webnovel

THE KISS

Pag pasok ng sasakyan sa malaking gate ng Ice Villa, bahagya niyang sinubukan niyang gisingin ang babae na tulog pa rin. At dahil mukhang walang bakak na gumising si Elaine, bumaba siya ng sasakyan na buhat-buhat ang dalaga. Nagulat pa ang magkapatid na kasama nila sa may unahan ng sasakyan.

"You guys can go after me, I'll have to bring Elaine to her own room." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, ay tinalikuran na niya ang dalawa at nauna nang pumasok sa loob ng bahay.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Audrey na tinapik naman siya ng kanyang kuyang si Tristan sa balikat. Tinitigan niya ang lalake at saka binulungan, pagkatapos ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay.

"Hah! Are you really my sister?" Pahabol na sagot ni Tristan sa kapatid bago sumunod dito. Napailing pa siya at napa hugot ng hininga ng ilang beses habang inaalala ang ibinulong ng kapatid.

Samantala, sa loob ng silid ni Elaine. Marahang ibinaba ni Dane ang katawan ng kapatid sa kama. Alas tres pa lang naman ng hapon, kaninang lunch time ay huminto sila sa isang restaurant upang mananghalian kaya naman busog pa sila. Tinitigan niya ang natutulog na mukha ng dalaga at muling hinaplos.

...

"Sir Dane, naempake ko na po ang mga gamit na kakailanganin ninyo sa byahe bukas." Boses ng isa sa mga katulong sa Villa. Sinalubong siya ng kasambahay pagkalabas niya sa kwarto ni Elaine.

"Good. Paki tawag si Lilyth, may ibibilin ako sa kanya." Utos niya sa babae na agad namang tumalikod. Pagkatapos ay tinungo niya ang kusina at nag pahanda ng kanilang kakainin mamaya sa hapunan.

"Wala na ba tayong hinog na saging na saba?" Tanong niya kay Mrs. Morrell. Kasalukuyang naglilinis ng kusina ang ginang. Nilingon siya nito ng marinig ang tanong niya.

"Saging na saba? Hindi ako sigurado kung may naitumba sina Carlos sa likod bahay noong nakaraang araw. Bakit sana?" Tanong ng ginang sa kanya. Napa lapit si Dane sa refrigerator at binuksan iyon upang kumuha ng pwede niyang kainin.

"Sabi ni Elaine, gusto niyang kumain ng piniritong saging na hinog. Kung wala nang saging sa likod bahay, pwede ka mag pabili sa ibang walang ginagawa. Kailangan may lutong saging bukas ng umaga before she wakes up." Mahabang tagubilin ng binatang may hawak-hawak na fresh milk sa kamay.

"Sige. Ipapatanong ko maya ng konti." Sagot naman ni Mrs. Morrell.

Lumabas ng kusina si Dane at nasalubong naman niya si Lilyth. Kinausap niya ito upang ibilin ang mga dapat nitong gawin lalo na sa pag iingat kay Elaine.

"Wag mong kakalimutan ang ipaalam sa akin ang mga ginawa niya kada tawag ko. I secretly bought a small house near her school, doon ka mag stay habang nasa dorm siya." Seryosong bilin din niya sa personal maid ng kapatid.

"Yes sir. Ako na po ang bahala. Kaya lang sir, paano po ako tatawag sa inyo?"

"Tatawag ako sayo morning and evening pag dating ko pa lang sa New York. I want to know everything she did while I am away."

Lihim na natigilan si Lilyth. Parang may mali sa kinikilos ng kanilang boss, masyadong protective pag dating kay Elaine, subalit hindi naman ito ganito sa nobyang si Audrey.

"Okay po sir. Naiintindihan ko po." Sagot ni Lilyth. Nang matapos ang paguusap ay tumalikod na rin si Lilyth at bumalik sa iniwang trabaho. Nagpatuloy naman sa pag lakad si Dane bitbit ang fresh milk sa kamay.

"You're over protecting your sister." Napalingon siya sa pinang galingan ng boses. It's Audrey. Mukhang kanina pa ito nakatayo sa may pasilyo at nakikinig sa pag uusap nila ni Lilyth. Which one he hates.

"Audrey, I hate it when someone eavesdropping my conversation." He said with a cold voice. Natigilan naman si Audrey subalit panandalian lang. "I didn't mean too.. I was just passing by. Anyway, wanna sleep in my room tonight?" Nakangiting tanong niya sa nobyo.

Napa pause si Dane. Ilang buwan na ba? Ilang buwan ng hindi siya tumatabi sa nobya kahit na sa pilipinas ito? Isang buwan na ba? Parang ganun nga.. Dahil nung time na makikipag talik sana siya dito, aksidente namang tumawag si Elaine kaya naputol ang dapat sana ay abot langit na niyang pagpaparaos.

"I'll try, we have to travel tomorrow. Maybe we can do that at New York." Sagot niya sa babaeng natahimik at naiwang mag isa ng tinalikuran na niya.

Few hours later, Night time.

Magulo ang buhok na lumabas si Elaine ng kwarto suot ang two piece na panligo. Dumiritso siya sa swimming pool para maligo dahil sobrang init ng pakiramdam niya. Well, nanaginip lang naman siya, nanaginip siyang may humahalik sa kanya and she liked it.

"Where are you going?" Nakasimangot na nilingon niya ang nagsalita. It's Tristan.

"Swimming." Wala sa mood na sagot niya at muling nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay. Dumiritso siya sa swimming pool at mabilis na lumusong doon. Pag lubog niya ng katawan ay nakaramdam siya ng kaginhawaan.

"You didn't hear me when I asked you if can join you." Nagulat pa siya ng sa pag ahon niya ay mabungaran niya si Tristan sa kanyang harapan. Nasa tubig na rin ang lalake. "My sister is with her boyfriend right now. I heard they'll going to sleep together tonight." Nakangiting banggit ng binata.

"Are you okay?" Kunot noong tanong ni Elaine.

"What?"

"I'm asking if you're okay, you looked not okay by knowing that your sister will be sleeping with my brother tonight. That's normal to the couple but why is it looked like affecting you?" Elaine also tilted her head while asking.

Bahagyang natigilan naman si Tristan at ilang sandali pa ay napahalakhak.

"Oh dear.. Elaine. Why are you so cute? I can't stop myself for liking you. As if I want to own you." Tristan said with full of desire in his eyes. Lumapit pa ito sa kay Elaine at hindi nagdalawang isip na haplusin ang pisngi ng dalaga.

Napa kunot noo naman si Elaine at bahagyang umatras, she felt something hot behind her, and before she could see it, someone wrapped an arms around her waist.

"What are you two doing?"