webnovel

KABANATA TWENTY-SIX

Mistulang wala sa sarili si Akagi habang naglalakad pauwe ng biglang harangin sya ng tatlong babae. "Hindi ba ikaw si Akagi yung boyfriend ni Misha? My god ang panget mo pala sa personal akala ko sa tv lang.

"May face pa palang ganyan...

"Alam mo hindi kayo bagay ni Misha maawa ka naman dun sa tao nababash ng dahil sayo. Alam mo gustong gusto namin si Misha pero nung nalaman namin na may boyfriend syang kasing pangit mo inayawan namin sya. Kung may natitira kapang hiya sa katawan mo lubayan mo na sya kasi hindi kayo bagay...

Halos masaktan si Akagi sa mga panlalait at pang iinsulto ng tatlong babae sa kanya. Hindi pa nakuntento ang tatlong babae at tinapunan ng kape si Akagi sa ulo nito. "Yan ang bagay sa katulad mo." nagtatawanan na sabe nito saka iniwan si Akagi.

"Sobra na sila." bungad ni Kogure ng makita si Akagi.

"Ayos lang. Babae yun wag mong patulan." anya ni Akagi habang pinupunasan ang buhok nyang nabasa ng kape.

"Bakit hinahayaan mong gawin sayo to ng mga fans ni Misha? Akagi tao ka rin may nararamdaman wag mo naman hayaan na laitin at insultuhin ka nila." naiinis na turan ni Kogure.

"Ayos lang insultuhin at laitin nila ako wag lang si Misha. Kaya kong tiisin lahat Kogure wag lang masaktan si Misha kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko sa oras na nasaktan sya." seryosong sabe ni Akagi.

"Sayo ayos lang pero sakin hindi....

Nagulat si Kogure at Akagi ng makita si Misha. "Mauuna na ako mag usap na muna kayo." anya ni Kogure saka nagpaalam na sa dalawa.

"Bakit hindi kapa umuuwe?" tanong ni Akagi kay Misha.

"Pumunta ako ng gym at nakausap ko si tito. Bakit hindi mo sinabe sakin?" tanong ni Misha.

"Ginusto ko rin na hindi maglaro. Kagustuhan ko yun Misha." pagsisinungaling ni Akagi.

"Alam natin na hindi mo yun kagustuhan. Magsabe ka sakin ako ba ang dahilan kaya ka hindi makakapaglaro?" tanong ni Misha.

"Wag kana mag tanong kung hindi ka rin maniniwala sakin." sagot ni Akagi na hindi makatingin kay Misha.

"Alam mo bang nasasaktan ako kasi nakikita kong nasasaktan ka kahit hindi mo sabihin sakin Akagi kitang kita ko sa dalawang mata mo. Alam ko kung gaano mo kagustong maglaro pero ng dahil sakin kaya hindi yun mangyayare." naiiyak na sabe ni Misha.

"Balak ko na rin naman mag quit at iwan ang basketball. Mula ng makilala kita wala na akong ibang pinangarap kundi mahalin mo. Ayos lang sakin kung mawala lahat ng pinaghirapan ko wag lang mawala yung taong naging dahilan kung bakit ako masaya." sabe ni Akagi at natouch si Misha.

"Akagi." sambit ni Misha at niyakap si Akagi ng mahigpit.

"Wag kana mag alala okay ako." mahinang sabe ni Akagi at niyakap rin si Misha ng mahigpit.