webnovel

The unexpected

Tinawagan ni Dane si Jude pagkatapos niyang putulin ang pakikipag-usap sa tinuturing na kapatid.

"Boss?" Sagot ni Jude sa tawag niya.

"I need you to shadow someone for me. I'll send you the information."

"An enemy, Boss?

" Hindi. She's my little sister." Sagot niya dito.

"Little sister?"

"En. The one who saved me from dying."

"Got it boss! Ako na bahala sa young Miss Boss."

Kung ang babae ang nag-ligtas sa kanyang boss, kailangan niyang protektahan ang babae higit pa sa buhay niya.

Tinapos ni Dane ang kanilang pag-uusap sa ka niya ipinasa ang personal information ni Elaine kay Jude. He then started to work again.

Manila, Sandoval Family. Almost a month later...

"I can prove myself as the real daughter of this family."

Parang sasabog ang utak ni Elaine nang marinig ang sinabi ng babaeng bisita.

Nang dumating siya doon pagka-galing sa resort ay masaya siya dahil sa wakas ay makaka-sama na niya ulit ang kanyang mahal na mga magulang. Ibinigay pa sa kanya ang mga pasalubong ng mga ito. But today, After almost a month, this girl visited their house for the first time and telling her parents that she's the real daughter of them.

"I-Im sorry.. Kasalanan ko po ang lahat. Nung na sa Ospital pa kayo, kasalukuyan ding ipina-tanggal sa trabaho ang asawa ko at nabalitaan ko na ang nag-patanggal sa kanya ay ikaw mismong Mr. Sandoval." Nagsalita ang may edad na babae na tumayong Ina ng nagpapa-kilalang anak ng magulang niya.

"Dala ng galit ay nagawa kung ipag-palit ang anak ng kapatid ko sa anak ninyo. Sa kasamaang palad, namatay ang kapatid ko pag-katapos niyang ipanganak ang tinuturing na anak ninyo ngayon. Kaya ako na ang nag-palaki kay Kate." Pagpapatuloy nito sa kwento.

"Si Kate po ang tunay ninyong anak at hindi si Elaine, Si Elaine ang pamangkin ko." Sabi pa ng babae habang naka-titig kay Elaine. "Kamukha mo ang kapatid ko nung ka-edad mo siya Elaine. Ito ang larawan niya, oh!" Inabot pa nito hawak na litrato.

Nang masulyapan iyon ni Elaine ay sumikip ang dibdib niya. Para kasi siyang tumutingin sa sarili niyang letrato. Naikuyom niya ang palad at tumingin sa mga magulang. Are they going to throw her now?

"Mom.." She said while controlling herself to cry.

Lumingon ito sa kanya saka siya niyakap. Pagkatapos ay nilingon nito ang Asawa.

"Kung totoo man ang sinasabi mo, hindi pa rin kami basta na lang dapat maniwala. Let's do the DNA test then." Wika ng kanyang Ama.

Biglang kinabahan si Elaine, paano kung lumabas nga na si Kate ang tunay na anak, anong gagawin niya? Anong gagawin ng mga magulang niya.

"Don't be scared, I know you're my daughter. I believe my heart my baby." Wika ng kanyang Ina.

Nakagat lang ni Elaine ang labi saka napa-sulyap sa pwesto ni Kate. Kate is looking at them with envy and hatred in her eyes. Parang sinasabi nito na ito dapat ang niyayakap ng Ina at hindi siya.

"If- If I was proven.. I want that girl to get out of this house. Siguro naman tama na ang 19 years na namuhay kang sagana na dapat ako yun diba? I also need my parents love." Wika nito bago tumayo. "Let's go Tita."

Tumayo na rin ang ginang pagkatapos siyang pasadahan ng tingin. Nanatiling walang imik si Elaine at sinundan lang ng tingin ang dalawang lumalabas.

"You really believe them?" Tanong ng kanyang Ina sa kanyang Asawa. "Hindi mo ba naiisip kung anong nararamdaman ni Elaine ngayon? Para mo naring sinabi na pinagdududahan mo na anak mo siya." Dugtong pa nito.

Nakayuko lang naman si Elaine. Nananatiling kinikipkip niya ang totoong nararamdaman ng mga oras na yun.

"But we can't set it aside! Paano kung ipamalita nila na si Kate nga ang anak ko at sabihin nilang inabandona natin? Hindi lang pamilya ang masisira kundi pati buong negosyo natin. Kaya wala akong choice kundi idaan sa tamang proseso ang lahat. I'm not doing it to hurt my own daughter." Nilingon nito si Elaine na wala paring imik.

Tama naman ang kanyang Ama. Hindi nito pwedeng isawalang bahala na lang ang malaking gulo na ito. Subalit, natatakot talaga siya.. Kung sakaling hindi nga siya ang anak, saan siya pupunta?

"I'll go to my room to rest.." Putol niya sa nabubuong tension sa pagitan ng mag-asawa.

"My baby..." Ang kanyang Ina. She looks troubled too.

"I'm fine Mom. I know I'm your daughter.." Sabi niya dito kahit ang totoo, nagdududa na rin siya sa sarili.

Pag-pasok niya sa sariling kwarto ay napasubsub kaagad siya sa kanyang kama at tahimik na umiyak. Ayaw niyang mapa-layo sa mga magulang, Mahal na mahal niya ang mga ito.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na umiiyak ng tumunog ang kanyang cellphone. It's her brother, Dane.

"You didn't reply to my messages." Salubong kaagad nito ng sagutin niya ang tawag.

"... " Elaine remains silent.

"Elaine?" Tawag ni Dane sa pangalan niya.

Napalunok ng laway ang dalaga. Nag-iisip siya kung sasabihin ba niya dito ang problema niya O hindi. Pinili niya ang hindi.

"En.. Sorry, I'll text you later.. I'm sleepy. Bye." Yun lang at pinatay na niya ang tawag.

Sa kabilang linya ay halos mabasag ang cellphone sa kamay ni Dane sa higpit ng hawak niya doon. Hindi pa nakaka-report sa kanya si Jude for this week kaya hindi niya alam ang nangyayari. Kaninang umaga ay masaya pa si Elaine habang kausap niya but what happened in just a short period of time?

Oops! My baby is depressed.. Help her by sending some love!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Fire_QUEENcreators' thoughts