webnovel

Warrior Five - Redentor

Red is Back. Terrenz thought she had forgotten about him for it has been 5 years. But old sparks rekindle, forgotten memories are brought back to life and the lost love continued... Yet, the old pain comes along... Will it be love to last this time or the long awaited closure?

jaineyjane · Celebrities
Not enough ratings
22 Chs

The Not-So Forgotten Past

****

Year 2013

"Ok na 'to!" iritableng turan ni Terrenz sa kaibigang si Llanie. Nagmamake up ito sa tabi niya habang abala naman siya sa pag-guhit ng assignment nila sa Trigo.

"Sinabi ko na kasing wag mo na gawin yan, hindi naman natin magagamit yan pag-graduate," Ani Llanie habang inaayos ang kilay.

"Huh! Easy for you to say. Kung hindi ko gagawin 'to, baka mawalan ako scholarship. Hindi ako maka-graduate," ani Terrenz na muli na namang yumuko upang tapusin ang sinasagutan.

Nilingon ito ni Llanie. "Kapag nawalan ka ng scholarship, alam mong ako ang magpapaaral sayo. So don't be sentimental."

Terrenz was a typical ordinary college scholar student. While Llanie was the middle class unica hija daughter. Their friendship was genuine and pure. Llanie is very much willing to help out Terrenz materialisticaly. In return, tinutulungan niya ito na makapasa sa mahihirap na assignments nila. Although, Llanie does not obliges Terrenz to do so and Terrenz don't need Llanie's resources, it's how their friendship works.

"I'm not being sentimental. It just hurt my pride, kung babagsak ako dahil sa isang assignment na tinamad akong gawin," ani Terrenz.

"Ouch ha?!" natigil ang pagkikilay nito. "Gagawa ako ng assignment, tatapusin ko lang ang pagkilay ko!" pagmamataray ni Llanie na tinawanan lang ni Terrenz.

Nasa kalagitnaan sila ng kulitan nang biglang nagdatingan ang limang lalaki ng Warrior Five. Napatingin siya when Red dropped a tray of food sa tabi niya and his knapsack sa table. JV and Matt sat in front of them, Buboy was holding a ball and nanatiling nagdribble sa gilid, while Thor was wiping sweats on his body na umupo naman sa mismong mesa. Galing sa basketball rehearsals ang lima. They are all wearing their varsity jersey. Sanay na siya sa presensiya ng lima sa paligid niya. Binalik niya ang atensyon sa ginagawa.

"We only need 2 wins di ba to get to finals?" ani Buboy na tila pinag-uusapan ang laban nila.

"I think so," sagot ni JV. May hawak itong tubig at nilagok iyon.

"South ba makakalaban natin next sat?" tanong naman ni Matt.

"Wala pa sched when I checked," sagot ni Thor.

"Madali lang yun kapag South. Madami tower sa kabila eh," ani Buboy.

"What are you doing?" ani Red na tila hindi na interesado sa pinag-uusapan ng mga kaibigan. Sinilip nito ang ginagawa ni Terrenz. Saka lang binaling ni Terrenz ang lingon sa katabi. Sabay-sabay ding napatingin ang lima sa ginagawa ni Terrenz.

"This?" ani Terrenz. "This will justify my future," pa-cute na turan ng dalaga. Kinuha ni Red ang papel na pinagsusulatan niya at tila sinisipat yun.

"This isn't right," anito na nangingiti. Tila may pag-uyam sa ngiti nito. Her one eyebrow raised. Inabot ni Red ang papel kay Matt.

"Yeah, you got the angle wrong," simpleng sagot ni Matt saka inabot sa kaniya ang papel pabalik. Sa saglit na sulyap, tila nakita agad nito ang mali niya.

Matalim ang tingin niya kay Red. Her lips pursed and her looks slashed to Red's teasing smile. Tatawa-tawang tinakpan ni Red ng kamay ang mata niya. "We are just helping."

"For Terrenz, that's stepping on her pride," sagot ni Llanie while fixing her hair.

"I didn't asked for help," maktol niya. Red reached her out and gave her a slight smack on cheeks.

