webnovel

Sleeping in one bed

"Can i?" Nakaramdam ng pagkahilo si Elaine.

Mukhang tumatalab na ata ang beer na ininom niya. Hindi naman talaga kasi siya sanay uminom, si Kuya niya lang ang umiinom dati sa resort.

"That's why I'm asking you." Bahagyang pinisil ni Dane ang tungkil ng ilong ni Elaine. "You look drunk, are you?" Napansin niya ang pag-pungay ng mata ng kapatid.

"No!" Umiling si Elaine. "But I feel a bit dizzy." Muling niyang isinubsub ang mukha sa dibdib ng kanyang Kuya. "I wanna go swimming."

Hah! So Elaine is like this kapag nalasing? Gustong matawa ni Dane kahit papano pero nang maalala ang dahilan ng pagkaka-ganito ng kapatid ay muling dumilim ang kanyang anyo.

"You can have your bath inside the house." Sagot niya dito.

"Nooo! I wanna go swimming!" Bumitaw si Elaine sa pagkakayakap sa katawan ni Dane. Saka pumadyak ng dalawang beses.

Oh god! Pinangarap niyang magkaroon ng kapatid na babae na pwedeng i-spoiled but this spoiled!

"Alright, alright. Let me remove my office suit and shoes first." Walang magawa sa pagiging spoiled ng kapatid.

"Let me help you unbutton your long sleeve." Elaine said while blinking.

"En"

Tinanggal ni Dane ang suot na relo at inilagay iyon sa bulsa ng kanyang slacks. Habang tinatanggal niya ang kanyang coat, tinatanggal naman ni Elaine ang pagkaka-butones ng kanyang puting long sleeve. Tiningnan niya ang naka-yukong kapatid na seryoso sa ginagawa.

"Let me. Antagal mo." Naka-ngiting awat niya dito.

Napa-pout si Elaine. Lasing na nga siya.

"En? Who's that?" Naka-tingin siya sa isang lalake sa may di kalayuan.

Nakikita niya iyon dahil naiilawan ito ng ilaw sa gilid ng resort.

"My personal body guards." Sagot ni Dane. Nahubad na niya ang kanyang slacks at tanging boxer shorts na lang ang natitira.

Napa-sulyap si Elaine sa kuya niya bago hinawakan ang braso nito at mabilis na itong hinila papunta sa dagat. Sininyasan naman ni Dane si Jude na kunin ang mga gamit nila ni Elaine na nakalatag sa buhangin.

"Kuya.." Tawag ni Elaine sa kanya.

Naka-tayo ito sa tabi niya.

"What?" Binasa ni Dane ang kanyang balikat habang nagsasalita.

"Do you think my Mom and Dad are sad now?" Inilubog ni Elaine ang katawan hanggang leeg sa tubig.

"I can't answer that. Do you wanna go back with them?" Seryosong tanong ni Dane.

"No, that Kate hates me. She said, she will sue me if I ever returned home."

"Kate?"

"Nya! Yung totoong anak nila Mommy at Daddy." This time inilubog na rin niya ang ulo.

Kung hindi pa siya sinaklit sa beywang ni Dane ay hindi pa siya aahon.

"Are you trying to kill yourself in front of me? Seriously?" Galit na sermon ni Dane kay Elaine.

"I'm not! I just trying to try my limit of not breathing under water. "

"Elaine.." Malamig ang boses ni Dane this time.

"En?"

"As long as you're with me, I will not let you harm yourself, let anyone harm you and most importantly, I won't let you out of my eyesight for too long. Do you understand?"

Natameme si Elaine, ramdam niya ang kaseryosohan sa tinig ng kanyang Kuya.

Maya-maya ay napa-kurap siya. She felt something pricking inside her chest. What was it?

"Do you understand?" Ulit nito sa kanya.

Napa-tango si Elaine. Hindi niya binigyan ng pansin ang naramdaman kanina.

"Yeah. Understood." Inilayo na niya ang katawan sa lalake at saka nag-desisyon ng bumalik sa bahay na dati nilang tinuluyan.

Sa loob ng bahay, naroon ang isang body guard na nakapag- prepare na ng kanilang kakainin. Inabot sa kanya ni Dane ang twalya saka siya inutusan na mauna na mag-banlaw. Hindi naman siya tumagal sa loob ng banyo. Pagkatapos ay si Dane naman ang nag-banlaw.

"Young Miss, kung nagugutom kana, pwede kana kumain." Dinig niyang turan ng bodyguard ng kanyang Kuya.

"En. Thank you.. What's your name?" She asked.

"Jude" sagot nito na bahagya pang nag bow.

Napa-tilt siya ng ulo saka nilingon ang kanyang Kuya na kalalabas lang ng banyo.

"Why is he bowing his head in front of me?" She asked.

"Because you're my sister. " sagot ni Dane na parang normal lang. "Come here, let's dry your hair." Dugtong pa nito.

"Later before we sleep. Let's eat first." Nauna pa siyang umupo sa harap ng mesa.

Mabilis lang sila kumain kasabay na ang bodyguard dahil sa kagustuhan ni Elaine. After they eat, tinuyo nga ni Dane ang buhok ni Elaine. Dahil na rin siguro sa pagod, lungkot, at beer. Naka-tulog si Elaine habang naka-subsub sa hita ni Dane.

"Prepare our room. You'll occupy the other one." Utos ni Dane kay Jude.

Natitigilan man ay sumunod pa rin ang lalake. Binuhat ni Dane si Elaine at dinala sa kanilang higaan saka isinara na ang pintuan. He switched off the main light and turned on the lampshade beside the bed bago siya humiga sa tabi ng dalaga.

"Goodnight, my sister." Bulong niya dito saka ito hinalikan sa tuktuk ng ulo.

Bandang ala-una na ng madaling-araw ng maramdaman ni Dane ang pagsiksik ng katabi sa kanyang gilid. Sumuot pa ito sa sarili niyang kumot.

"Cold..." She said..

Kinabig ni Dane si Elaine kaya nagulat pa siya ng maramdaman ang sobrang init ng temperature ng katawan ng kapatid. Elaine has fever.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Fire_QUEENcreators' thoughts