webnovel

Prologue

"Ano?! Crush mo ang kuya ko?" Sigaw ni Bree matapos ko aminin sa kanya na crush ko ang kuya Tom niya.

Kung bakit pa kasi ako pumayag sa punyetang dare na yun e. Kahit alam ko naman na di ko matatalo si Bree sa Math.

"OA naman kung makasigaw 'to. Crush lang naman ah. Bakit, ikaw ba wala kang nagugustuhan?" Depensa ko nang nakitang napalitan na ng tawa ang kaninang gulat na ekspresyon niya.

"Wag mong iniiba ang usapan, Suzcett. Tandaan mo mas mataas ako sayo sa quiz natin kanina sa Math kaya ako lang dapat ang nagtatanong satin dalawa." Bawi ng napakagaling kong best friend at kung bakit ko siya naging matalik na kaibigan ay hindi ko alam.

"Oo na. Crush ko nga ang kuya mo. Hindi naman masama magka-crush diba? I mean sa kuya mo?" Hindi na mai-drawing ang itsura ko nung sinabi ko iyon.

Matagal na kaming magkaibigan ni Bree simula ng mga bata pa kami. Mag-kapitbahay lang kasi kami kaya naging mas malapit kami sa isa't isa. Lagi ako sa kanila kasi madalas wala sa bahay ang parents ko. Parehong doktor ang parents ko kaya lagi akong naiiwan sa bahay kasama ang kasambahay namin at wala rin akong kapatid kaya mas pinipili kong tumambay sa kanila Bree. Pero simula nung nag-iba ang pagtingin ko sa nakakatandang kapatid ni Bree na si Tom mas lalong dumalas ang pagbisita ko sa bahay nila. Parang dun na nga ako nakatira kasi buong maghapon at minsan dun na ako nakikitulog sa kanila.

"Kelan mo pa siya simulang nagustuhan?" Tanong ni Bree ng nakabawi mula sa pag-iisip.

"Hmm...nung nasa elementary palang tayo. Grade 6." Kabado kong pag-amin sa kanya. Lalo na nung nakita ang pag-nguso niya.

"Bakit itinago mo sakin? Kung hindi pa kita hinamon sa dare, hindi ko malalaman na may crush ka pala sa kuya ko." Tunog nagtatampo na sabi niya.

"Yun na nga e, kaya ayoko na malaman mo kasi kuya mo siya. At saka, di ko naman pinagdadamot na sabihin yung mga iba kong crush sayo ah." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Sana pala nagsinungaling nalang ako. Dapat di ko nalang sinabi na may gusto ako sa kuya niya. Napakabobo mo talaga Suzcett kahit kailan!

Si Tom ay mas matanda samin ng pitong taon. Nagsimula akong magkaroon ng feelings para sa kaniya nang maingat niyang ginamot ang sugat ko nung nadapa ako isang beses sa bakuran ng bahay nila. Simula noon hindi na ko makatingin ng diretso sa kaniya at ginagawan ko na ng meaning lahat ng ipinapakita niyang kabaitan sakin.

"Basta wag mo sasabihin sa kay kuya Tom ah." Pagkaklaro ko. Baka kasi pag nalaman ni Tom baka mas lalo lang akong maging awkward.

"Oo na. Di ko sasabihin kay kuya Tom." Tugon niya.

"Anong hindi niyo sasabihin sakin? Ano yan ha?" Shit! Nagkatinginan muna kami ni Bree bago sabay na nilingon ang kadadating lang na si Tom.

"Ha? Ah... wala... sabi ko.. ay sabi ni Bree.." Nauutal kong sabi. Pinagpapawisan ako nang malamig kahit ang lamig lamig na ng aircon sa loob ng bahay nila.

"Ah.. hahaha.. wala yun kuya. Nothing serious." Pagsasalo sakin ni Bree saka niya ko hinarap at pinandilatan.

"Sigurado kayo ah? May narinig ata akong sinabi ni Suzcett na may nagugustuhan siya? Tama ba?" Inosenteng tanong ni Tom pero bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Shit!!! Bakit kasi dito pa, of all the places na pwede namin pag-usapan. Dito pa talaga sa bahay nila Bree. Pambihira naman kasi 'tong si Bree, bakit hindi niya nalang ako tinanong kanina sa school. Ayan tuloy!

"Ha? Ako may crush? Haha.. wala yun To.. ay kuya Tom. Baka mali lang dinig mo." Please, buy it Tom. Wag ka nang madaming tanong.

"Ah wala lang yun, kuya." Dagdag ni Bree sabay iling.

"Siguraduhin niyo lang yan ha? Pag ako may nalaman na nagpapaligaw na kayong dalawa. Makikita niyo. Ang babata niyo pa. Ako ang kuya niyo kaya dapat wala kayong itatago sakin at magsasabi kayo kaagad kapag may gustong manligaw sa inyo. Dadaan muna sila sakin. Klaro ba, Bree at Suzcett?"

"Opo." Sabay naming sabi ni Bree at tango bilang pagsang-ayon. Labag man sa kalooban ko. Siguro ay mas maigi nalang kung ibaon ko nalang sa limot tong pagkakagusto kay Tom habang maaga pa. I'm well aware na he only sees me like a brother to a sister and he won't probably see me as a woman, ever. Pinagbabawalan nga kami magpaligaw kasi he thinks we're too young for that, ang maisip pa ba na pwede niya ko magustuhan? Imposible.

Should I just give up? He'll never look at me in the same way that I look at him. I will always be branded as his younger sister's bestfriend and a girl his sister's age.