webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Not enough ratings
55 Chs

Chapter 40

Umuwi ng bahay si Nathalie na tila napagsakluban ng langit at lupa. Hindi pa din halos makapaniwala sa kanyang plano na maitakas si Jasmine subalit naging miserable ito. Malungkot pa din si Nathalie sa pagkawala ni Jasmine, hndi naman niya kinikibo si James dahil sa nakita niyang magkasama silang dalawa ni Scarlet.

"Ok ka lang??" Ani ni James

Hindi umimik si Nathalie, bagkos ay pumihit lamang ito ng higa, hindi pa din siya kumakain, at patuloy lamang sa pag-iyak. Wala naman siyang magawa kahit alam niya kung nakanino ang kanyang anak.

Ilang sandali pa ay tumawag si River kay James. Nagulat si Nathalie at natakot sa kakalabasan ng usapan nilang dalawa. Matapos ang usapan ng dalawa. Nagbago ang timpla ng mukha ni James, batid ito ni Nathalie kung kaya't napahagulhol siya.

"James let me explain please..." ani ni Nathalie sabay luhod

"Kelan pa! Ha! Kelan pa Nathalie!" Tugon ni James

"Sorry... sorryyyy...." ani ni Nathalie

"Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo ang lahat! Anong klaseng tao ka!" Tugon ni James

Niyakap ni Nathalie si James habang nakaluhod, ipinadlis naman siya ni James at lumayo.

"Bitawan mo ako! Tumigil ka na Nathalie!!!" Ani ni James

"Hindi ko sinasadya James.. please I'm sorry!" Tugon ni Nathalie

"Tama na Nathalie! Niloko mo na ako! Pinaniwala mo pa ako! Ano pa! Ano pa ba ang tinatago mo sa akin!" Ani ni James

"Wala na James.. please wag mo akong iwan.. parang awa mo na.." tugon ni Nathalie

"Ayoko na Nathalie! Ayoko na... wala kang kwentang tao! Hindi ko alam kung bakit mo ako niloko ng ganito! Pinaniwala mo ako! Tapos na tayo Nathalie!" Ani ni James

"James!!!!! No!!!!!! No.... hindi pwede!!! James!!!" Ani ni Nathalie

Umalis si James sa bahay. Tinawagan niya si Scarlet upang maglabas ng sama ng loob. Pinapunta naman siya ni Scarlet sa kanyang bahay. Nang makarating siya, kaagad niyang niyakap si Scarlet at umiyak.

"Niloko niya ako Scarlet.... niloko niya ako...." ani ni James

"Tama na James.... andito lang ako,, dadamayan kita..." tugon ni Scarlet

"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung bakit ako pa... bakit ako pa!!!" Ani ni James

"Hindi lang ikaw ang niloko.. niloko na din ako, pinaniwala.. alam ko ang sakit na pinagdadaanan mo ngayon," ani ni Scarlet

Napawi ang luha ni James ng marinig niya ang mga sinabi ni Scarlet, tila nakurot ang puso niya sa mga salitang ito ni Scarlet, may mga damdamin siya na hindi maipaliwanag sa tuwing may mga emosyon si Scarlet na binibitawan.

Tinungo nila ang bar table sa bahay ni Scarlet at kumuha siya ng dalawang alak, isang Vodka at isang wishky. Nais ni Scarlet na maginum sila buong gabi at maglabas ng mga saloobin.

"Mag iinum tayo.. nakaktanggal ito ng sakit! Sakit at pait na patuloy nating nararamdaman sa ngayon." Ani ni Scarlet

"Seryoso ka? Dalawang hard iinumin natin? Kaya mo ba?" Tugon ni James

"Mga sakit nga nakaya ko alak pa kaya.." ani ni Scarlet

"Ok fine let's start!" Tugon ni James

Nagsimula ang dalawa ng inuman. Hindi nagtagal ay naubos na nila ang vodka. Sinunod nila ang whisky at habang tumatagal ang inuman tila nagiging marupok si Scarlet.

"Alam mo James.. sinaktan mo ako.. yung sobrang sakit.. na umukit ng buo dito sa puso ko.. hanggang ngayon nga dala-dala ko pa din" ani ni Scarlet

Walang alam si James kung bakit nasabi ito ni Scarlet. Napaisip siya ng malalim, subalit makailang minuto nagsusi si Ace, pumasok siya sa bahay at nakita ang dala na nag iinuman.

"What the fuck! Scarlet!" Ani ni Ace

"Come Ace! Join us!" Tugon ni Scarlet

Tinungo niya kaagad si Scarlet at kinuha ang baso. Nagalit naman si James sa ginawang ito ni Ace.

"Akin na yan! Tama na yan!" Ani ni Ace

"Bakit ba... umiinom lang naman kami..." tugon ni Scarlet

"Oo nga umiinom lang kami! Teka nga bakit ka ba nakikialam!" Ani ni James

"Babae ang kainuman mo! Matuto ka ngang rumespeto!" Tugon ni Ace

"Nirerespeto ko naman siya ah! Wala naman akong plano na masama sa kanya!" Ani ni James

"Kahit pa! Hindi pa din maganda na makita kayong dalawa na nagiinuman!" Tugon ni Ace

Nawalan ng malay si Scarlet sa sobrang kalasingan. Kaya mas nagalit pa si Ace at doon nag umpisa na magkaroon ng hidwaan sa magkaibigan.

"Ikaw! Akala mo kung sino ka!" Ani ni James

"Oh bakit anong masama sa ginagawa ko?" Tugon ni Ace

"'Masyadong kang pakialamero hindi ka naman niya boyfriend!" Ani ni James

"Hindi man niya ako boyfriend pero ako pa din ang lagi niyang kasama. Sige na lasing ka na makakaalis ka na!" Ani ni Ace

Nanginginig ang mga kamao ni James, gustong gusto niyang sapakin si Ace subalit inisip na lamang niya si Scarlet. Nakaramdam ng selos si James sa mga sinabing iyon ni Ace.

Samantala dinala ni Ace si Scarlet sa kama nito upang doon na makapagpahinga, pinalitan na niya ito ng damit at pinunasan ng maligamgam na tubig.

"Bakit mo siya pinaalis??" Ani ni Scarlet habang nakapikit

"Muntik ka na.. mabubuko ka na niya.. kilala kita kapag lasing Scarlet." Ani ni Ace

"Bakit ka ba nagpunta dito... diba galit ka sa akin kasi hindi kita kayang mahalin???" Ani ni Scarlet

"Hindi kita matiis.. alam mong mahal kita at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kita.." tugon ni Ace

Hindi namalayan ni Scarlet na nakatulog siya, kung kaya't hindi niya narinig ang mga sinabi ni Ace. Buong gabi namang nagbantay si Ace sa tabi ng higaan ni Scarlet.

Samantala, hindi pa umuwi ng bahay si James, sinubukan niyang tawagan si River subalit hindi na siya sinasagot nito. May gusto pa sana siyang malaman tungkol sa ikalawang sikreto ni Nathalie, hindi na niya natapos ang tawag dahil naunahan na siya kaagad ng galit. Buong gabi naman naghihintay si Nathalie sa pagbabalik ni James, nasa kwarto pa rin siya ni Jasmine habang akap ang unan ng bata.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Loveisjustashowcreators' thoughts