webnovel

Reel Teenage Couple

[ A L A N N ]

<October 11-14>

MINSAN DARATING ang isang oportunidad sa'yo at tutuksuhin ka nito na kuhanin mo siya. Sa pagkakataon na inabot mo ang alok nito ay matutuwa ka sa mga nakukuha at makukuha mo hanggang sa makalimutan mo ang ibang kapalit nito. Sabi nga nila, give and take lang 'yan. Masyado akong nagpakampante at puro take and take lang ako.

Tinanggal ko ang salamin ko pagkatapos kong pag-aralan ang script na binigay sa akin ni Kurt. Anti-radiation glasses lang ito pero tuwing nasa bahay ako ay nasanay na rin akong suotin ito.Bumuga ako ng hangin nang ma-absorb ko kung ano ang role ko sa script. Hindi ko ba alam kung ano-ano mga pinapagawa ni Kurt sa akin.

Nilingon ko si Divine na nakasandal sa braso ko. Napansin ko na busy ito sa article binabasa nito sa phone niya. Sinilip ko kung ano ito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang mapansin ko na tungkol sa akin ang binabasa niya. Pero nawala rin ito at napalitan ng pagkaseryo noong mapansin kong mukhang hindi natutuwa sa binabasa niya. Ang article pala ay tungkol sa amin ni Cassey sa magazine na phinoto-shoot namin noong September.

"Ano naman 'yang binabasa mo? Nagseselos ka ba?" Pabiro kong sabi habang tinutusok-tusok ang tagiliran niya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya tinigilan ko na ang pang-aasar ko.

"The people are just too excited dahil sa project na 'yan." pagpapakalma ko sa kanya habang inaabot ang cellphone ko na nasa maliit na table sa tapat namin.

"Pero sa tingin ko, balak ata ng management na i-pair kaming dalawa para mas mapromote ang image ko since pumatok ang idea na 'yan diyan sa project namin noon." dagdag ko habang abala ako sa pagbukas ng messenger ko para basahin ang mga message na sinend ni Kurt sa akin.

Naghintay ako ng halos sampung segundo pero hindi ko narinig ang boses ni Divine para sagutin ako. Tinignan ko ito at doon ko napansin na nakapatay na pala ang cellphone nito atsaka nakayakap na lang sa maliit na unan. Tila ba malalim ang iniisip nito. Inabot ko ang ulo nito atsaka niyakap ko siya.

"Anong gusto mong kainin? Magpapadeliver ako" pag-iiba ko ng usapan.

"Takoyaki" maikling sagot niya sa boses na mukhang nanghihingi ng lambing.

Hinalikan ko ang pisngi niya bago ako mabilisang tumayo para kunin ang mga fliers sa kusina kung saan nandoon ang mga phone number ng mga pwedeng pag-order-an ng mga pagkain. Patago kong sinilip si Divine at napansin ko naman na nakangiti na ito at mukhang namumula pa nga ito. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti rin.

Kinuha ko ang mga fliers atsaka inabot ito kay Divine para makapili siya doon.

"Pili ka muna diyan, papabili ako kay Kurt ng Takoyaki bago siya pumunta dito mamaya" sabi ko.

---

"Hindi ako sang-ayon dito, Kurt. May girlfriend ako." madiin kong sabi kay Kurt. Kinukumbinsi ko siya na h'wag ituloy ang plano na i-pair ako kay Cassey, ngunit mukhang iba ang nasa isip nitong manager ko.

"Iyon nga Alann ang problema eh. Sinabihan ka na ng magulang mo tungkol diyan. Hindi ka naman kasi talaga p'wede bang maggirlfriend lalo na nagsisimula ka pa lang. Bakit ba hindi mo maintindihan 'yun?"

Napahilamos ako ng mukha sa narinig kong sinabi ni Kurt. Naririnig niya ba ang sarili niya?

"Naiintindihan ko na bata pa kayo at may karapatan nga naman talaga kayo para magmahalan. Pero, Alann... showbiz ang industriya na pinasukan mo. Maraming mata ang titingin sa'yo. Ito ang ginusto mo diba? Dapat alam mo kung ano dapat ang pinagtutuonan mo ng pansin. Kung ipagpapatuloy mo itong pagrereklamo mo ay wala kang mararating." paninimula na naman ng pagsesermon niya.

Hindi ko siya sinagot at nagpanggap na walang naririnig.

"Basta, gawan mo ito ng paraan Kurt. Hindi man nagrereklamo si Divine ay alam kong ayaw niya rin ng ganito"

"Alann, hindi ka ba nakikinig sa mga pinagsasabi ko kanina pa? Sinabi ko na sa'yo na kailangan mo ito dahil ito ang mas ikakabubut-----"

"Oo, wala akong narinig sa mga pinagdadada mo kanina pa at wala akong balak na makinig. Ako ang pakinggan mo at siguraduhin mo na malinaw sa iba na walang Alssey loveteam na mangyayari" iritable kong sabi atsaka ako tumayo sa upuan para sana iwanan na siya.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Cassey na mukhang narinig ang pinag-usapan namin ni Kurt. Napabuka ako ng bibig pero hindi ko alam kung ano ang tamang salita ang dapat sabihin sa kanya.

Was she offended?

This is awkward...

Mukhang napansin niya naman ang paghihirap ko sa paghanap ng tamang sabihin kaya mahina itong tumawa na tila natatawa sa itsura ko ngayon. Ganoon ba nakakatawa ang itsura ko kapag nagulat at natataranta sa sitwasyon namin. Ngunit sa tawa niya ay mukhang napakalma ako nito.

"It's fine, Alann. Kuya Kurt, naiintindihan ko ang desisyon ni Alann. H'wag po kayo mag-alala sa akin. Kung gusto niyo po ay p'wede kong kausapin ulit si kuya Marvin para kumbinsihin siya na h'wag na itong ituloy. I don't really mind" cassual na sabi ni Cassey gamit ang mahinahon niyang boses.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Cassey mukhang nakita niya ito dahil patago niya rin akong tinanguan. She's really a nice friend.

"No, Cassey. Kami ang nanghingi ng pabor sa inyo para matulungan si Alann dahil mahal ng mga tao ang tandem niyong dalawa." pag-iling ni Kurt bago ako binigyan ng masamang tingin.

Tch.

"Ah, pero po kapag napagdesisyunan niyo na magback-out po, I totally understand. It doesn't really matter po sa akin kung ipu-push ang plano niyo ni kuya Marvin o hindi. As long as wala pong masasaktan" sabi ni Cassey bago ito magpaalam dahil may kailangan pa itong puntahan.

Pagkaalis ni Cassey ay pababala akong tinignan na naman ni Kurt. "I'm warning you, Alann. Your loveteam with Cassey will really help your career, so you better do this right" madiin na sabi nito bago ako iwanan.

Madiin akong pumikit atsaka mahigpit na isinara ang kamao ko. Tangina naman!