webnovel

Just Tired

<October 27>

KAKATAPOS LANG ishoot ang isang scene at pinapagpahinga muna ang lahat. Ang ibang staff naman ay abala rin sa pag-aayos para sa susunod na isho-shoot.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni kuya Marvin.

"Diyan lang. Papahangin lang muna ako"

Gaya ng sinabi ko ay lumabas muna ako ng tent atsaka naglakad-lakad palayo sa set. 9:30 na ng gabi pero mukhang hanggang mamaya pa kami dito. Hinahabol kasi ang deadline medyo huli na rin kasi kami sa schedule.

Nang may makita akong convenience store ay pumasok ako dito para bumili ng isang canned coffee. Pagkabayad ko sa kape ay tumambay muna ako sa isa sa mga upuan sa labas ng convenience store.

Nagmuni-muni ako habang nakatingala para pagmasdan ang mga bituin sa langit. Nakakatuwa lang na isipin na sa mga mata ng tao kapag tinignan mo ang mga tala sa taas akala mo magkakalapit silang lahat pero sa totoo ay ilang milya sila magkakalayo.

Napalingon ako sa tao na umupo sa tabi ko. Napangiti ako nang makita kung sino 'yun.

"Bakit ka nandito?" sabay naming tanong sa isa't-isa. Sabay rin kaming tumawa.

"Wala nagpapahangin lang. Atsaka bumili ako ng kape" sagot ko pagkatapos ay itinaas ko ang kape na hawak iniinom ko para ipakita sa kanya. "Ikaw?"

"Inimbitahan lang ako ni Alann. Alam niya kasi na medyo maaga ako uuwi ngayon, eh saktong madadaanan ko raw pala kung saan kayo magsh-shoot. Kaya dumaan na rin ako. May pagkain daw eh" sagot ni Ronan sa tanong ko.

Tumango ako at hindi mapigilang hindi mapangiti nang banggitin niya ang pagkain.

"Ikaw ba kumain na?" tanong niya sa akin nang mapansin ang pag-ngiti ko.

"Oo. Kumain ako ng burger na binili nila kanina"

"Kaya pala sobrang payat mo eh. Hindi ka man lang kumain ng kanin?" pang-aasar niya sa akin.

Umiling ako at doon tumigil ang pag-uusap naming dalawa. Tumingala ulit ako pero ngayon ay nakapatong na ang baba ko sa palad ko. Dahil na rin siguro tahimik ang paligid ay masyado akong narelax. Hindi ko namalayan na naisara ko na pala ang mga mata ko.

"Hey" malumanay na tawag sa akin ni Ronan sa gilid. Idinilat ko ang isang mata ko para silipin siya.

"Hmm?"

Kita ng isa kong mata ang pag-aalala sa mga mata ni Ronan. Nagulat ako doon kaya naidilat ko ang dalawa kong mata at napaupo ng maayos.

Mas nagulat ako sa sunod niyang itinanong. "Okay ka lang ba?"

Natahimik ako ng ilang saglit atsaka sinubukan kong basahin sa mga mata niya kung ano ba ang iniisip niya at natanong niya 'yun. Hindi ko rin alam kung bakit pero nahirapan akong huminga habang nagtititigan kami. Tila rin bang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ano ba ang tamang isagot sa tanong na 'yun?

Para akong nasa isang interview at ang mga mata ni Ronan ang nagsisilbing camera. Ang problema ay hindi ako handa sa tanong niya.

"Cassey?"

Nang tawagin niya ako ay doon ako natauhan. Mahina akong tumawa. Tawa na hindi ko alam kung ano ang tinatawanan ko. Kung sa tanong niya ba o sa mga mata ni Ronan na hindi ko malaman kung totoo ba ang pinapakitang emosyon nito.

"I'm fine" maikli kong sagot atsaka ngumiti.

Pero nakita ko rin kung paano ito sumimangot at tila nalungkot para sa akin. Umiling siya na para bang ipinapakitang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.

"No, you're not"

Pagkasabi niya nang salitang iyon ay mahigpit kong naisara ang kamay ko. Ilang beses din ako napalunok, pinipigilan ang mga luha na nagbabalak na tumulo.

Ahh.

He knows.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Just tired" pag-amin ko.

Alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin sa dalawang salita na 'yun. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa ng ibang bagay. Sinamahan niya lang ako hanggang sa maubos ko ang kape.

Kwinentuhan niya rin ako tungkol sa mga pangyayari sa event sa school noong isang araw. Pati na rin kung paano siya nagrant sa akin patungkol sa mga boss niya.

Sa ilang minuto na pag-uusap namin ay gumaan ng kahit papaano ang nararamdaman ko.

Pero...

Alam ko sa kaloob-looban ko ay tinatanong ko na kung bakit naitanong 'yun ni Ronan. Walang dahilan para itanong niya ang bagay na 'yun.

Was he really worried?

About me?

Hindi. Malamang ay dahil natatakot lang din 'yun katulad ng iba na hihilahin ko pababa ang best friend niya, lalo na't napagdesisyunan na magkapartner kami ni Alann.

"Haaa"

"Cassey?" tawag sa akin ni Ronan.

Ah! Did I just sighed?

"Tara na. Baka hanapin na rin ako doon." Pag-aya ko na lang bilang pag-iiba ng usapan.

Habang naglalakad kami ay ibinaon ko na lang ang mga hindi magagandang iniisip ko kanina. Alam kong hindi dapat ako nag-iisip ng ganoon.

Sana may libro na p'wede magturo sa akin, step by step, kung paano iwasan ang mga bagay na 'yon. Paano alisin sa sarili ko ang mga hindi kaaya-ayang pag-iisip. Paano yakapin ang mga bagay na hindi ko kayang matanggap.

Pero kahit namang may libro nga, paniguradong mahihirapan din ako sa pagsunod sa mga nakasulat doon.

"Sabi mo kanina, you're tired. Pero sinubukan mo bang magpahinga?" tanong sa akin ulit bigla ni Ronan habang naglalakad kami.

Napahinto ako atsaka napatingin sa kanya. Tumigil din si Ronan para tignan ako. Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti bago ako umiling.

"Sa atin lang 'to ah?" sabi ko sa kanya habang idinikit ang point finger ko sa labi ko bago kumindat na parang bata, na tila pinapatahimik siya.

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod bago tumingala ulit. Sinundan naman ni Ronan kung saan ako nakatingin.

"Natatakot ako na kapag nagpahinga ako, matupad ko nga hiling ko pero bilang isang bituin nga lang" pabiro kong sagot na ikinalaki ng mata ni Ronan.

Tumawa ako sa reaksiyon niya. "Biro lang. Natutulog naman ako kapag may oras. Sadyang busy lang talaga ngayon kaya napapadalas ang pagpupuyat"