webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Not enough ratings
55 Chs

Chapter 41

Kinaumagahan, nagising si Scarlet at nakita niyang tulog si Ace sa kanyang sofa sa loob ng kwarto. Bumangon ito at nagtungo sa kusina upang siya na ang maghanda ng kanilang almusal. Habang nasa kusina siya nagising naman si Ace. Hinanap niya si Scarlet at naamoy ang niluluto kung kaya sa kusina siya dumeretso.

"Scarlet.." ani ni Ace

"Good morning" tugon ni Scarlet

Lumakad sa may likuran ni Scarlet si Ace habang siya ay nagluluto. Hinawakan ni Ace ang bewang ni Scarlet at hinawi ang buhok upang makahalik sa batok. Nakiliti si Scarlet kung kaya napaikot ito paharap kay Ace.

Nagkatitigan sila, maya maya ay sinuong siya ni Ace ng halik, hindi nagtagal ay kaagad siyang pinigilan ni Scarlet.

"Ace stop!" Ani ni Scarlet

"Why? Ginagawa naman natin to diba tuwing umaga." Tugon ni Ace

"Basta..." ani ni Scarlet

"Ah may James ka na nga pala.. sige uwi na ako sa hotel." Tugon ni Ace

"Ace... sandali... hindi naman sa ganun" ani ni Scarlet

"Ganun na din iyon... sabagay imposible nga palang magkaroon ng tayo. Nakalimutan ko na... sige na aalis na ako." Tugon ni Ace

Umalis si Ace sa appartment ni Scarlet, napabuntong hininga naman si Scarlet sa mga sinabi ni Ace. Sinubukan na niyang mahalin si Ace subalit hindi niya talaga kaya. Maya maya ay may nagdorbell sa kanyang pinto.

"Aalis-alis tapos babalik kaagad.." sambit niya sa kanyang sarili

Pagbukas niya ng pintuan, laking gulat niya na si James pala ito. Kaagad naman niyang pinatuloy, lasing na lasing pa si James at wala pang tulog.

"James!!" Ani ni Scarlet

Dineretso niya sa banyo si James upang mailagay sa bathtub. Matapos ay nilagyan niya ng tubig, kumuha siya ng tuwalya.

"Stay there James.. kukuha lang ako ng towel mo."

Ani pa ni Scarlet

Pagbalik niya, tumayo si James kitang kita niya ang hubo't hubad nitong katawan. Hindi nagtagal ay hinila siya ni James.

"Halika sabay na tayong maligo.."ani ni James

"Mauna ka na.. mamaya na ako maghahanda muna ako ng breakfast natin." Tugon ni Scarlet

"Sige na.. halika na..baby.."ani ni James

Natulala si Scarlet sa pagtawag sa kanya ni James. Bago pa siya mahalata nito, kaagad niyang iniba ang usapan.

"Sige na baka masunog ang niluluto ko." Ani ni Scarlet

"Ok.. sige na baby.. I love you!" Tugon ni James

Hindi siya sinagot ni Scarlet, tinungo na niya kaagad ang kusina upang makapagprepara na bago siya magpunta sa Catalonia. Matapos niyang gawin ang lahat tinawag na niya si James upang makapag almusal na sila, subalit nang makita niya ito, nakahiga na sa kama at tulog na tulog.

Hinayaan na muna niya si James upang makapagpahinga. Kumain na siya at nagbihis at pagkatapos naman ay nagiwan siya ng sulat para kay James.

Pupuntahan ni Scarlet ang bago niyang branch kasama si Ana. Nais niyang malaman kung ano ang sitwasyon doon. Nagkataon naman na wala si Nathalie kung kaya hindi nagpanagpo ang kanilang landas.

