webnovel

Ang Pagkamatay ni Han Jin Nian

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"S-Sino ka?" Noong narinig ni Li Fei ang boses ng payat na matanda, tinitigan niya ito at siya'y nalilito. Sa ilang sandali, nalimutan niya riin na si Han Jin Nian ay nasa loob ng kanyang silid.

"Ganda, wala ng punto kung lalaban ka pa... Kung mayroong tao sa likod ko, sa tingin mo ba ay hindi ko mapapansin?" Natawa si Han Jin Nian noong papalapit siya kay Li Fei. Ang libog sa kanyang mga mata ay lalong naging malinaw.

"Isang hamak na taong nasa Saint Rudiment Stage, at sa tingin mo ay mararamdaman mo ang aking presensya?" Sa sandaling ito, isang sinaunang boses ang umalingawngaw sa hangin, at dahil dito ay nagbago ang ekspresyon ni Han Jin Nian at nabalot ito ng takot. Sa wakas, napagtanto niyang hindi siya sinusubukang lokohin ni Li Fei, at talagang mayroong tao sa kanyang likuran.

Sa susunod na sandali, bago pa siya makalingon, nakakita siya ng kislap, at isang anyo ang lumitaw sa kanyang harapan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com