webnovel

Hot Interviews

<November 4>

INAANTOK-ANTOK kong sinagot ang tawag ni Kurt. "Malapit na ako sa bahay niyo. Nakaayos ka na ba?"

"Hmm." wala sa sarili kong sagot habang nakapikit. Pinatong ko sa tainga ko ang phone ko atsaka hinayaan na nakaganoon lang.

Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Kurt sa kabilang linya. "Bumangon ka na diyan! Mayroon kang guesting show ngayon!" napangiwi ako sa biglaang sigaw ni Kurt.

Mabilis kong kinuha at inilayo ang phone sa tainga ko. Humikab muna ako bago ko inilapit ulit ang phone sa tainga ko.

"Oo na." maikli at tinatamad kong sabi bago pinatay ang call. Tinignan ko ang oras pero tila hindi pumasok sa utak ko ang pagkabasa ko dahil hindi ko ito pinansin at muli kong pinikit ang mga mata ko.

"Just 5 minutes" bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto lang ay may naramdaman akong umaalog sa akin. "Alann Jhay Zamora! Gumising at bumangon ka na diyan! Mala-late pa tayo niyan eh!"

I groaned. Tinignan ko kung sino ang makulit na nang-iistorbo sa panaginip ko.

"Kurt? Ang bilis mo naman?" gulat na sabi ko pagkakita ko kung sino ang nasa loob ng kwarto ko.

Napalingon tuloy ako sa orasan na nakasabit sa pader. Shit! Akala ko wala pang 5 minutes ang nakakalipas. Halos 45 minutes na pala. Kaya pala umagang-umaga ay sobra-sobra na rin ang pagkakunot ng noo ni Kurt.

"Hehe, good morning?" awkward na sabi ko.

"Hehe mo mukha mo! Tumayo ka na nga diyan! Baka masipa pa kita!" inis na sabi niya at akmang sisipain nga talaga ako.

"Ano ka? Kabayo? Kung lumabas ka kaya ng kwarto ko at nang makaligo't bihis na ako?" sagot ko pabalik bago humikab.

"Bilisan mo! Doon ka na kumain dahil aalis na tayo kaagad pagkatapos mo diyan." pinanood ko siyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay bumuga ako ng hangin.

Magbabalak pa sana ako humiga ulit pero sinigawan na ako ng manager ko mula sa labas ng pinto. "Hihilahin kita pababa kapag hindi ka pa natapos ng 10 minutes!"

Tch.

Labag sa loob akong tumayo mula sa kama atsaka kinuha ang mga damit ko sa closet.

----

"Kinakabahan ka ba?" napalingon ako kay Cassey na nasa gilid ko na pala.

Walang gana akong tumawa, "hahaha, gusto ko nang umuwi" pag-amin ko.

"Recorded lang naman ito. Kaya okay lang kahit mabulol ka diyan o ano" pagpapakalma niya sa akin.

Iba siguro ang pagkaintindi niya sa sinabi ko. Hindi naman sa kinakabahan ako, sadyang tinatamad lang ako ngayon. Iyong tipong gusto ko lang matulog at humiga sa kama ko buong araw.

"Ikaw ba? Hindi ka kinakabahan?" pag-balik ko na lang ng tanong sa kanya.

"Okay lang. I mean, after ng ilang years ko dito sa industriya ng showbiz, ito ang first time ko na mainterview na ako talaga ang pinaka-focus. Well, I mean, tayo pala"

Doon ko naalala na nagsimula na siya pumasok sa industriya noong bata pa lang siya. Nag-aaudition na ito sa mga commercial at mga paextra-extra. Noong mas tumanda siya ay nagsubok ito magmodel. Mas nakilala ang pangalan niya dahil doon, pero dahil na rin siguro sa loveteam namin na sinusubukang ipromote ng management ng company ng pinapasukan namin ni Cassey ay mas marami na ang nakakaalam sa pangalan naming dalawa.

Maya-maya lang ay tinawag na kami ng Direktor, hudyat na magsisimula na kami.

Ang host na si Bianca ay mayroong masigla at friendly na aura kaya siguro hindi rin ako naburyo. Entertaining talaga siya kaya madali lang kami naging komportable ni Cassey kay Bianca. Kung mag-usap kami ay para bang magbabarkada lang kami kahit na mayroong agwat sa aming edad. Madali siyang pakisamahan kumbaga.

"Balita ko ay magbestfriend talaga kayo? P'wede niyo ba akong kwentuhan kung paano kayo nagkakilala at naging magkaibigan?"

