webnovel

Warrior Five - Redentor

Red is Back. Terrenz thought she had forgotten about him for it has been 5 years. But old sparks rekindle, forgotten memories are brought back to life and the lost love continued... Yet, the old pain comes along... Will it be love to last this time or the long awaited closure?

jaineyjane · Celebrities
Not enough ratings
22 Chs

RED is Back!

Hindi na kailangan ni Terrenz ang mag-set ng alarm tuwing umaga. Kahit gaano pa kahimbing ang tulog niya, magigising at magigising siya sa oras. Hindi dahil sa tilaok ng manok na panabong ng kapitbahay, kundi sa tila armalite na bunganga ng tiyahin niyang si Marlita.

Malakas na kalampag sa pinto ang gumambala sa himbing ng tulog ni Terrenz. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto at ang high volume na pagtawag ng tiyahin niya.

"Katrenza! Alas syete na, tatanghaliin ka na naman sa trabaho mo! Tapos hindi ka na naman mag-aalmusal! Nakaka-ilang tawag na ko sayo! Anong oras ka ba babangon?"

Imbes na bumangon, itinakip ni Terrenz ang unan sa mukha niya. Pilit na dinidiin mabawasan man lang ang lakas ng volume ng bunganga ng tiyahin niya.

"Katrenza! Isang tawag ko pa!!" may pagbabanta nang turan ni Marlita. Lumabas ito ng silid niya ngunit patuloy pa rin ang hiyaw nito. Malamang isa sa mga anak na naman nito ang napagbalingan.

Bumalikwas ng bangon si Terrenz. Iritableng bumuntong hininga at kinuyumos ang magulong buhok. Gayunpaman, kahit ayaw niya pang bumangon, kailangan pa rin niya.

She's a resident Architect of Mighty Builders. The company is involve in Real Estate. And isa siya sa mga prestihiyosong architect ng kumpanya. She needs to get up, may importanteng kliyenteng kailangan niyang mameet ngayon.

As per her Boss, specially requested daw siya ng kliyenteng ito. And malaking project daw ang offer sa kumpanya. She doesn't have the full details yet. But she knows she can't turn down this offer anuman ang maging hindrance.

Tumayo na siya sa kama, lumapit sa aparador at naghanap ng masusuot. She has to make an impression. A corporate attire will do. Since she won't be in a construction site, a silky fuschia pink polo blouse and a straight soft cotton slacks ang pinili niya. 2inch high heeled shoes ang ipapareha niya roon. Simpleng corporate look.

Palabas na siya ng silid nang makasabay niya si Maita, ang pangalawa at bukod tanging anak na babae ng tiya Marlita niya. Sa tatlong anak nito, si Maita ang kaedad niya ngunit hindi niya ito kasundo. Hindi man sila harabas na magkaaway, sadyang hindi lang sila pareho ng hilig. Maita was childish and irresponsible. Sa edad nilang 26, wala pa rin itong stable career at kinareer na ata ang mga panandaliang raket bilang modelo. Hindi naman niya ito kinokontra, ngunit kung susumahin nakasandal pa rin ito sa ina.

Marlita is Terrenz' mother's sister. Kaisa-isang kapatid ito ng yumao niyang ina. May tatlong anak ito. Si Luis, ang panganay na nurse. Nasa ibang bansa na ito ngayon at dun na namuhay kasama ng binuong pamilya. Ang pangalawang si Marlita at ang bunsong si Ismael. High school pa lang si Ismael ngunit maituturing na matinee Idol. Nang mamatay ang mga magulang ni Terrenz 5 years ago, si Marlita na ang tumayong magulang kay Terrenz. Kung tutuusin may sariling buhay ito sa probinsiya, ngunit nung panahong nangulila siyang bigla, kinailangan niya ang kalinga ng pamilya. Hindi siya iniwan ni Marlita. Inalagaan siya nito at tinuring na isa sa mga anak.

Car accident ang kinamatay ng mga magulang ni Terrenz. Pauwi nun ang mag-asawa galing sa graduation ni Terrenz. Hindi siya sumabay dahil umattend pa siya sa Graduation Ball. Nabangga ng irresponsibleng truck driver ang sinasakyan ng magulang niya. Hindi na umabot ang mga ito sa hospital. That was the most devastating day of Terrenz' life. Yet, hindi siya iniwan ng pamilya ni Marlita. Eventually she got by.

"O! O! O! Mauuna muna akong maligo," ani Maita na nagpatiuna sa pagbaba ng hagdan. She just smirked and let her be. Wala siya sa mood makipag-unahan rito. Dalawa ang banyo sa bahay nila. Pwede niya gamitin ang banyo sa master's bedroom na siyang tinutulugan ni Marlita. Besides, mas gusto niyang magkape muna. Bumaba siya at nagtungo sa komedor.

Dinig niya mula sa komedor ang patuloy na ngawngaw ni Marlita sa likod bahay. Nagtimpla siya ng kape. Sinilip niya ito sa bintana. Nakita niyang nagwawalis ito sa halamanan.

