webnovel

Tea Time

<November 28>

NGUMITI AKO at binati pabalik ang mga staff na bumati sa akin pagpasok ko sa DoroTea Shop. Dito kasi kami madalas tumambay nina Alann at Ronan kaya kilala na kami dito.

"May ka-date ka ngayon?" tanong sa akin ng may-ari.

Tumawa ako bilang sagot. "P'wede rin. Dalawa kadate ko po ngayon"

"Lagi naman eh" natatawang sagot niya. Nakitawa na lang ako atsaka umupo ako sa paborito kong spot.

Malamang ang tinutukoy ni tita Dorothy, ang may-ari ng tea shop, ay ang lagi kong kasama na sina Alann at Ronan. Si Ronan ang nagpakilala sa tea shop na ito sa amin ni Alann.

Mukhang hindi pa alam nina Farelle at Divine ang lugar na ito, kaya naman inaya ko sila dito ngayon. Ilang linggo ko na rin kasi hindi sila nakaka-usap o nakikita man lang. Kaya ngayong may bakante akong oras ay inaya ko sila kaagad. Gusto ko rin sana isama sina Alann at Ronan pero pareho silang busy sa araw na ito.

Sayang nga lang din dahil half day lang ang meron ako para makasama ang dalawa kong kaibigan ngayon. Pinapauwi kasi ako sa bahay lalo na't uuwi raw ulit ang pinsan ko doon.

Maya-maya lang ay dumating na sina Farelle at Divine. Nakangiting lumapit sa Farelle habang si Divine ay nakasimangot habang may tinetext sa phone niya.

"Sila ba kadate mo naman ngayon?" tanong ng may-ari habang ibinababa ang ibinababa sa lamesa namin ang menu.

"Opo, tita. Sina Farelle at Divine nga po pala. Mga kaibigan ko" pagpapakilala ko.

Pagkatapos ko silang maipakilala ay umalis na rin kaagad sa lamesa namin si tita Dorothy. Excited din na tinignan ni Farelle ang nasa menu habang si Divine naman ay kakatapos lang sa pagtext.

Tinignan niya ako at nakita ko sa mata niya ang inis. Kahit na ramdam ko na tila galit siya sa akin ay napansin ko rin ang pagkapareho ng tingin niya sa tingin sa akin ni Ronan noon.

Mukhang unti-unti ay naiintindihan ko na kung ano ang gustong iparating ng tingin ni Divine sa akin, dahil kay Ronan.

Pero...

"Cassey, right?" tanong niya sa akin na ikinagulat at ikinalito ko.

Gusto ko sana siya tanungin kung anong ibig niyang sabihin, pero napansin ko rin na kahit tanungin ko siya ay hindi niya rin ito sasagutin.

Pinanood ko na lang siya na umupo tapat ko atsaka binasa ang menu para pumili ng p'wede niyang i-order. Ilang minuto lang ay natapos na silang dalawa ni Farelle na makapili kaagad. Ako na rin ang nagpresinta na magbayad sa mga in-order nila.

"Oo nga pala, Cassey! Ang dami kong chika sa'yo!" excited na sabi ni Farelle pagkatapos naming mag-order.

Handa na sana akong makinig pero may pahabol pa itong tinanong. "Pero bago 'yun, ano na bang meron sa inyo ni AJ?"

Napatingin ako kay Divine na nakatingin din sa akin matapos itanong 'yun ni Farelle. Alam naman naming pareho ni Farelle na boyfriend ni Divine si Alann, kaya hindi ko maintindihan bakit niya ito natanong.

Mukhang napansin naman ni Farelle ang pagtataka ko. Sumilip din siya saglit kay Divine na tila nakikiramdam. "I mean, may rumors kasi na nagda-date na raw kayong dalawa"

"Trabaho lang ang lahat. Alam din ni Divine 'yun. Hindi niya ba nabanggit sa'yo?"

Umiling si Farelle sa tanong ko.

Kaya naman pala.

"Pero sino tinutukoy mo doon sa interview mo noon na may na-appreciate ka raw na tao sa set? Ikaw ah? Hindi ka nagkwe-kwento sa amin." pabiro niyang sabi.

Tumawa naman ako atsaka naalala ang gabi na sinamahan ako ni Ronan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa utak ko ang reaksiyon na pinakita niya sa akin.

Kahit na hindi ako sigurado kung dahil nag-aalala nga ba talaga siya pero simula noong gabing 'yun, ay madalas niya akong tanungin kung kamusta ako. Halos araw-araw niya rin akong kinukwentuhan sa nangyari sa araw niya at pinipilit ako na magkwento rin sa kanya.

Hindi ko maintindihan bakit niya ginagawa 'yun, pero ang alam ko lang ay tila natutunaw ang puso ko sa tuwa tuwing tinatawagan niya ako matapos ang trabaho naming dalawa.

"Just... Someone" sagot ko habang nakangiti.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Divine na tila ba nagtataka kung sino ang tinutukoy ko, pero maya-maya lang din ay nakita ko ang pagngiti niya. Nagulat ako sa nakita kong reaksiyon ni Divine.

"Rest assured na hindi si Alann 'yun." mabilis kong dagdag para hindi mag-alala so Divine at Farelle.

"Kilala ba namin?" tanong ni Farelle.

Ngumiti ako at tumango. "Oo naman"

Narinig ko ang pagsinghap ni Farelle at ang mahinang pagtawa ni Divine. Uminom na lang ako ng tea atsaka umiwas ng tingin sa kanila nang maramdaman ko na tila kinikilig ang dalawa.

Mukhang namis-interpret siguro nila ang sinabi ko patungkol sa may na a-appreciate akong tao.

Nagpatuloy ang kwentuhan naming tatlo pero habang nagkwe-kwentuhan kami at habang tumatagal ang pag-obserba ko sa kanilang dalawa ay naramdaman at nalaman ko na pare-pareho lang kaming tatlo na may itinatago pa rin.

Ang pag-uusap naming tatlo ay hindi katulad ng pag-uusap namin ni Ronan. Mayroon pa ring linya sa aming tatlo patungkol sa gusto at p'wede naming ikwento sa isa't-isa.

Ngayong napapansin ko ito ay mas naunawaan ko na sadyang mas malapit lang talaga sa akin si Ronan. Mas kinikilala niya ako at ganoon din ako sa kanya. Dahil kahit pinipilit lang niya ako ay naikwe-kwento ko pa rin sa kanya ang mga bagay na hindi ko magawang ibahagi kina Farelle at Divine. Habang si Ronan naman ay siya na ang nagkukusang magkwento ng mga hinaing niya sa buhay kahit hindi ko ito tanungin.

Nang maubos namin ang inumin naming tatlo pati na rin ang pagkain na nasa lamesa ay 'yun na rin ang hudyat na oras na para magpaalam kami sa isa't-isa.

"Sa uulitin" paalam ko sa kanilang dalawa.

Sana dumating ang araw na mabura na ang linya sa aming tatlo.

I think our tea time by then would be much more better than today.

This marks the end of the first volume~! I know it's a little bit too fast, but I really intend this story to be a really short one. Don't worry there's still 6 more volume to go!

Please, leave some comments or your thoughts about our main character, Cassey, for this volume. Again, your votes and support are very much appreciated as it will motivate me to write more.

Thank you for tuning in at the first volume! See you at the next one!

Enjoy Reading~!

ZelkyieAnncreators' thoughts