webnovel

When it winds

He left his word into the winds

FlexibleCrazy · Teen
Not enough ratings
6 Chs

That Day

" Lalaki pa more, anong napala mo? di'ba wala? mga lalaki talaga tsk ".  Nagsalita yung broken, kapag talaga mga broken hindi mo maaasahan sa ganitong advice eh, kung hindi ko lang talaga best friend ang babaeng ito. Jusko po, kanina ko pa s'ya hinagis patawi-tawi palabas sa bansang pilipinas.

" Hoy! igaya mo ako sayo. May delikadesa pa ako noh, sinong nagsabing maghahabol ako sa lalaki? sila ang maghabol sa'kin. " tama, ang mga magagandang babae na katulad ko ay malabong maghabol, Isa pa sinong nagsabing hahabulin ko ang pangit na yon? simpleng pag toothbrush nga hindi niya magawa at talagang ang kapal pa ng pagmumukha niyang i-ghost ako. Tama nga naman ang desisyon ko sa buhay na hindi ko s'ya sinagot at hindi ko s'ya naging bf dahil kung hindi na-depressed na ako sa sobrang pagsisisi kung bakit pinili ko ang lalaking yon. Mas mabuting maging NBSB na lang kaysa mapunta sa maling tao.

" Panis, manliligaw mo pa lang pero nagawa n'yang manligaw sa ibang babae bwahahahahahaha ". and so? alangan naman magmakaawa ako sa lalaking yon na bumalik s'ya sa'kin. Tss mamatay na lang ako kaysa danasin ko ang kahhihiyan na kahit kailan hindi maiimune ng kagandahan ko. Kaya naman pala bigla s'yang nanlamig nitong mga nakaraang araw kasi may nakita na s'yang kabagay niyang mas maasim pa sa suka. Tamang tama perfect couple talaga silang dalawa. Isang hindi nag to-toothbrush at isang kompleto sa kolorete ang mukha pero nakalimutan maghilod at bumili ng tawas, tss.

Shesh, aminin mo na kasing nagseselos ka ". what the-, ako? me? magseselos? natawa ako sa sinabi ni Shay at mas lalo akong natawa nang makita kong hinahalikan ng dati kong manliligaw ang bagong babae bagay na kinakadire ko ng sobra. Nakakasuka talaga iwwwwwww.

" Tigilan mo nga ako Shay, mamatay na lang ako kaysa s'ya ang maging first Bf ko noh, iww ang asim." Ang sakit sa dibdib isipin kung naudlot lang. Isa pa bored ako that time kaya pumayag akong magpaligaw sa isang pangit. Akala ko nga may maganda s'yang personality pero wala pala. Nag-aksaya lang ako ng oras sa lalaking yon. Sa ugali na nga lang babawi hindi pa nagawa. 

" Imposibleng hindi ka nagka feelings dyan hahaha ". Bahala nga s'ya sa buhay niya. Sa sobrang inis ko kay Shay nag walk out na lang ako at pumunta kung saan. Ang totoo nyan nauutot na talaga ako, like alam mo yung feeling na sobrang hirap pigilan ng ganitong bagay? Yung feeling na para kang nakikipag digmaan ka sa sarili mong anino. Ganun yung pakiramdam na nagpipigil ng masamang hangin sa katawan.

Umupo na lang ako sa isang bench kung saan ako lang ang mag-isa ang nandito at malaya kong mailalabas ang kinatatago kong baho at----

" PRRRRRRRTTTTTTT!".

^________^

Ito na ba yun? ito na ba yung tinatawag nilang heaven? Ayssss...Ang sarap sa pakiramdam.

Nang mahimasmasan ang kalamanan kong naghuhuramintado kanina ay nakangiti akong napasandal sa bench at wala sa sariling napangiti. Para tuloy akong na sa cloud 9 ngayon.

Pero sa mga oras na ito natigilan ako nang makita ko ang isang lalaki na nakangiting naka tingin mismo sa'kin ngayon. Daig pa nito ang nanalo ng milyon sa lotto dahil sa sobrang laki ng mga ngiti nito. Kumaway kaway pa ito sa'kin. Ang weird ng stranger na `toh no, feeling close lang pero kumaway din ako pabalik sa kanya.

" Pre, tangina miss na kita!".  at sa mga sandaling yun tumigil ang ikot ng mundo ko nang may napagtanto ako. Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko at paglingon ko para akong nakakita ng isang kabayong nakawala sa kwadra na dali-dali nananakbo papunta sa lalaking kinakawayan ako at walang ano ay binatukan niya ito.

Kapwa tuwang-tuwa ang dalawang ito matapos makita ang isa't-isa na para bang sampung siglo itong hindi nagkita.

" Pare 5 mins kang nawala, shit pinag-alala mo ako ah. Akala ko naman napa ano ka na sa canteen ". Akmang hahalikan sana niya ang kaibigan nito ngunit biglang pumagitna si Shay na mukhang mainit ang ulo.

" Utang ninyo mga tukmol." nanlilisik ang mga ni Shay habang sinisingil ang dalawang lalaki na tila biglang natakmot sa kanya.

" Takbo na Jhounzel!". Sa mga oras na iyon mas lalong nadagdagan ang galit ni Shay nang takbuhan siya ng mga tukmol na lalaki at nagpapaunahan pa ang mga ito sa pagtakbo.

Sa pagkakataong ito parang tumigil ang mundo ko habang pinapanood sa pagtakbo ang lalaking yun. Para kasing nagkita na kami pero hindi ko naman alam kung saan. Hindi maintindihan kung bakit masaya ako na nalulungkot.

Kayce Bautista Point of View

FlexibleCrazycreators' thoughts