webnovel

KABANATA THREE

Maagang nagising si Kogure para pumasok. "Apo ito na ang baon mo. Mag iingat ka lage apo mahal na mahal kita." sabi ng lola ni Kogure.

"Salamat lola mahal na mahal ko rin po kayo maaga po akong uuwi para ipag luto kayo." ngiting sabi ni Kogure at hinalikan sa pisngi ang lola nya.

"Apo wala kabang nagugustuhan sa school nyo college kana pero wala kang pinapakilala kay lola na babae." tanong ng lola nya at napangiti naman si Kogure.

"Lola wala pa po eh hayaan nyo kapag ako may nagustuhan sasabihin ko po agad yun sa inyo. Sige la papasok na po ako baka malate pa ako." pagpapaalam ni Kogure saka humalik ulit sa lola nya.

Hindi naman nakatulog si Akagi kakaisip kung makakapasok ba sila ni Kogure sa team. "Kuya good morning." bati ni Haruko.

"Bakit hindi mo ko ginising?" tanong ni Akagi sa kapatid.

"Hindi kana man nagpagising sakin eh. Alam mo kuya ang saya ng birthday party ni Nikay nandun sila lahat kayo lang ni Kogure ang wala." sabi ni Haruko.

"Wala si Kogure?" takang tanong ni Akagi.

"Oo kuya hay naku mag bestfriend nga kayo ni Kogure kapag wala ka wala rin sya hehehe." ngiting sabi ni Haruko.

Hindi na sumagot si Akagi at nagmadali na itong kumain. Nang matapos kumain at maligo nagpaalam na ito kay Haruko. "Kuya ingat ka." sigaw ni Haruko.

Naka abang naman si Kiko sa gate dahil hinihintay nya ang pag dating ni Akagi. "Ang tagal naman ni fafa Akagi." naiinip na sabi ni Kiko.

"Good morning." bati ni Kogure kay Kiko.

"Hindi kayo sabay ni Akagi? Papasok ba sya?" tanong ni Kiko kay Kogure.

"Oo papasok sya Kiko hintayin mo na lang." sabi ni Kogure saka iniwan si Kiko..

Pag dating ni Akagi nagulat sya ng makita si Kiko na may dalang bulaklak. "Hay ito nanaman nawala nga si Sakuragi sa buhay ko ito naman ang pumalit." sabi ni Akagi sa sarili.

"Fafa Akagi bakit ngayon ka lang? flowers for you nag breakfast kana ba? sabay na tayo kumain treat ko." nagpapacute na sabi ni Kiko sabay hawak sa braso ni Akagi.

"Busog na ako papasok na ako." seryosong sabi ni Akagi saka tinanggal ang pagkakahawak ni Kiko sa braso nya.

"Fafa Akagi bakit ang hard mo sakin ni hindi mo manlang tinanggap ang flowers na binigay ko para sayo." nagtatampong sabi nito.

Dahil ayaw ni Akagi ng eskandalo kinuha na lang nya ang bulaklak kay Kiko at umalis na. "Aanuhin ko naman to." inis na sabi ni Akagi habang nakatingin sa bulaklak.

Nakita ni Akagi si Misha na naglalakad kaya naisip nya na ibigay nalang sa dalaga ang bulaklak kesa naman itapon. "Para sayo miss." sabi ni Akagi at nagulat naman si Misha.

"Sakin? Thank you hah." ngiting sabi ni Misha.

Hindi na nagsalita si Akagi at nag lakad na ito. "Sandali lang." tawag ni Misha.

Huminto si Akagi at tumingin kay Misha. "Bakit mo ko binibigyan ng bulaklak taga hanga ba kita?" tanong ni Misha.

"Kailangan ba ng reason kapag mag bibigay ka ng bulaklak sa isang tao?" tanong ni Akagi.

"Hindi naman ahhm thank you ulit hah ako nga pala si Misha Zenzenin." ngiting pagpapakilala nito.

"Takenori Akagi sige maiwan na kita." seryosong sabi ni Akagi saka iniwan si Misha.

Ngumiti na lang si Misha habang nakatingin sa papalayong si Akagi. "Ang sweet naman pala nya kaya lang hindi sya marunong ngumiti." sabi ni Misha saka nag lakad na rin para pumunta sa klase nya.

"Akagi." tawag ni Kogure.

"Pumunta ako sa gym bad news hindi daw pwede si coach Mehiko dahil may emergency daw. Ano itutuloy paba natin?" tanong ni Kogure.

"Oo." tipid na sagot ni Akagi.

"Nga pala nakita mo naba si Kiko hehehe." ngiting sabi ni Kogure.

Hindi na lang sumagot si Akagi dahil alam nyang aasarin lang sya ni Kogure. "Alam mo mag girlfriend kana ng hindi kana sinusundan ni Kiko patay na patay sayo yun hehehe." natatawang sabi ni Kogure.

"Wala sa plano ko yan Kogure ang goal ko makatapos at makapag laro ulit." seryosong sabi ni Akagi.

"Goal ko rin yun pero di mo ba naisip Akagi na di na tayo pabata hehehe. Ang lola ko tinatanong na ako kung bakit wala pa raw akong babaeng pinapakilala sa kanya." sabi ni Kogure at tinignan sya ni Akagi.

"Ni minsan ba sumagi sa isip mo na magmamahal ka?" tanong ni Akagi.

"Oo naman gusto ko rin maranasan yung nararanasan nila Sakuragi Mitsui at Ryota hehehe ang saya na ng lovelife nila tayo ito parin hehehe." sabi ni Kogure.

"Hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal ako. Walang magmamahal sa isang katulad ko at kung meron man gusto ko yung tanggap ako." sabi ni Akagi.

"Si Kiko tanggap ka hahaha." natatawang sabi ni Kogure.

"Loko loko." inis na sabi ni Akagi.

Nakangiti naman na pumasok sa classroom si Misha kaya napansin yun ni Cye. "Aba ang ganda ng ngiti mo hah at kanino galing yang bulaklak mo sa mga taga hanga mo?" tanong ni Cye.

"Wag ka maingay kay Akagi to galing." mahinang sabi ni Misha.

"OMG wag mo sabihin na gusto ka rin nya ikaw na talaga gurl ang haba ng buhok mo." natutuwang sabi ni Cye.

"Hindi naman nya sinabi na gusto nya ako pero natutuwa ako kasi binigyan nya ako ng bulaklak." sabi ni Misha.

"Ano kaba kapag binigyan ka ng isang lalaki ng bulaklak it means mahal ka nya o crush ka nya." sabi ni Cye at kinilig naman si Misha.

Ngumiti na lang si Misha at inamoy ang bulaklak.....