webnovel

KABANATA ONE

"Okay pose Misha ganyan nga....

"Grabe ang ganda talaga ni Misha kaya di na ako magtataka kung halos lahat ng lalaki sa campus may crush sa kanya." sabi ni Kate na kaibigan ni Misha.

Nanonood sila ngayon ng photo shoot ni Misha "Ganda." naglalaway na sabi ni Clark...

"Wag kana umasang pansinin ka nyan wala pa yan balak mag boyfriend." nakataas ang kilay na sabi ni Kate.

"Willing naman ako mag hintay ang ganda talaga ni Misha hay." mahinang sabi ni Clark.

Nang matapos ang shoot ni Misha nilapitan agad nya ang mga kaibigan nyang si Clark at Kate. "Ang galing mo mag pose besh tinalo mo si Ariba Ariba." ngiting sabi ni Kate.

"Sinong Ariba Ariba?" tanong ni Misha.

"Naku Misha wag muna pansinin sinasabi ni Kate kain na lang tayo treat ko." nagpapacute na sabi ni Clark.

"Pasensya na may klase pa kasi ako kayo na lang ni Kate ang kumain pasensya na Clark maybe next time bye." pagpapaalam ni Misha.

"Hahahaha basted... Ano san mo ko libre." natatawang sabi ni Kate.

"Kumain ka mag isa mo." inis na sabi ni Clark saka iniwan si Kate.

Nagmamadali naman si Misha na makarating sa room nya dahil late na sya sa unang subject nya. "Hay sana di ako pagalitan ni Ms. Loraine." sabi ni Misha sa sarili.

Pag dating ni Misha sa klase nya halos tignan sya ng masama ng mga classmate nya. "Tignan nyo mam late nanaman si Misha pagalitan nyo yan Mam." sabi ni Danzelle Mae na masama ang tingin kay Misha.

"Sorry po Mam kung lage nalang akong nalalate nag photo shoot pa po kasi ako." hinging paumanhin ni Misha.

"Sorry lang hindi valid yun di ba girls hahaha." natatawang sabi ni Gigi na kaibigan ni Danzelle Mae.

"Hindi naman para sa sarili ni Misha ang ginagawa nya para sa school natin palibhasa kasi kayo wala na nga kayong ganda wala pa kayong utak." sabi ni Cye ang lageng tagapagtanggol ni Misha.

"Sige na Misha maupo kana." sabi ni Ms. Loraine.

"Thank you." mahinang sabi ni Misha sabay ngiti kay Cye.

Nang matapos ang klase ni Misha masayang ikinuwento ni Cye ang panliligaw sa kanya ni David. "Grabe Misha alam mo bang 3 years na syang nanliligaw pero hanggang ngayon di parin sya napapagod pinakikilig nya ako lage palagay mo sagutin ko na sya." kwento ni Cye.

"3 years na syang nanliligaw tapos di mo parin sya sinasagot anong trip mo hehehe. Alam mo di naman need patagalin kung mahal mo sya edi sagutin muna lalo na kung dun din naman ang punta nyo." seryosong sabi ni Misha.

"Pero natatakot ako magmahal alam mo naman NBSB ako kapag sinagot ko si David edi magkakaroon na ako ng boyfriend tska paano kung saktan nya ako ayoko masaktan Misha." sabi ni Cye.

"Lahat ng nagmamahal nasasaktan wala naman perpektong relasyon nasa inyo nalang yun kung paano nyo ihahandle tska sa nakikita ko naman di ka sasaktan nung David dahil sa tagal nyang naghintay sayo bihira lang ang ganung lalaki na kayang mag hintay ng 3 years." ngiting sabi ni Misha.

"Sabagay tama ka... teka nga maiba tayo ikaw rin pala NBSB pero bakit ang galing mo mag payo about sa love may nagpapatibok naba ng puso mo?" tanong ni Cye.

"Wala ano kaba hehehe. Wala pa sa isip ko ang makipag boyfriend lalo na ang dami ko pang pangarap na kailangan kong tuparin at kapag nangyare yun dun palang siguro ako pwedeng mag boyfriend." paliwanag ni Misha.

"Misha...

"Misha pa autograph....

Halos magka gulo ng makita ng mga kalalakihan si Misha. "Grabe talaga mga fans mo kahit bakla pinipilahan ka." natatawang sabi ni Cye.

Ngumiti na lang si Misha sa kaibigan. Hindi naman snob si Misha pag dating sa fans kaya naman kahit na pagod na sya kaka picture at kakapirma pinag bigyan nya parin ang mga ito.

"Ate Misha ako din." sabi ng bata.

"Tae pati bata bet sya ibang klase talaga ang ganda ni Misha." mahinang sabi ni Cye.

"Anong meron dun bakit nagkakagulo." tanong ni Kogure.

Hindi naman sumagot si Akagi at tumingin lang sa gawi nila Misha. "May artista ba? Bakit ang daming lalaking nagkakagulo." sabi ni Kogure.

Lumapit ang dalawa at nakita nga nila ang mga lalaking naka pila. "Anong meron dito?" tanong ni Akagi sa isang lalaki.

"Magpapa autograph kami kay Misha. Kung gusto nyo rin magpa autograph pumila kayo sikat na sikat sya dito dahil di lang sya maganda matalino pa tska modelo sya." kwento ng lalaki.

"Modelo? Talaga?" tanong ni Kogure.

"Akala ko naman kung anong meron dito babae lang pala." sabi ni Akagi saka naglakad palayo.

"Hindi kaba nagagandahan sa kanya?" tanong ni Kogure.

"Hindi ko naman nakita ang mukha nya tska wala akong pakialam sa mga babae ano naman kung modelo sya kaya ako nandito para mag aral yun lang at kung papalarin na makasali sa team gusto ko ulit mag laro ng basketball." seryosong sabi ni Akagi.

"Akala ko ba di kana mag lalaro ng basketball?" tanong ni Kogure.

"Gusto ko mag laro ulit ng basketball kahit na college na tayo namimiss ko mag laro ikaw ba?" tanong ni Akagi.

"Kung sasali ka sasali rin ako hehehe." ngiting sabi ni Kogure.

Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang papunta sa gym kung saan kakausapin nila si coach Mehiko.