webnovel

Ang Gabing Walang Tulog sa Greenwave Han Mansion

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nanlumo ang mukha ni Duan Ru Feng noong nalaman niyang buntis din si Ke'er.

Ang balita ng pagkakaroon niya ng dalawang apong lalaki ay walang dudang magandang balita. Subalit, ito'y hindi naging magandang balita dahil sa katotohanang isang apo lamang ang masisigurado niya ang kaligtasan. Walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng isa niyang apo.

Ayon sa mensaheng iniwan sa kanya ng kanyang anak, si Duan Ling Tian, si Ke'er ay tinangay ng kanyang kambal na kapatid. Bukod dito, mabuti rin ang pagtatrato sa kanya ng kanyang kambal na kapatid. Mukhang ligtas naman sa ngayon si Ke'er. Subalit, iba ang usapan tungkol sa batang nasa loob ng tiyan ni Ke'er.

"Kung ang Fire Worship Sect ay gagawing Saint Girl si Ke'er, kung malalaman nilang buntis siya, hindi lamang nila ito papatayin, ngunit papatayin din nila ang sanggol sa kanyang tiyan!" Ito ang pinaka-iniisip ni Duan Ru Feng.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com