"SS!!" Ani ni Ana

"Oh anong balita dito?" Tugon ni Scarlet

"'Nako.. ayun puro reklamo ang mga empleyado tungkol sa naging President" ani ni Ana

"Paliwanagan mo na lang sila na malapit na matapos ang pagrereyna-reynahan ng babaeng iyon!" Tugon ni Scarlet

"Haha.. ikaw talaga SS. Itutuloy mo pa din ba ang plano mo?" Tanong ni Ana

"Aba oo naman.. nakapagsimula na ako.. kaya tatapusin ko." Sagot ni Scarlet

Habang nababaliw na si Nathalie sa kakaisip kung kumusta na ang kalagayan ng anak niya siya namang saya ng mag-ama. Buhay prinsesa si Jasmine sa kanyang ama, dalawa ang kanyang yaya kung kaya't alagang-alaga ito.

"Come Jasmine,, Papa is here.." ani ni River

Naudlot lamang ang paglalaro ng mag-ama ng may biglang tumawag kay River. Sinagot niya ito at naghanda siya sa kanyang magiging bisita.

Matapos makapagikot-ikot sa buong opisina.niyaya ni Scarlet si Ana upang samahan siya. Nagulat naman si Ana kung saan sila pupunta.

"Ana.. samahan mo ako may imemeet ako." Ani ni Scarlet

"Ha? Saan? Wala ka naman schedule at this time ah." Tugon ni Ana

"Basta.." ani ni Scarlet

Walang nagawa si Ana kung hindi ang samahan ang kanyang kaibigan. Samantala dinalaw naman ni Lorena ang kanyang kaibigang si Nathalie.

"Bestie.. kain ka muna.." ani ni Lorena

"Wala akong gana.." tugon ni Nathalie

"Aba! Kailangan mo kumain, hindi mo kailangan magpakaganyan paano mo hahanapin ang anak mo kung ganyan ka.!" Ani ni Lorena

"Miss ko na ang anak ko..." tugon ni Nathalie

"Alam ko... kaya nga huwag mo pabayaan ang sarili mo.. halika na sabay na tayong kumain.. isa pa kailangan mo na din pumasok sa kompanya." Ani ni Lorena

"Salamat bestie.. salamat sa suporta.. iniwan na din ako ni James.." tugon ni Nathalie

"Kailan ka ba magigising jan sa kahibangan mo kay James. Alam mo namang malabo pero pinipinlit mo pa din." Ani ni Lorena

"Mahal ko siya! At gagawin ko ang lahat para lang mahalin din niya ako.." tugon ni Nathalie

"Ay nako! Nuknukan ka talaga ng katangahan at kahibangan kapag iyang puso mo ang pinairal mo! Sige na tara na kumain!" Ani ni Lorena

Bahagya ng napilit ni Lorena si Nathalie, bumangon ito at sabay silang nananghalian. Samantala, unti-unti ng bumabalik si Tom sa dati, naiaangat na niyang muli ang kanyang mga negosyo gayon din ang kanyang Foundation. Tinawagan niya ito upang yayain mag lunch.

Rrrrrriiiiiinnnnggggg

"Hola Scarlet.."

-tom

"Hola Tom"

-scarlet

"Kumusta? Where are you?"

"Im with my friend.. bakit ??"

"Ah busy ka pala.. no problem never mind"

"Bakit nga?? Tell me.."

"I just wanted to ask for you for a lunch.. pero not possible i think.."

"Aaah.. sorry may lakad kami, maybe dinner tonight at my place?"

"Really??? Sure thing! I'll be there.."

"Ok! See you!"

🖤🖤 END CALL 🖤🖤

Dahil sa hindi pwede si Scarlet sa lunch, nag propose na lamang siya ng dinner sa bahay niya. Kaagad naman umalis sina Ana at Scarlet. Habang nasa kotse nag-iisip pa din si Ana kung saan ba sila pupunta. Panay ang check nito sa appoinment list ni Scarlet subalit wala talagang nakalagay kung sino. Kilala niya na hindi basta basta nakikipag meet up si Scarlet hanggat walang history background tungkol sa isang tao.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts