwasyon na iyon. Hangga't andiyan pa, bigyan mo ng halaga ang bata. I don't want you to do something that you'll regret it in the end." Huminto ito at mataman akong tiningnan. " I just wish that one day matatanggap mo rin siya."

Hikbi ang lumabas saakin pagkatapos marinig lahat ng iyon galing kay Tanya. Mabilis na hinila ako nito at niyakap.

"Natatakot lang ako, Tanya..hindi ko sinasadya iyon.."

Humiwalay ito saakin at malungkot parin ako tiningnan. Tinulungan niya naman akong paalisin ang mga luha ko sa magkabilang pisngi.

"Ayan tuloy pinaiyak pa kita."

Bahagyang tumawa ako para maibsan man lang ang sakit sa puso.

"Sorry at ganito parin ako, Tanya. Hindi ko alam paano magsisimula. Sana maintindihan niyo ako. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sariling magalit at balikan ang ala-ala na iyon pagnakikita ko siya."

"Alam ko ang nararamdaman mo, Aera. Pero gusto ko lang sabihin saiyo na iba si Anna at ang lalaking iyon. Oo, magkadugo sila, but it doesn't mean masama narin si Anna. She doesn't know everything. Wala siyang kamuwang-muwang sa lahat. Ang alam niya lang ay nangulila siya ng atensyon at pagmamahal mo."

Kinagat ko ang labi para pigilan ulit ang sariling pagsabog. Masakit..sobrang sakit na marinig ang lahat ng ito. Halos tumatak na sa isipan ko ang lahat ng sinabi ni Tanya saakin. Bawat salita ay may katotohanan iyon at laging tumama sa puso ko.

"I'm sorry.." Tanging nasabi ko lang.

"Ano ka ba! Bakit ka nagsosorry?"

Bago pa ako makasagot ay napalingon ako sa likod nang makitang may batang patakbo palapit dito. Kumunot naman ang noo ko at parang pamilyar ang mukha na iyon saakin. Nang mapansin ni Tanya ang pagbaling ko doon ay lumingon din ito.

"Mommy Tanya!"

Mommy?

Agad na yumakap ang bata sakanya. Huwag mong sabihin..anak ito ni Tanya? Napansin ko rin ang pagkahawig ng dalawa. Matagal rin na wala na akong balita sakanya kaya possibleng anak nga nila ito ni Niccolo.

"Tanya, huwag mong sabihin.." hindi natuloy dahil parin sa gulat.

"Surprise! Ito yung sinasabi kong surprise sa'yo, no! Paano mo malalaman tungkol sa pamangkin mo, ni hindi nga kita matawagan!" Umikot pa ang mga mata nito. "By the way, ito si Nico. Two years old na yan!"

Ngumiti ako at hindi parin makapaniwalang meron nga silang anak ni Niccolo. Ganito naba ako ka walang pakialam sa mundo at pati sa buhay ni Tanya ay wala na akong balita.

"Hindi parin ako makapaniwala. Ni hindi nakwento ni Mommy saakin ito." Sabi ko at mabilis na hinawakan sa pisngi ang pamangkin ko. Sobrang kuha niya talaga ang mga mata ni Tanya.

"Mommy, who is she?" Kunot noong tanong nito. Ngumiti agad ako sakanya.

Matataba ang pisngi nito. Ang kulay itim na buhok ay bagsak hanggang tenga.

"Hi, Miss! you are so pretty can you be my girlfriend?"

Nanlaki ang mata ko at umawang ang labi dahil sa narinig. Hindi ko naman napigilan ang tumawa. Kahit si Tanya ay nagulat rin sa sinabi ng anak.

"Nico! Saan mo iyan natutunan? At huwag mong gawin iyan sa kahit sino lalo na kay Aera! Naku! Tita mo 'yan!" Pagalit na pangaral ni Tanya sa anak niya.

"Oppss!" Mabilis na tinakpan nito ang maliit niyang kamay sa bibig at humagikhik pa.

"Hello po, Tita pretty!" Nakangiti na bumaling ito muli saakin.

Hindi ko naman maiwasang mang-gigil sakanya.

"Saan mo iyon natutunan, huh?" Si Tanya.

"From daddy! Sabi niya kasi he did that to you bwefore tapos pang pwogi points daw." Ngumuso pa ito.

"Lagot talaga yang daddy mo saakin mamaya! Nakuu!"

"No, Don't do that to daddy!Isumsumbong kita sakanya!" Lumabi pa ito at mabilis na tumakbo.

"Nicco!" Tawag nito pero hindi na lumingon ulit ang bata. Sapo naman ni Tanya ang noo.

Hindi parin naalis ang ngiti ko.

"Welcome to my world! Sumakit ang ulo ko doon sa batang iyon. But anyway, I'm still happy napatawa ka ng ganoon ni Nico."

"Did I?" Mabilis na tinikom ko ang bibig ko. Hindi ko na napansin iyon.

"Yes. Ang tagal na namin 'yan hinintay ni Tita na bumalik ka sa dati."

Ngumiti lang ako rito at hindi na kumibo pa.

Saglit lang usapan namin ni Tanya dahil pumanhik na agad kaming dalawa kung saan sila nagtipon-tipon sa labas.

"Aera! Andito ka na pala!" Mabilis na lumapit ako at hinalikan silang lahat sa pisngi.

"Naku! Itong anak mo Aera ang daldal talaga! Nakakatuwa!" Napansin ko rin na nasa tabi pala siya ni Tita nori. At mukhang nagkatuwaan pa silang lahat dahil sakanya.

Nakita kong umupo narin si Tanya sa tabi ng asawa niya. Bahagyang ngumiti si Niccolo saakin kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Aera, tabihan mo ang anak mo oh!" Sabay turo ni Tito sa upuan na katabi nito.

Napasinghap ako. Ayoko naman madismaya sila saakin at sabihin hindi ko parin kinakausap ang bata, gaya ng gusto nila. Kahit si Tanya ay napatingin rin sa direksyon ko at mukhang tinitimbang ako. Wala na akong magawa kung hindi umupo nalang doon.

Halos huminto ako sa paghinga ng bigla itong yumakap saakin at hindi ko iyon inasahan!

"Yehey! Tabi kami ni mommy!"

Umigting ang panga ko at pilit pinakita sa lahat na normal lang ang reaksyon ko dahil sa ginawa niya. Ramdam ko ang pagkuyom ng kamao ko sa kandungan at pilit na pinakalma ang sarili.

Ito ang kauna-unahang madikit sakanya. At hindi ko akalain maramdaman ang lambot ng pagkahawak niya saakin na para bang may ibang epekto iyon.