webnovel

KABANATA SIX

Ipinamalas ni Akagi ang mga natutunan nya sa basketball sa tulong narin ni coach Anzai. Natutuwa si coach Mehiko dahil sumali si Akagi at Kogure sa team...

"Ang galing pala nya mag basketball." sabi ni Liezel habang nakatingin kay Kogure.

"Girlfriend ka ni Kogure?" tanong ni Misha at tumabi kay Liezel.

"Naku hindi. Nakilala ko lang si Kogure dahil magkasama kami sa research." nahihiyang sabi ni Liezel.

"Ah ganun ba hehehe akala ko boyfriend mo sya sabay kasi kayo pumunta ng gym." sabi ni Misha at ngumiti naman si Liezel.

Hindi naman nakipag practice si Lem kaya inis na inis si coach Mehiko. "Okay walang malalate bukas magsiuwi na kayo." seryosong sabi ni coach Mehiko saka lumabas ng gym.

Dahil si Misha ang tumatayong manager ng team nahihiya sya kay Akagi kung ibibigay ba nya ang tubig o iuutos na lang. "Ano ba to ngayon lang ako nahiya sa lalaki." sabi ni Misha sa sarili.

"Ang galing nyong dalawa pag butihan nyo pa." sabi ni Trig kay Kogure at Akagi.

"Maraming salamat po." sagot ng dalawa saka naupo...

Hindi alintana ni Akagi na si Misha pala ang katabi nya. "Kogure paki punasan nga ang likod ko." nakapikit na sabi ni Akagi dahil sa sobrang pagod hindi na nya magawang mag punas ng pawis..

"Anong gagawin ko? Pupunasan ko ba?" tanong ni Misha sa sarili.

Nagulat si Misha ng tumalikod si Akagi. "Kogure ang tagal mo naman punasan ang likod ko." sabi ni Akagi...

Hindi alam ni Misha kung magsasalita ba at sasabihin na hindi sya si Kogure. "Bahala na nga." sabi ni Misha saka itinaas ang damit ni Akagi.

Pinag papawisan si Misha habang pinupunasan ang likod ni Akagi. "Aba Kogure hindi ata mabigat ang kamay mo ngayon." sabi ni Akagi at napangiti naman si Misha.

Nang matapos punasan ni Misha ang likod ni Akagi nagmamadali syang lumabas para hindi sya makita ni Akagi. "Nasaan na si Kogure." tanong ni Akagi sa sarili ng makita na kausap ni Kogure si Liezel...

"Ang bilis naman nyang makarating dun." nagtatakang sabi ni Akagi habang nakatingin kay Kogure.

Nagulat si Akagi ng makita ang soda sa tabi ng bag nya na may nakasulat na. "Inumin mo para may resistensya ka bukas. Ang galing mong maglaro.....

Napangiti si Akagi ng makita na kay Misha galing ang note at soda. "Bakit ako ngumingiti hay makauwi na nga." sabi ni Akagi sa sarili saka lumabas at kinuha ang soda na galing kay Misha.

Nauna ng lumabas si Akagi at naiwan sa gym si Kogure kausap si Trig at Liezel. Seryosong naglalakad si Akagi habang palabas ng school ng tawagin sya ni Kiko. "Fafa Akagi....

"Sorry na fafa Akagi kung kiniss kita. Payag na talaga akong maging magkaibigan tayo pero pwede bang samahan mo ko kasi yung friend ko wala syang kasama makikipag date kasi ako." ngiting sabi ni Kiko.

Tumingin naman si Akagi kay Kiko at naisip nyang pag bigyan nalang kesa naman kulitin sya araw araw. "Okay sige." sabi ni Akagi saka sumama kay Kiko.

Hinintay nila ang friend ni Kiko sa labas ng school at ang boyfriend kuno nito. "Darating paba yung friend mo?" tanong ni Akagi na naiinip na.

"Oo sabay sila ng fafa Myco ko." kinikilig na sabi ni Kiko.

Laking gulat ni Akagi ng makita si Misha na papalapit sa gawi nila ni Kiko. "Ayan na pala sila fafa Akagi este Akagi meet my friend Misha." pagpapakilala ni Kiko sa friend nyang si Misha.

"Hi." nahihiyang bati ni Misha.

"Sya naman si Myco ang bago kong Fafa... oh paano ba yan Akagi ikaw na muna bahala sa friend ko hah mag dadate muna kami ni Fafa Myco." kinikilig na sabi ni Kiko.

"Pasensya kana wala kasi ang parents ko dito pero kung gusto muna umuwi at iwan ako okay lang." nahihiyang sabi ni Misha kay Akagi.

"Sapalagay mo ba iiwan kitang mag isa baka pagalitan pa ako ng friend mo." seryosong sabi ni Akagi saka nag lakad.

Hindi nag uusap ang dalawa habang naglalakad gusto man mag salita ni Misha nahihiya naman sya kay Akagi. "Nasaan ang parents mo?" tanong ni Akagi.

"Nasa CANADA sila ngayon." sagot ni Misha na nahihiya kay Akagi.

"Nagugutom kana ba?" tanong ni Akagi at ngumiti naman si Misha.

"Oo hindi kasi ako nakapag lunch kanina pero kaya ko pa naman....

"Kumain na lang muna tayo." sabi ni Akagi...

Pumunta ang dalawa sa restaurant at tulad ng dati maraming kalalakihan ang lumapit at nagpa autograph kay Misha. "Pumunta kami rito para kumain pwede bang mamaya nyo na sya lapitan." seryosong sabi ni Akagi saka inilayo sa tao si Misha.

Naiinis si Akagi dahil hindi sya makakain ng maayos dahil sa bulong bulungan ng mga tao...

"Ang panget naman ng pinili ni Misha...

"Hindi sila bagay...

"Wala palang taste si Misha...

Mga masasakit na salita na hindi na kayang sikmurain ni Akagi kaya sya ni mismo ang lumabas sa restaurant at sinundan naman sya ni Misha.

"Akagi I'm sorry." nahihiyang sabi ni Misha na hindi makatingin kay Akagi.

"Kaya ayokong lumapit sa mga kagaya mo kasi sikat kayo. Sana huli na to na makasama kita Misha ayokong dumikit sa mga katulad mo." sabi ni Akagi saka iniwan si Misha.

Naiintindihan ni Misha ang nararamdaman ni Akagi dahil para sa kanya hindi nga naman madali na sabihan ka ng ibang tao ng masasakit na salita....