webnovel

KABANATA EIGHT

Hindi namalayan ni Akagi na nakatulog na pala sya kaya pag gising ni Misha nakita nyang nakayuko si Akagi habang nakapikit. Iniangat ni Misha ang ulo ni Akagi kaya naman nagising ang binata at ngumiti si Misha. "Pasensya na nakatulog pala ako." nahihiyang sabi ni Akagi.

"Okay lang. Ahhm Akagi dito kana kumain magluluto ako wala rin kasi ang Mommy at Daddy ko wala akong kasabay kumain pero kung nagmamadali ka okay lang naman." sabi ni Misha saka tumayo.

"Okay lang wala naman akong pupuntahan sasabayan kitang kumain." sagot ni Akagi at natuwa naman si Misha.

Pumunta si Misha sa kusina at sumunod naman si Akagi. "Ano nga palang favorite mong pagkain Akagi pasensya kana kung matanong ako pwede mo naman hindi sagutin." nahihiyang sabi ni Misha.

"Lahat naman kinakain ko kaya lahat favorite ko." sagot ni Akagi.

"Kaya lang hindi ko alam kung magugustuhan mo yung luto ko hindi naman kasi ako magaling magluto marunong lang." sabi ni Misha...

Natapos ang pagluluto ni Misha at nahihiya sya na ipatikim kay Akagi ang luto nya baka hindi magustuhan. "Wag kana mahiya kahit anong lasa nyan kakainin ko." seryosong sabi ni Akagi saka tinikman ang luto ni Misha.

"Sorry hindi masarap." nakayukong sabi ni Misha dahil nahihiya sya kay Akagi.

"Alam mo sa lahat ng luto na natikman ko ito yung pinaka masarap." ngiting sabi ni Akagi at kinilig naman si Misha.

"Talaga walang halong biro? thank you Akagi." namumulang sabi ni Misha.

"Walang halong biro." seryosong sabi ni Akagi.

Natutuwa si Misha dahil napaka gentleman ni Akagi sa kanya. Ipinaghila pa siya nito ng upuan at ipinag sandok pa ng ulam at kanin. "Thank you Akagi hah....

"Wala yun kain na." mahinang sabi ni Akagi saka sumubo.

Pagkatapos kumain naisipan ni Misha na ihatid si Akagi hanggang sa makasakay ito. "Wag muna ako ihatid baka pagkaguluhan ka lang sa labas." sabi ni Akagi.

"Pero gusto kita ihatid hanggang sa makasakay ka lang magtatago nalang ako sa likod mo sige na." sabi ni Misha at nag please pa kay Akagi.

"Sige na nga." sabi nalang ni Akagi..

Hindi alam ni Akagi kung paano itatago si Misha. "Okay lang ba akbayan kita para maitago kita ayoko lang kasi na dumugin ka baka masaktan ka." mahinang sabi ni Akagi at pumayag naman si Misha.

Hindi lang akbay ang ginawa ni Akagi kay Misha kundi may kasamang yakap sa tuwing makikita sila ng tao kaya naman hindi nakita si Misha dahil tinakpan din nya ito gamit ang jacket nya. "Okay ka lang ba dyan?" tanong ni Akagi.

"Ayos lang Akagi salamat hah." ngiting sabi ni Misha.

Nang makarating sila sa bus station nagpaalam na si Akagi kay Misha. "Uwi na ako Misha salamat hah." pagpapaalam ni Akagi saka sumakay ng bus.

Kumaway naman si Misha at ngumiti kay Akagi. "Bye Akagi." sabi ni Misha sa sarili.

Napangiti na lang si Akagi habang nakaupo sa bus. "Hindi lang sya maganda mabait pa. Ano ba tong sinasabi ko wala naman akong nararamdaman sa babaeng yun nagagandahan lang ako sa kanya." sabi ni Akagi sa sarili habang nakangiti.

Pagkauwi ni Akagi sinalubong agad sya ni Haruko. "Kuya pumunta rito kanina si Kogure hindi pala kayo sabay umuwi. Saan ka galing kuya tapos ng practice nyo?" tanong ni Haruko at ngumiti lang si Akagi.

"Sa bahay ng kaibigan bagong kaibigan." sagot ni Akagi..

"Bagong kaibigan sino naman kuya? anong pangalan?" tanong ulit ni Haruko.

"Misha...

"Misha babae kuya? Kailan kapa nagkaroon ng kaibigan na babae." nagtatakang sabi ni Haruko.

"Inaantok na ako Haruko sige na." ngiting sabi ni Akagi saka umakyat.

Napaisip naman si Haruko dahil ngayon lang nya narinig ang pangalang Misha. "Sino si Misha kilala rin kaya sya ni Kogure? Uhhhm hindi kaya gusto ni kuya yung Misha." sabi ni Haruko sa sarili...

Samantala hindi naman makatulog si Misha at pinagmasdan nya ang jacket na ibinigay sa kanya ni Akagi. "Bakit ganun ang lakas ng dating mo sakin Akagi. Sa tuwing nakikita kita hindi ko maamin sayo na lumalakas ang pintig ng puso ko na hindi ko naramdaman sa mga manliligaw ko. Ano bang meron sayo Akagi bakit masaya ako pag kasama kita bakit feeling ko safe ako basta nandyan ka. Gusto nga ba kita? kung sakali na gusto kita magugustuhan mo rin kaya ako." sabi ni Misha sa sarili saka inamoy ang jacket ni Akagi.

_______

Maagang nagising si Akagi at pag labas nya ng kwarto nakabihis na sya. "Kuya bakit parang nagmamadali ka hindi ka muna kumain." sabi ni Haruko ng makita ang kuya nya..

"Sa school na ako kakain papasok na ako baka malate ako." sagot ni Akagi saka nagpaalam.

Pag dating nya sa gym hinanap agad nya si Misha pero wala ang dalaga kaya lumabas na lang sya ng gym at naglakad papuntang canteen. "Fafa Akagi." tawag ni Kiko

"Good morning Fafa Akagi nga pala pinabibigay ng friend kong si Misha para sayo daw nahihiya kasi sya na iabot sayo." ngiting sabi ni Kiko.

"Nasaan sya?" tanong ni Akagi.

"May photo shoot sya ngayon gusto mo bang puntahan....

Sumama si Akagi para makita si Misha. "Ang ganda ng friend ko noh daming manliligaw nyan." sabi ni Kiko.

Hindi naman nagsalita si Akagi at nakatingin lang kay Misha...

"Misha I love you ang ganda mo...

"Misha idol kita sobra pakiss...

Naiinis si Akagi dahil nababastusan sya sa mga lalaking fans ni Misha. "Aalis na ako." inis na sabi ni Akagi saka naglakad para pumunta na sa gym.

Nakita naman ni Misha si Akagi pero hindi nya pwedeng lapitan ang binata. "Bakit kasi kailangan mag suot ng ganun photo shoot photo shoot hay." inis na sabi ni Akagi sa sarili habang nag lalakad.

Naiinis si Akagi dahil di nya gustong makita na ganun ang kasuotan ng dalaga pero wala syang magawa dahil model si Misha..