webnovel

New Pairing

IDINILAT KO ang mata ko nang maramdaman kong may pumasok na tao sa tent. Nginitian ako ng maliit ni Cassey noong mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Tahimik itong umupo ito sa isang bakanteng upuan na tila ba sobrang ingat nito para hindi ako maistorbo pati na rin ang ibang artista na nagpapahinga rin. Kinalikot niya ang cellphone niya hanggang sa kumuha ito ng earphone, mukhang mayroon itong papanoorin.

Ipinikit ko ulit ang mata ko para sana ipagpatuloy ang pagtulog ko. Nananaginip na ako kanina eh. Gusto ko sana ito ituloy ngunit mukhang nawala na nang tuluyan ang antok ko.

Wala akong ibang nagawa kung hindi lapitan na lang si Cassey para tignan kung ano ang pinapanood nito. Napansin ko na nanonood ito ng mga past auditions ng America's Got Talent.

Walang pasabi kong kinuha ang isang pares ng earphone niya sa kaliwang tainga. Nilingon niya ako pero binigyan ko lang siya ng isang ngisi bago ko ito isinuot sa kanan kong tainga para mapakinggan ang boses ng kumakanta sa video. Mahinang naglabas ng hangin si Cassey atsaka niya inilipat din ang kabilang pares ng earphone niya sa kaliwang tainga para hindi kami maghilahan sa wire.

Nanatili kaming ganoon hanggang sa matapos namin ang isang video.

"Next" medyo naiinip kong sabi nang hindi pindutin ni Cassey ang kasunod.

"May sarili kang phone, diba?"

"Oo. Next na, bilis" sagot ko pagbabalewala sa gusto niyang sabihin. Tinatamad akong kunin ang phone ko. Nagchacharge pa kasi ito.

Ini-swipe ni Cassey ang taas ng phone niya para siguro basahin ang oras. "Magbasa ka na ng script mo kaya?"

"Gusto mo lang akong lumayas noh?" diretso kong tanong na may halong pagbibiro.

Hindi ko naman inaasahan na tatango ito. "Gusto ko sana umiglip muna. Kung gusto mong hiramin ang phone ko para makanood ka, ito oh" sabi nito atsaka tuluyang ipinaubaya ang phone niya sa akin.

"Kunin mo na ito, Cassey. Gamitin ko na lang 'yung akin" sabi ko habang sinusundan siya na naglalakad papunta sa pwesto ko kanina atsaka siya nahiga doon.

Inabot niya ang phone niya sa'kin at isiniksik ito sa gilid niya. "Oo nga pala, nakausap ko na si kuya Marvin. Mukhang magagawan naman ng paraan 'yung sa akin. Paki-balitaan na lang si kuya Kurt." mahina at walang ganang sabi nito, halatang inaantok na.

Tumagilid ito ng p'westo kung saan ay nakatalikod ito sa akin. Hindi tuloy ako makapagtanong tungkol sa sinabi niya.

Lumabas ako ng tent para sana panoorin na lang ishino-shoot na eksena ngayon, pero pagkalabas ko lang ng tent ay natanaw ko na kaagad si Marvin. Mabilis ko itong nilapitan para magtanong.

"Marvs!" bati ko sa kanya.

Nilingon ako ni Marvin matapos nitong makipag-usap sa iba. Kung natatandaan ko ay siya ang manager ni Julius.

"May nasabi sa akin si Cassey ngayon-ngayon lang. Hindi ko na siya matanong dahil nagpapahinga ito, pero ano ba 'yung sinasabi niya?" tanong ko habang pinapanood ang babae na kausap kanina ni Marvin na naglalakad palapit sa kotse kung nasaan ang inaalagaan nito na si Julius.

"Ah, oo. Kilala mo naman si Julius diba? Isa siyang singer and model. Nag-offer ako sa kanila kung gusto nilang ipair si Julius kay Cassey. Balita ko kasi na ayaw mo raw sa ganoon?" pag-eexplain nito.

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Bakit si Julius?"

"Anong bakit siya? Hindi pa naman sigurado 'yung kay Julius. Pag-uusapan pa lang namin bukas ang mga detalye. Naghahanap din ako ng iba pang p'wedeng ipares kay Cassey kung sakaling hindi pumayag si Julius"

"Okay lang ito kay Cassey?" paninigurado ko.

"Oo. Hindi naman ito nagrereklamo eh. Mukhang alam niya kung ano ang mas makakabuti sa kanya" pagdiin nito sa huling pangungusap na tila balak talaga akong paringan.

---

"Mukhang okay lang naman ata sa kanila, pero hindi pa nila cino-confirm ang sagot nila. Bukas ata itutuloy nila kuya Marvin ang usapan" pagbabalita ni Cassey mula sa call.

Napabuntong hininga ako atsaka sinubukan ko na magsalita ng mahinahon sa abot ng makakaya ko. "Papayag ka talaga doon?"

Hindi ko ganoon kilala si Julius at hindi rin naman kami ganoon ka-close. Ngunit sa pag-obserba at sa mga sinasabi ng iba ay hindi ko gustong makatrabaho ni Cassey itong lalakeng 'to. Cassey is too good for a guy like him.

"Hmm" paghumm nito.

"Sigurado ka ba? Kasi Cassey sa totoo lang, panget ang imahe niya para sa akin, Baka kaysa makatulong ito para sa career mo ay mas makasira pa ito"

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "You worry too much. Sige na, mag-aaral pa ako." paalam niya atsaka mabilis na inend ang call,

"Tch" inis na sabi ko habang tinitignan ang phone ko.

"Tangina naman kasi!" pagmumura ko habang hinahanap sa contacts ko ang pangalan ni Kurt.

Ilang minuto ang lumipas bago masagot ni Kurt ang tawag ko. "Oh? Bakit?" pabungad na bati niya.

Labag sa kalooban kong sinabi, "I'll go with your plan. Just don't let Marvin pair my friend to that Julius. I don't like him for Cassey"

"Buti naman natauhan ka na! Tatawagan ko kaagad si Marvin tungkol dito. Magready ka bukas dahil may nakaplano na kami ni Marvin sa inyo ni Cassey noon palang. Buti na lang nagbago na isip mo" halata sa boses ni Kurt ang saya.

"Huuh?! Kaagad? Kurt, ang dami nating ginawa kanina. Dapat day-off ko bukas, ah?"

"Too bad for you, buddy" Pang-aasar niya sa akin bago tumawa.

"Bawal ka nang magback-out dito. Magsisimula na kami na i-promote ang pangalan niyong dalawa. Pagkasimula noon ay ang pagpirmahan din ng kontrata"

"Tch. Basta idagdag niyo lang na hanggang makahanap lang ng mas maayos na ipapares si Marvin kay Cassey. Ayokong kung kani-kanino lang ipapares ang kaibigan ko."

"Sige, sabihin ko kay Marvin. Pero magtatagal parin ang loveteam niyo ng isa o dalawang taon"

Napatahimik ako sa sinabi ni Kurt. That's too long! Papayag ba si Divine?

"Hoy, Alann?"

Pero panigurado naman na hindi rin papayag si Divine na makapartner lang ni Cassey ay kung sino-sinong lalake na hindi naman makakapagtiwalaan. I think she would understand.

"Sige" pagsuko ko.

"Great. I'll text you later. Tawagan ko lang si Marvin." paalam niya atsaka in-end na ang tawag.