webnovel

Confirmation

<November 10>

IT'S BEEN five days since that interview. Noong inilabas na rin iyon sa TV ay kaagad itong nagtrending. Masasabing successful ito. Madaming projects, advertisement at guesting ang biglang nakahain sa amin ni Cassey kaysa noong mga nakaraang buwan at linggo.

Sinamantala naman namin iyon, lalo na ng manager namin ni Cassey. Madalas kaming magkasama sa lahat ng mga project, kaya naman hirap din akong iwasan siya.

Siguro maling hinala lang ako pero hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-awkward kapag kasama si Cassey. Kaya tuwing walang nakatingin at halos kami lang dalawa ay naghahanap ako ng dahilan para hindi kami mag-usap. Hindi ko kasi alam ano ang sasabihin o pag-uusapan.

Ngayon ay saktong may kailangan akong itanong kay Cassey patungkol sa scene naming dalawa mamaya. Kaya sinubukan kong umakto ng normal at nilapitan siya. Nakaupo ito sa isang gilid habang nanood ng youtube.

"Cassey" tawag ko.

Cassual itong tumingala sa akin, "Hmm?"

"Nabasa mo na ba 'yong script?"

Tumango ito bago tuluyang pinatay ang cellphone niya para mas makatutok siya sa papel na hawak ko. "Oo, memorize ko na" sagot niya.

Ito ang maganda at kinaiingitan ko kay Cassey. Mabilis lang niyang namememorize ang mga linya pagkabasa niya lang ng isang beses. Madali lang din siyang makasabay sa lahat dahil lahat ng bagay ay kaya niyang kopyahin basta nakita niya lang din ito ng isang beses. She's so talented, habang ako ay nags-struggle pa rin.

"Ano ba iyong dito?"

"Ah. Ang sabi ni kuya Marvin ay para raw tayong nasa school debate." pag-explain niya. Inacting niya rin ang linya ko para mas madali kong maintindihan kung paano ba ipro-project ang emosyon ko.

"Sige, salamat" sabi ko bago pinag-aralan ulit ang script.

Paulit-ulit kong binasa ang isang linya dahil hindi ko ito maintindihan. Paano naman kasi masyado akong nabo-bother sa mapanuring tingin ni Cassey sa akin. Naiilang ako dito.

"Bakit?" hindi ko na mapigilang hindi maitanong.

Inosente niya akong tinanong, "Okay ka na ba?"

"Huh?" nalilito kong tanong.

"Ilang araw mo na ako iniiwasan eh"

Hindi ako makasagot kaagad.

Bumuntong hininga siya bago naiiling. "Dahil ba sa interview noong nakaraang linggo? If I said something wrong that time, I'm sorry"

Mabilis akong umiling nang bigla itong humingi ng tawad. "No. Wala ka naman nasabing mali"

Tinignan niya ako ng ilang segundo para bang sinusubukan akong basahin. "You..."

Napakurap ako ng dalawang beses bago niya ituloy ang sasabihin niya. "No... Hindi naman siguro noh?" sabi niya parang hindi makapaniwala.

"Huh?"

"You didn't thought that I liked you, right?"

Sa sinabi niya ay napaubo ako ng ilang beses. Ramdam ko rin ang pag-init ng tainga ko.

How could she just say it like that?

Narinig ko ang pagtawa niya kaya taka ko siyang tinignan. "Alann, masyado kang assuming. Don't worry, I don't see you that way. Lahat ng sinabi ko sa interview are just some sweet words to trick the audience. Hindi ko alam kung alin doon ang na-misunderstood mo, but rest assured since I don't like you in that way. I only see you as my friend"

Shit! Nakakahiya!

Pero dahil na rin siguro sa sinabi niya ay mas nakahinga ako ng maluwag. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Plus, even if it was true it wouldn't be you. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Divine" dagdag niya pa.

Matapos ang pag-uusap namin na iyon ay bumalik kami sa dati. Ang ibig kong sabihin ay iyong katulad dati na hindi ko siya iniiwasan.

Pag-uwi ay sumabay ulit ako kina Cassey para inisin lang si Kurt sa kakahanap sa akin.

"Tinatawagan na ako ng manager mo, Alann Jhay" pagbabalita ni Marvin sa akin habang nagmamaneho ito sa harap.

Rinig na rinig ang pagring ng cellphone ni Marvin kaya kahit hindi niya sabihin iyon ay alam kong si Kurt na iyong tumatawag kay Marvin.

"Hayaan mo siya. Pababa na lang po pala ulit ako sa kanto. May usapan kami ni Ronan eh" sabi ko.

Sinilip ko si Cassey na nasa gilid ko. Mukhang natutulog na ito dahil nakasandal na ang ulo niya sa may bintana habang nakapikit ang mga mata.

Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala ito pinapanood dahil nagulat ako nang bigla itong magsalita. "Baka matunaw ako, Alann"

Tinawanan ko siya. "Pagod na pagod, ah?"

"Hmm" pagsang-ayon niya. Dumilat siya ng mata atsaka matamlay na pinanood ang mga dinadaanan namin sa bintana.

Hindi ko alam kung bakit pero para bang biglang tumibok ang puso ko ng mabilis. Tila ba bigla akong kinabahan.

"Ikaw ba? Hindi? Nagagawa niyo pang makipagpiyesta, eh pareho nga kayong laging full schedule"

Napalaki ang mata ko sa gulat nang bigla itong lumingon sa akin. Hindi ko kasi inaasahan ang mabilis na pagbago ng expresyon niya. Siguro ay ilusyon at mali lang ang nakita ko kanina.

Ngumisi ako, "Siyempre, naman! Dapat alam mo rin kung paano magsaya noh! Hindi p'wedeng work, work, work lang! Tatanda ka ng mabilis kapag ganoon. Atsaka, ang sarap kayang kumain ng libre"

Nakita ko ang pagngiti niya at pagtango nito.

"Gusto mo bang sumama?" pag-aya ko.

"Hindi na. Mag-aaral pa ako"

"Sayang. You'll miss the fun. Hindi ka ba inaya ni Ronan?" pagkibit balikat ko.

"Inaya niya ako pero tumanggi rin ako. Sa susunod na lang siguro" sagot niya.

Tinignan ko siya ng ilang segundo pero mukhang hindi ko rin talaga siya makukumbinsi.

Sumuko na lang ako, "If you say so."