webnovel

TRYING TO HIDE IT

Parang itinulos sa kinatatayuan niya si Elaine pagkatapos marinig ang sinabi ng kaibigan sa kabilang linya. Ang tibok ng kanyang puso ay bumilis ng husto na para bang may mga kabayong naghahabulan sa loob nun. Nagsimula din na manginig ang kanyang mga kamay.

"Hello, are you still there?" Narinig niyang tawag ng kanyang kaibigan sa atensyon niya.

"Yes. Thank you beshie." Sagot niya dito.

"Welcome. But who are you in love with?" Tanong pa nito sa kanya.

Napalunok si Elaine ng sariling laway at nagsimulang kagat-kagatin ang kuku ng kanyang thumb.

"I'm in trouble I guess. What should I do?" Kinakabahang pag-amin niya sa kaibigan.

"Why? What's wrong?" Nag-aalala din ang boses ni Daisy.

"I-I think I'm in love with my older brother?"

Natahimik ang dalawang babae ng ilang segundo bago nagsalita si Daisy.

"He's not your brother by blood. You just addressing him that because he's older than you." Paliwanag ng kaibigan. "So basically, it's normal for you to fall for him. Don't be nervous." Concern na pag-comfort sa kanya ng kaibigan.

"And that is really the problem. I'm falling in love with someone who treats me like a family. And he has a girlfriend too." Pigil ang pagtaas ng boses na banggit niya sa kaibigan.

Paano kung matuklasan ni Dane ang nararamdaman niya at ipagtabuyan siya ng binata. Saan siya pupunta? Pinagtabuyan na siya ng itinuring niyang mga magulang. Tapos pag nagkamali siya ngayon, bakà itaboy rin siya ng taong tumutulong sa kanya. Hindi pwedeng mangyari yun!

"Then, ano ang gagawin mo?" Tanong ni Daisy.

Napahinto siya ng paglakad at napa-tingin sa reflection niya sa salamin. She's good in hiding her feelings. So, walang problema kung magagawa niyang itago ng maayos ang nararamdaman niya.

"I think I can hide it until I finally forgot this feeling." Sagot niya sa kaibigan.

Seryosong sambit niya habang nakatitig sa kanyang reflection.

"Alright, I know you can do it." Pagpapalakas ng loob ni Daisy sa kanya.

Nahugot niya ang hininga bago nagpaalam sa kaibigan. Nakagat niya ang labi habang itinatabi ang kanyang cellphone. Napa talon pa nga siya ng makarinig ng katok sa pinto ng kanyang kwarto. Napahawak siya sa kanyang dibdib bago binuksan ang pinto.

"Are you done packing?" Tanong ni Dane sa kanya ng mapagbuksan niya ito ng pinto.

Pakiramdam niya ay tumigil sa pag tibok ang kanyang puso pero sinikap pa rin niyang maging normal. Tinalikuran niya agad ang lalake at nagkunwaring bumalik sa loob ng kanyang kwarto habang nakabukas lang ang pinto.

"Not yet. Daisy called me. Could you ask Lilyth to help me?" Sagot niya dito habang binubuksan ang kanyang cabinet. "Ilang araw tayo doon?" Nilingon niya ang kanyang kuya.

Nakayuko ang lalake habang kinukuha ang mga papebag sa sahig. Iyon ang mga binili ng lalake para sa kanya kahapon.

"Why do you have to look for clothes from your cabinet? May mga damit ka dito na hindi mo pa nasusuot. Wag mo sabihin sa akin na wala kang planong suotin ang mga ito?" Tuwid ang tingin na binigay sa kanya ng lalake na mabilis niya ring iniwasan.

"How long do we have to stay there?" Tanong niya ulit.

Kinuha niya ang traveling bag niya na medyo maliit lang at nagsimulang maglagay ng gamit doon. Ipinatong naman ni Dane ang mga gamit niya sa ibabaw ng kama.

"For how long do you want to stay?" Tanong ni Dane sa kanya.

Napahinto si Elaine sa ginagawa. Bakit siya ang tinatanong ng lalake?

"Bakit ako ang tinatanong mo? Sasama lang naman ako dahil wala naman akong ginagawa pa. My class will start by next month." Kunot ang noo na balik sagot niya sa lalake.

"Then let's stay there before your class starts."

"We can't." Mabilis niyang pagtutol.

"Why? Don't you like it?" Napatigil din si Dane sa ginagawa.

"It's not that I don't like it. Baka nakakalimutan mo, you're going to your girlfriend's fashion show." Ramdam ni Elaine ang kirot sa dibdib niya ng sabihin niya ang mga salitang iyon pero sinikap niyang maging normal ang dating ng mga salita sa tenga ni Dane.

"Oh!" Napa snap si Dane. "I almost forgot." Dugtong pa nito.

Napailing na lang si Elaine bilang sagot. Pumasok na rin si Audrey sa kwarto niya dahil hindi isinara ni Dane ang pinto. For the first time, nakaramdam ng inis si Elaine.

"Good thing you've entered my room. Your boyfriend forgot his flight for your fashion show." Salubong niya sa babaeng naka tingin sa mga paper bags na hawak ni Dane.

"How could you?" Malambing na kunwari ay galit na sambit naman ni Audrey.

Napa chuckle naman si Dane at napa-iling.

"I didn't meant to." He said.

Hindi na nakisali pa si Elaine sa usapan ng dalawa. Ipinokos niya ang sarili sa pag lalagay ng damit sa traveling bag. Nagkunwaring bingi na rin siya hanggang sa matapos ang kanyang ginagawa.

"Alright, I forgive you. Now get your sister's bag so we can start moving." Narinig niyang utos ni Audrey sa lalake.

"En. Let's go." Sang-ayon ng lalake habang kinukuha ang kanyang maleta.

Sumunod lang siya sa paglabas ng dalawa hanggang makalabas sila ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Dane.

"We really have to go now without letting them rest even just one night?" Tanong niya sa kanyang kuya.

"Don't worry about us Elaine, we used to it." Sagot naman ni Tristan.

"If you say so." Sagot niya dito.

Katabi niya ang model sa kaliwa niya habang si Dane naman sa kanan niya. Si Audrey ay sa kanan din ni Dane.

Gustong kumontra ni Elaine sa kanilang pwesto pero sinikap niyang manahimik na lang. Napa sandal na lang siya sa upuan at nagkunwaring tulog ng magsimula silang bumyahe.