"Anong oras na naman magsisipag-alisan! Pinaghahanda ng almusal masasayang lang. Napapagod lang ako gumising ng maaga," maktol nito habang nagwawalis. Nilingon ni Terrenz ang lamesa. Napangiti siya ng makita ang mga platong nakatakip sa hapag. Inangat niya ang mga takip at sinilip ang mga iyon. Kumuha siya ng isang pirasong hotdog saka sinubo. Nagtungo na siya ulit sa taas para maligo.

Mag-aalas otso nang matapos siya sa pagbibihis. Walang oras ang pasok niya, ngunit Alas 10 ang meeting niya sa bagong kliyente. Gusto niyang makarating ng alas 9 sa opisina para mareview niya ang mga detalye. Lumabas na siya ng silid para umalis.

"Ate! Magpapahatid ka ba?" tanong ni Ismael pagkababa niya sa salas. May motor ito at minsan siyang sumasabay sa pag-alis nito. Naghahanda na din ito sa pagpasok.

"Madudumihan ang outfit ko," simpleng sagot niya.

"Anong meron ang pa-girl ka ngayon? Hindi mukhang construction worker ang aura mo ngayon," pang-aasar ni Ismael.

Sarkastikong nginitian niya ito. "Hui! Alam mong kahit hindi ako magpa-girl, chicks 'tong ate mo! Wag kang ano!"

Siya namang sulpot ni Maita. Naka-one piece tight fitting dress ito na hanggang kalahati ng hita ang haba at off shoulder. Kuntodo make up at mukhang kinulot-kulot ang buhok. Sabay pa sila ni Ismael na napalingon dito.

"Ate Maita, ibang klase talaga effort mo sa pagpapaganda. San na naman ang raket mo?" tanong ni Ismael habang nangingiti lang si Terrenz sa tabi nito.

"Wala kang pake. May gig ako ngayon," sagot ni Maita habang sinusuot ang boots na tila 2 inches ang taas at hanggang tuhod ang haba.

"Diretso ka na ba sa raket mo? May coat ako dun, cover up a little," ani Terrenz. Kahit hindi sila magkasundo nito, she still cares for her cousin.

"Actually, nakuha ko na," inilabas nito sa dalang paper bag ang parka coat na pag-aari ni Terrenz. Napatanga siya and smiled. Yet, hindi na siya umapela. "Hindi ko nakitang sinuot mo 'to. Anlakas maka-korean."

"Well, for one, sinuot ko lang yan when we went to New Zealand last year. Kasi malamig dun. Secondly, ang kapal niyan, instant sauna kapag yan ang ginamit mo dito," natatawang turan ni Terrenz. Yet, Maita insist on wearing it.

"Aircoditioned ang pupuntahan ko besides, dito ko lang susuotin 'to."

"Bahala ka," ani Terrenz. Napapailing lang din si Ismael sa kaartehan ng kapatid. Maya-maya'y lumabas mula komedor si Marlita.

"O ano mag-aalisan na kayo?" tanong nito.

"Ay! Andiyan na yung sundo ko!" bulalas ni Maita nang matanaw ang itim na sasakyan na huminto sa tapat ng gate nila.

"Sinong sundo na naman yan?" sigaw ni Marlita. Hindi na ito nilingon ng anak.

"Ma, matanda na yun si Ate. Hindi ka pa nasanay sa iba't-ibang sundo nun. Malamang sa raket niya yan," sagot ni Ismael.

"Isa ka pa!" baling nito sa anak. "Hindi niyo na naman ginalaw ang almusal!"

"Kumain ako. Sila Ate ang hindi nag-almusal," sagot ni Ismael sa ina. Lumingon si Marlita kay Terrenz.

"Tita. May meeting ako, ayokong tanggihan ang kliyente ko kapag inalok ako ng almusal," mabilis niyang rason. Hinagilap niya agad ang bag. Sumulyap sa relong suot saka mabilis nagpaalam. "Mauna na ko, baka malate pa ko!"

"Sabay na ko, ate!" habol ni Ismael sa kaniya. Tila ayaw magpaiwan kasama ng ina. Nauna ng lumabas ng gate si Terrenz. Naglakad siya palabas ng village nila at doon nag-abang ng taxi na masasakyan. Agad din naman siyang nakasakay. Sinabi niya sa driver ang destinasyon.

"San po ang daan natin ma'am?" tanong ng driver.

"Bahala na kayo, boss. Wag lang po matrapik." She took out her phone and read some messages. Ilang sms ang nireplyan niya. She don't drive. Mas convenient sa kaniya na sumasakay ng taxi. In this way, pwede niya abalahin ang sarili sa ibang bagay habang nasa byahe.

Nasa kahabaan na sila ng highway nang biglang napapreno ang taxing sinasakyan niya. Kasabay ang malakas na lagabog na dinig ni Terrenz. Napatili si Terrenz mula sa likod ng sasakyan. Bahagya pa siyang napasadsad at napatili. Napalingon si Terrenz sa unahan ng sasakyan. Hindi man niya nakikita ngunit alam niyang nakabangga sila.