"You said it justifies your future, I think I have a say on it," kinindatan pa siya nito. Sumiksik ito sa kaniya na tila naglalambing.

Red and Terrenz are in a one year boyfriend-girlfriend relationship. The boys are ahead of them ng isang taon but it doesn't stop Red to court her during her Sophomore year. Their love story is of those rich popular cool guy-typical simple girl. But Red have proven how much he cherished Terrenz. In nature, hindi ito nakaiwas sa katayaran niya when he was just courting her. Medyo may trust issue siya sa status nito.

Warrior Five were the most popular jock in the campus. Madaming nagkakandarapa mapansin lang ng isa sa mga miyembro ng Warrior Five. But to no avail, pili lang din ang pinapansin ng lima.

He first met Red sa library. Nakaupo siya sa sulok ng aisle ng library trying to find out a solution sa napakahirap na assignment niya. She was cursing loudly sa frustration niya. Napasilip si Red sa aisle niya. Hindi niya sinasadyang tignan ito ng masama. But Red was smiling at her like he was teasing. Naibunton niya rito ang frustration niya but Red ended up helping her instead. And the rest were history.

"If your helping, please don't smile as if your mocking," patuloy na maktol niya rito.

"I'm not mocking you," depensa ni Red. Inagaw nito ulit ang assignment niya. "Matt, will do it for you if you want," anito saka inabot kay Matt ang assignment ni Terrenz.

Lalong tumalim ang tingin ni Terrenz.

"Bad move, Redentor!" bulalas ni Llanie.

"Twinnie, I think we need to leave. Malilate na tayo!" dobleng inis na turan ni Terrenz kay Llanie habang padabog na sinusukbit ang bag sa balikat. Harabas na hinablot ni Terrenz ang papel ng assignment and stormed out.

"Eyh!" awat ni Red. Bumaling ito sa mga kaibigan. "What did I do?"

"I told you it's a step on her pride," ani Llanie na nagliligpit na rin ng gamit para sumunod sa kaibigan. "You know what?," pahabol pa nito. "You may be good in academics but for understanding Terrenz, you're too slow. Learn to catch up," ani Llanie. She gave them a winked before tuluyang lumayo sa lima.

Naiwang iiling-iling lang ang lima.

****

NAPALINGON SI TERRENZ nang marinig ang katok sa pinto. Nakangiti si Layla habang papasok ng pinto. Admin assistant ito ng departamento nila at isa sa mga maituturing niyang kaibigan.

"May bayad ba ang istorbo?" anito na diretso nang pumasok sa loob.

Napabuntong hininga siya and reached out sa folder na nasa harap ng lamesa niya. Hindi siya umimik. Her head was in the clouds. With what happened kanina, hindi niya maiwasang bumalik sa nakaraan.

'He' s back? Red is here.' paulit-ulit na bulong ng utak niya. Tila nanunulsol.

"Huy!" mahinang katok ni Layla sa lamesa niya. Hindi niya namalayang nakalapit na ito. "Naiintindihan mo ba yang binabasa mo? It's upside down," ani Layla.

Inirapan niya ito. Folded the file and sumandal sa swivel chair na kinauupuan niya. She shooked her head. Trying to sway off the memories.

"Malala ka na, friend. Matindi ata yang winawasiwas mo. Baka gusto mong ichika," ani Layla.

Tumingin siya kay Layla. "Tell me," aniya tila nililimi pa kung sasabihin pa din o iiwas na. "What would you do if after 5 years nakita mo ulit ang taong akala mo hindi mo na makikita?"

Nagsalubong ang kilay ni Layla. "Ano yun? Taong akala mo hindi mo na makikita? Isa lang ang pagkakaintindi ko diyan. For sure, may utang sayo yan! Naku, friend. Malamang kahit 5years na, sisingilin ko pa rin yan!" ani Layla.

Napatanga si Terrenz. As ever, wala talagang seryosong usapan na maioopen dito. Napangiti na lang siya at napailing.

"Ewan ko sayo! Ano bang kailangan mo sakin?" tanong niya na muling inabot ang folder sa harap niya.

