webnovel

Cracked Mirror

LUMINGON AKO kay kuya Marvin nang tawagin niya ang pangalan ko pagkatapos niya ako ihatid sa apartment.

"Bakit?"

Tinitigan niya ako ng ilang segundo na tila ba inoobserbahan ako. Tumalikod ito atsaka nagsimula na maglakad paalis. Nagtaka naman ako sa ginawa niya pero maya-maya lang ay narinig ko ang sinabi nito.

"You should look at the mirror sometimes"

Nalilito akong pumasok sa loob ng apartment. Pinag-isipan ko kung bakit niya sinabi iyon. Pero habang tumatagal ay mas naiisip ko kung ano ang mga nabasa ko kanina. Pumikit ako ng mariin.

But... I can't deny the fact that they were not wrong.

How could other people see through all my flaws so easily? Was I that bad? Haaaa...

Nang idinilat ko ang mata ko ay kinuha ko sa bag ang script. Binasa ko ito para pag-aralan. Pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko alam paano ito i-aarte.

Hindi pa nila ito naituturo sa akin. Kung may tao lang na magsasabi sa akin kung paano gagawin ang scene na ito, o kung paano ang emosyon dito, siguro makakaya kong ipractice ito. Siguro p'wede pa akong mag-improve.

Wala akong problema sa pagmemorize ng script. The problem is my acting. Hindi ko nga alam kung matatawag bang acting ang ginagawa ko, dahil ginagaya ko lang naman ang mga sinasabi nila sa akin.

Tumayo ako atsaka sinubukan iakting ang nasa script. Ilang beses ko itong ginawa hanggang sa mapatingin ako sa salamin na katabi ko na pala. Inulit ko ang mga linya kasama ang pag-arte ng mga facial expression ko sa harap ng salamin.

Nang matapos ako ay tinitigan ko lang ang sarili ko ng ilang segundo. Iniwas ko ang tingin ko bago pabulong na sinabi, "disgusting".

Umalis ako sa harap ng salamin atsaka kumuha ng damit para maligo at nang makatulog na ako pagkatapos.

---

<October>

Kinabukasan, pagsakay ko sa jeep ay may nakita ulit akong pamilyar na tao.

"Ronan!" tawag ko sa kanya na busy sa pagte-text sa phone. Napalingon ito sa akin matapos ko siyang tawagin.

"Uy! Naks, papasok ka ngayon?" Bati niya sa akin pabalik.

Doon ko napagtanto na napansin niya siguro na naka-uniform ako. Ngumiti ako atsaka tumango.

"Wala kayong shoot ngayon?"

"Meron, kaya hindi ako makaka-attend sa afternoon class namin" sagot ko.

Hindi na umimik si Ronan pagkatapos dahil naging abala na ito sa pagtext. Kaya nagulat na lang ako nang biglang bumaba rin ito sa pinagbabaan ko. Taka ko siyang tinignan pero nginitian niya lang ako.

"May iaabot ako kay Farelle." pagdahilan niya.

Tumango na lang ako at hinayaan siyang sabayan ako maglakad papunta sa school namin. Habang naglalakad kami ay nanaig ang katahimikan. Minsan ay sinisilip ko si Ronan na nasa tabi ko, at mukhang napapansin niya ito.

Mahina siyang tumawa, "Bakit?"

Nagdadalawang isip man ay tinanong ko pa rin siya. "Do you love your job?"

Napatingin siya saglit sa akin na parang nagtaka kung bakit ko 'yun natanong, pero ilang saglit lang ay ngumiti ito atsaka diretsong tumingin sa dinadaanan namin.

"Maybe. I mean, mahirap siya kasi ilan din ang pinapasukan ko. Halos wala na akong oras para makapagpahinga. Pero ganoon kasi ang buhay eh, hindi naman lahat madali. Pero on the brighter side, I'm still capable of being myself" sagot niya.

"Huh?"

Napansin kong tumunog ang phone niya. Kinuha niya 'yun atsaka tinignan kung kanino galing. Sinilip ko 'yun nang saglit at nabasa ko na galing pala 'yun sa isa sa mga boss niya. Mukhang hinahanap na siya sa trabaho.

"I mean, naalala ko pa rin na kailangan ko rin alagaan ko sarili ko. Nagagawa ko pa rin ang gusto ko, pero siyempre may sakripisyo rin akong ibinibigay doon. In short, hindi ako nakatali sa pagtra-trabaho dahil kailangan lang. Nagtatrabaho ako dahil may gusto rin ako" sagot niya habang nagta-type ng irereply sa boss niya.

Napatahimik ako atsaka tumingin na lang ng diretso.

"I see" bulong ko kahit na hindi ko ganoon naintindihan ang sinabi niya.

---

Ilang araw ang nakalipas at napapadalas din ang pagtawag ko kay kuya Marvin para matulungan ako kung paano ba gagawin doon sa mga script para mapractice ko ito. Naririnig ko kung paano ako pinupuri ni mommy dahil mas nagsisipag na ako sa career ko, pero mas napapadalas din ang pag-aalala sa mga mata ni kuya Marvin sa akin.

"Your acting is already good enough" komento sa akin ni kuya Marvin nang minsan.

Is it really?

"Saan ka ba hindi pa satisfied?" tanong niya.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ano ang isasagot sa kanya. I don't really know. Ang alam ko lang ay ginagawa ko ito dahil 'yun ang sinasabi nila. Hindi ba dapat matapatan ko man lang ang expectation nila?

Kahit alam kong nakakapagod na rin...

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni kuya Marvin sa tabi ko. Yumuko ako atsaka tinitigan ang nakapatay kong phone, kung saan nakikita ko ang repleksiyon ng sarili ko.

Now that I think of it, ang step mom ko ang may gusto na maging artista pero hindi niya ito nagawa. Ginusto ko rin ba na pumasok sa industriya na ito?

Naalala ko tuloy ang pinag-usapan namin ni Ronan noong isang araw. How lucky is he to be able to be himself and choose his own path. He is happy, right?

Malungkot kong tinignan ang sarili ko. Is this really what I want? Is this really who I supposed to be am?

I wonder... if I could be like him too?