"Kuya, anong nangyari?" kinakabahang turan ni Terrenz.

"Bigla pong sumulpot yung motor sa harap ko eh. Biglang huminto," nag-aalalang turan naman ng driver na mabilis na bumababa ng sasakyan. Napasunod si Terrenz.

Nakita ni Terrenz ang isang motoristang nakayukyok sa motor. Nakatumba ang motor nito ngunit mabilis na nakaiwas ito kaya't hindi nadaganan. Suot nito ang helmet kaya't di makilala ni Terrenz ang lalaki. Gayunpaman, nasipat ni Terrenz na well-built ang lalaki. Mahaba ang binti nito kahit nakayukyok. Alam niyang kapag tumayo ito mas matangkad sa kaniya. His shoulders are wide that his exactly tailored coat shaped it well. Lumapit dito ang driver ng taxi.

"Ok ka lang?" ani ng driver.

"Naku, kuya. Baka kailangan natin siyang dalhin sa hospital?" turan ni Terrenz. Naupo na rin siya para lapitan ang lalaki. "Mister, kaya niyo po bang tumayo? Aalalayan po namin kayo," ani Terrenz na may halong pag-aalala na. Bahagya ng nagbubuild up ang komosyon sa paligid.

The man didn't react. Ngunit tila nakatingin ito sa kaniya kahit pa nakasuot ng helmet ang mukha nito. Sinipat ni Terrenz ang katawan ng lalaki. Tila wala naman itong gaanong galos maliban sa dumi ng suot na damit. He was wearing a semi-formal jeans and coat outfit and loafers for a shoes. Halatang may kaya ito. He's bike says so plus his outfit. Gayunpaman, Terrenz wants to remain apologetic. Hindi niya alam kung sino ang may kasalanan. It's natural to say sorry in this situation.

"We'll help you. Please let me know kung may masakit sayo," pilit ni Terrenz. Nilingon niya ang driver na tumayo na nang lumapit siya. "Kuya, dalhin natin siya s---"

Natigilan si Terrenz nang maramdaman niyang mahigpit na hawak ng lalaki ang kamay niya. Napatingin siya roon at nilingon ang lalaki. Nagulumihanan siya sa nangyari.

"I'm fine," ani ng lalaki. "It's good to know you still care."

Nagsalubong ang kilay ni Terrenz. Dahan-dahang hinubad ng lalaki ang suot na helmet. Nanatiling nakatitig dito si Terrenz. Ganun na lang ang pagragasa ng emosyon niya nang makilala ang lalaki sa likod ng helmet nito. Tumambad sa harap niya ang gwapong mukhang akala niya'y nakalimutan na niya. Gulo-gulo ang buhok nito mula sa pagkakasuot ng helmet. He's smiling when he look back at her. He's manly eyebrows twitch a little, his normal gesture as she remembers. His eyes are the same sparkling eyes Terrenz could remember whenever he looks at her. Ilong na matangos at labing kay nipis para sa isang lalaking pangahan. Her heart pound loudly. Tila aalagwa iyon sa dibdib niya. Nahablot niya ang kamay na hawak nito at mabilis siyang napatayo. Napatayo rin ang lalaki. Like what she thought, the man towers over her. She's wearing 2-inches heels yet matangkad pa rin ito sa kaniya. Hindi niya mawari kung lalakad na pabalik ng taxi o haharapin pa ulit ang lalaki. Hindi na niya magawang tumingin rito.

"Sorry, Kuya. Kasalanan ko, bigla akong nahinto eh. Hinahabol ko kasi yung green light. Hindi ako umabot," ani ng lalaki na sa taxi driver humihingi ng pasensya.

Hindi siya makatingin rito. Bagkus, alumpihit na umiiwas lang siya ng tingin. Bumaling sa kaniya ang lalaki.

"It's good to see you again, Terrenz. I am not expecting to see you ear--"

"Kuya, mukhang ok naman na siya. Umalis na po tayo," mabilis na putol ni Terrenz sa sasabihin ng lalaki at mabilis na nagpatiuna sa taxi. Sumakay na siya roon. Hindi naman agad sumunod ang driver.

"Magkakilala kayo?" ani ng driver sa lalaking nabangga. Tila nagkaka-idea ito sa nagaganap.

Ngumiti lang ang lalaki. "Ok na ko, kuya. Ihatid mo na yung pasahero mo baka mahuli pa yan," pagtataboy ng lalaki.

"Sigurado ka?" ani ng driver naniniguro.

"Sige na kuya, pasensya na." Nilapitan nito ang natumbang motor saka itinayo. Bumalik naman sa sasakyan ang driver. Kumawa'y pa ang driver bago tuluyang pumasok sa sasakyan.

Nanatiling nakatitig ang lalaki sa papalayong taxi. Kahit na bahagyang nasaktan siya sa aksidente hindi niya maiwasang mapangiti.

'Destiny is doing its job. This time I'll be painting your gray town red, Ms. Hilario," bulong nito sa sarili. Sinuot na nito ang helmet at sumampa sa motor. He left the crime scene.