"Wala naman. Just checking if you're ready. Nasa conference na yung mga kliyente mo. Kausap si boss. Baka lang may papahabol ka sakin na kailangan mong bitbitin."

"Mga kliyente?" tanong niya na may pagdidiin sa salitang 'mga'.

"Oo," kompirma ni Layla. "Ay naku, friend! Higpitan mo yang undies mo or magsuot ka ng salamin baka lumuwa yung mga mata mo!" excited na kwento ni Layla. Tila nakita na nito ang itsura ng mga kliyenteng tinutukoy. At base sa reaction nito, mukhang kakikiligan ata ang mga kakaharapin niya.

"You know looks doesn't excites me," aniya. She dated someone like Red. Aminado siyang kung makakahanap siya ng kapalit nito, mahihirapan siyang lamangan ito in terms of looks and character. Red was almost perfect. Kung hindi lang dahil...

Sad reality, after Red, wala na siyang naging nobyo. Aminado siya, she have loved Red so much and it was really painful when they broke up. Medyo binago nito ang confidence niya sa lovelife.

"Oo nga pala, kung di ka nga pala Architect, magmamadre ka," ani Layla. "Aha!" biglang bulalas nito, "Yung taong akala mo hindi mo na makikita? Was it your ex?!" nanlalaki ang matang turan nito.

Hindi niya napigilan ang mapatawa. Bilib din siya sa pagiging slow nito. Yet, she didn't confirm.

"Tumigil ka na!" anito na tatawa-tawa. "I need their profile. Wala ka pang binibigay sakin," aniya rito na tinutukoy ang supposedly imemeet niyang kliyente.

"Wala pang profile. Na kay boss pa. Basta ang alam ko specially requested ka lang daw," sabi ni Layla.

Naningkit ang mata niya. Nagtataka. "Specially requested? Ako?"

"Ms. Katrenza Hilario. Ikaw lang naman ang Katrenza Hilario dito," muling kompirma ni Layla.

Magtatanong pa sana siya ngunit bigla nang kumatok ang boss nilang si Mr. Melchor Paredes. Sabay pa silang napalingon sa pinto.

"Boss?" tila gulat na biglang napatayo si Layla. Para itong nahuli na may ginagawang kalokohan.

"I asked you to call Terrenz and send her to the conference room. I was wondering why are you taking so long, nagdadaldalan pa pala kayo," ani ng bossing nila in a calm but serious tone.

"Ah eh, sorry boss! Si Architect kasi may chinecheck pa," paliwanag ni Layla. Napapangiti na lang si Terrenz. Natatarantang sinesenyasan naman siya ni Layla na tumayo na.

Tumayo na rin siya. "I'll be there, Boss. Sunod na po ako," aniya na nangingiti. Pabirong iniripan na niya ang kaibigan at sumunod sa bossing nila.

Sumabay siya ng lakad dito.

"Just to give you a quick overview, this is a very big investment and I really want this to go thru by hook or by crook," may ultimatum na turan ni Mr. Paredes.

"How big boss?" tanong niya. Huminto ang amo niya and looked at her. Tila itinutuktok sa utak niya ang sasabihin nito.

"150 million."

Nanlaki ang mata ni Terrenz. Tila nasamid pa siya sa narinig. Sa laki niyon, halos hindi niya macompute sa utak ang commission niya.

"A-anong klaseng project 'to?" it seemed too good to be true.

"One island." simpleng sagot ni Mr. Paredes.

"I- Island?" Nahihirinan siya sa mga nalalaman. Dumami pang lalo ang tanong yet tila wala na siyang mabanggit. Nakakamental block ang 150 million.

"You' ll know the full details. The clients will explain to you," anito na nagsimula na ulit lumakad patungo ng conference room. Nang nasa pinto na sila, bigla ulit itong humarap kay Terrenz na muntik pa siyang mabunggo rito. "Remember Architect Hilario, whatever happens, we have to close this deal," pagdidiin nito. Wala siyang time mag-alangan, napatango na lang siya.

Nauna ng pumasok sa pinto si Mr. Paredes. Terrenz stayed a little longer. Took her deepest breath and fixed her composure. Inabot niya ang door knob and twisted it then pulled the door to open...