Nagkatinginan kami ni Cassey tila ba naghihintayan kami kung alin sa aming dalawa ang mauunang magsalita at sumagot sa tanong. Hindi namin napigilang hindi mapatawa dahil para bang wala kaming balak pareho na magsalita.

Sa dulo ay ako na ang nagsimula magkwento, "Naging magkaklase po talaga kami noong elementary, pagkatapos ay lumipat ako ng school noong mga first year highschool. Nagkita na lang ulit kami ni Cassey sa isang audition noon. Coincidentally, iyong isa ko pong bestfriend noon sa highschool ay kaibigan at same neighborhood pala ni Cassey. Dahil siguro doon ay mas napapadalas na rin ang pag-uusap namin noon, hanggang sa mas naging close kami sa isa't-isa"

Narinig kong tumatawa ng mahina si Cassey sa tabi ko kaya nilingon ko siya. "Bakit?"

"Wala, naalala ko lang kasi kung paano mo inaway bestfriend mo noon" sabi niya habang natatawang umiiling.

Napakunot ako ng noo atsaka ko inaalala kung ano ang tinutukoy niya, pero hindi ko ito maalala. "Alin dun?" tanong ko.

"Noong akala mo dati na girlfriend niya ako pero may nililigawan na siya na iba dati?" pagpapaalala niya sa akin.

"Ahh!"

Iyon ang panahon na napansin ko kasi na halos laging kasama ni Ronan si Cassey, pagkatapos ay sobrang bait pa nito sakanya. Ang alam ko kasi may ibang nililigawan talaga si Ronan noon, hindi niya naman sinasabi sa akin kung sino iyon pero sigurado akong hindi si Cassey 'yun base sa kwento niya. Akala ko tuloy ay two-timer si Ronan.

Hindi pa kami ganoon kaclose ni Cassey noong panahon na iyon pero siyempre kilala ko siya at may pinagsamahan naman din kami, kaya nainis ako kay Ronan noon. Hindi ko alam na magkaibigan pala sila. Doon ko lang din narealize na sobrang sweet at gentleman lang talaga ni Ronan pagdating sa mga babae. Siguro dahil na rin may kapatid itong babae.

"Hindi ko maintindihan kung bakit mo naisip 'yun" natatawa niya pang dagdag.

"Baka naman nagseselos kasi si AJ noon" singit at pagtukso sa amin ni Bianca.

Tinawanan lang naman iyon ni Cassey habang ako ay hinayaan ko lang silang dalawa na ipagpatuloy ang kwentuhan.

"Maiba tayo, kamusta naman kayo sa work? Hindi ba awkward? Madaming na nagshi-ship sa inyon dalawa dahil sa magazine na fineature kayong dalawa. Congrats pala doon. Ang ganda ng kinalabasan."

Si Cassey ang unang sumagot, "Salamat po. Hindi naman po awkward. Thankful nga po ako kasi si Alann ang lagi kong nakakasama sa work as of now, dahil at least may kakilala ako bonus pa na bestfriend ko pa po."

Ngumiti ako sa sagot niya. "Masaya naman po kasing katrabaho si Cassey, mabait at maasa----"

"Ang sabihin mo may laging sumasalo sa'yo tuwing gumagawa ka ng----"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na ang sunod niyang sasabihin. Aba, ibubuking ba naman ako sa harap ng camera.

Mabuti na lang hindi na rin itinuloy ni Cassey ang sasabihin niya at iniba niya ang usapan. Sa totoo lang, sa buong interview ay halos si Cassey ang nagbuhat sa aming dalawa. She makes it less awkward for the both of us, lalo na kapag may tanong patungkol sa loveteam namin. Ang sagot niya ay 'yung sakto lang na ikakatuwa ng karamihan pero hindi rin ganoon makakasakit para kay Divine.

I was slowly enjoying the interview, not until...

"So, is there someone you two are interested in with?"

Napatahimik kaming pareho. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I mean, yes. I do have someone I really like.

Pero, okay lang ba nasabihin iyon dit----

"Yes." gulat akong napalingon kay Cassey nang bigla itong sumagot. Narinig ko rin ang pag-singhap ni Bianca pero hindi ko na ito pinansin dahil ako rin ay hindi makapaniwala sa sinagot ni Cassey.

"He caught my attention this past few days, probably because we were also together almost everyday" dugtong nito kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan lalo na noong tumingin ito sa akin.

There are times, I could tell what her eyes wants to say, but at that moment I just couldn't.