webnovel

What Happened?

<December 21>

KAKATAPOS LANG ng second day ng finals namin, pero kahit na wala pang result at mayroon pa kaming exam kinabukasan ay nagkakaroon na ng ayaan para sa celebration bukas.

"Farelle" napalingon ako kay Divine nang marinig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko.

"Uy!" bati ko pabalik. Nakangiti itong naglakad palapit sa akin.

Tila ang gaan sa pakiramdam tuwing nakikita kong nakakangiti na ulit si Divine. Hindi man ito pansin ng iba at siguro kahit ako ay hindi ko mapapansin ang pinagkaiba ng ngiti niya ngayon sa dati kung hindi ko sinubukan na mas kilalanin si Divine.

"Tambay muna ulit ako sa inyo mamaya ah?" paalam niya sa akin.

"Welcome ka naman hindi mo na kailangan magpaalam" natatawa kong sagot.

"Hindi, makikisabay kasi ako kay Ronan. Sasama ka ba sa amin mamaya?"

Umiling ako, "Kapag may gwapo doon, sige"

"Panghanap ba kita?"

"May nahanap na ako" pabiro kong sabi na mahina niyang ikinatawa.

"Hindi ka naman napapansin n'un eh."

Masakit man pakinggan pero totoo naman ang sinabi ni Divine. Paano naman kasi tiga-ibang building 'yung crush ko sa school tapos minsan lang din kami magkita. Hindi niya pa nga ako kilala eh. Wala, ganoon talaga kapag popular ang crush mo. Tamang tingin ka na lang sa malayo.

"Kaya panget ka kabonding eh" nagkunyari ako na nagtatampo.

"Sunod na lang ako mamaya-maya. Tutulong pa kasi ako sa bakery after ko magreview. Alam ko naman na kayong dalawa ni Ronan ang may agenda pa talaga. Magiging third wheel lang ako doon" sabi ko bilang sagot sa tanong niya kanina.

Naiiling na lang sa akin si Divine bago niya kinuha sa bulsahan niya ang phone niya. Nagtext ito saglit kaya habang abala pa siya sa phone niya ay nagligpit muna ako ng gamit ko.

"Puntahan ko lang si Elijah. Nagtext na sa'kin 'yung may ari ng tea shop eh. Diretso na lang ako sa bahay niyo, papaturo na rin ako para sa exam bukas"

Tumango ako bilang sagot. "Pakilala mo ako kay Elijah minsan"

"Sige" sabi niya bago ito nagmamadaling maglakad palabas ng classroom.

Hindi man ganoon kahalata pero pareho kaming excited ni Divine para mamaya. May iba pa man na plano si Divine at dahilan para mas maging excited, ay alam kong natutuwa rin ito dahil muli kaming magsasamang tatlo nina Cassey mamaya.

---

Ang daming nangyari sa loob ng ilang linggo lang, pero alam kong hindi rin madali ang ibang pagbabago sa amin. Hindi lang ako nagsubok na magbago, maaari halos kaming lahat na magkakaibigan. May parte kami ng pagkatao namin ang sinusubukan naming baguhin. Change is a scary thing pero minsan 'yun ang kailangan ng tao. It takes acceptance, willingness and courage. Alam ko rin na hindi lang din basta-basta ang pagbabago, hindi por que ginusto mo ay mangyayari ito kaagad. Minsan ay hindi maiiwasan na magawa ang nakasanayan na, pero alam din namin na hindi namin kailangang madaliin ang sarili namin. Wala namang oras ang humahabol sa amin.

As for me, I don't want to think that I'm late...

I want to believe that everything just starts now.

That's what I want to hold onto not until we heard the sudden news about her...

"...murder?" gulat at nalilitong tanong ko. Hindi magsink in ang narinig kong balita galing kay Divine.

Paalis pa lang ako ng bahay namin matapos kong tumulong kay mama sa bakery para sana sumunod kina Divine at Ronan na kanina pa nakaalis. Pero ngayon ay bigla niya akong tinawagan para ipaalam sa akin ang nangyari sa kaibigan namin.

Ayaw magsink-in sa akin ang mga sinasabi ni Divine. Alam kong wala rin sa tamang pag-iisip si Divine dahil randam ko rin ang panginginig ng boses niya. Mukhang pinipigilan niya rin na hindi umiyak.

"Thats why..." narinig kong huminga ito ng malalim muna bago itinuloy ang gusto niyang sabihin, "...come here in the hospital instead if you're on your way na"

"I...got it" sabi ko habang may luha nang bumabagsak sa mga pisngi ko.

"Please be careful. May mga reporters na rin dito sa labas" paalala niya.

Matapos ibaba ni Divine ang tawag ay sobrang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Ayokong paniwalaan ang sinabi ni Divine. Out of all the things that could've happen today, bakit 'yun pa?!

"Alis na po ako ma, pa! Punta lang ako sa hospital saglit!" pasigaw na paalam ko sa magulang ko habang nagmamadaling lumabas ng bahay.

Kaagad ako naghanap ng masasakyan na tricycle para ibaba ako sa pinaka-malapit na terminal. Nanginginig ako sa takot, kaba, at pag-aalala.

Ang alam ko lang ay pupuntahan namin ngayon sina Cassey dahil inimbitahan niya kami. Wala sa plano namin ang biglaang patayan. Bakit may ganitong aksidente bigla?!

Ngayon na nga lang kami ulit magkikita pagkatapos ng halos isang buwan, tapos sa hospital pa?!

Cassey... please be safe.

Hindi pa kita ganoon kilala at balak pa lang kitang mas kilalanin. I want to be a better friend. Someone who could also be your shoulder to cry on. Someone who would be able to notice both yours and Divine's invisible tears whenever you guys are trying to stay tough when you're not. I want to be someone who will be able to help the both of you as much as you helped me during my painful times.

please...

This day was supposed to be the beginning...

I don't want this to end before I could even start getting to know you...

That's it for the second volume~ 2 down, 5 more volume to go~!

What do you think about our Farelle? You may leave some comments or your thoughts about the whole volume 2.

Your votes and support are also very much appreciated as it will motivate me to write more.

See you at the next volume!

Enjoy Reading~!

ZelkyieAnncreators' thoughts