Malamig na umihip ang hangin mula sa hanging amihan kasabay ng pagsayaw ng mga puno at mga bulaklak sa buong kapaligiran. Malumanay din ang sikat ng araw bagay na bagay lang para sa panahon ngayon.
Asul din ang kulay ng kalangitan senyales na payapa ang buong ngayon. Kung nandito lang s'ya ngayon, gusto kong ipakita sa kanya ang mga ito. Gusto kong matunghayan niya ang pag sayaw ng mga puno.