webnovel

Unveiled Love

Romance Lovestory of Ivanna Aragon and Ares Campbell

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 23

Mabuti nalang talaga at dinala ko ang sumbrero para matakpan itong mukha ko. Nakakahiya pa naman at galing pa ako sa iyak.

Pagkarating ko ay sumakay agad ako ng motorsiklo patungog terminal. Matagal narin simula noong pumunta ako rito. Hindi pa rin naman nagbago ang probinsya na ito. Isa rin sa nagugustuhan ko dito ay hindi matao at madali lang ang sakayan.

Kumawala ako ng malalim na hininga. Kaya ko ito. Kakayanin ko ito. Kung pwede, maghahanap ako ng trabaho. Yumuko ako at hinimas ang tiyan ko.

"Magugustuhan mo rito, anak." 

Pagkababa ko ng motorsiklo ay agad na sumakay ako ng jeep. Punuan narin iyon. Hindi ko pa naman naintidihan sila rito at hindi rin naman ako masyadong nagbibisaya. Pero okay lang iyon. Kung alam nila na hindi ako marunong, sila rin naman ang mag aadjust saakin.

"Sibog gamay, sibog gamay kay naay buros musakay!" Sabi ng lalaki na hindi ko naman naintindihan ang pinagsasabi nito.

Hindi makapaghintay ang mga paa ko na maapakan ulit ang buhangin doon.

"Ate, saan ba yung malapit na dagat dito?"

"Sumakay ka ng jeep ulit sa syudad tungo doon, iha. Sumakay ka ng R4 tapos pagkatapos nun, sumakay ka ulit ng motorsiklo. Bigyan mo lang ng kinse pesos. Pero kung gusto mo mas madali, diyan sa libertad ka sumakay ng motorsiklo. Isang sakay lang iyon. One hundred, okay na yun."

Tumango-tango ako at nagpasalamat sa matanda. Nalaman ko rin na walang bus o taxi tungo doon. Nakakahiya pa naman at tinanong ko pa iyon. Bata pa ako nun, kasama ko si mama at papa noong nakatira pa kami rito. Kaya hindi ko na masyadong matandaan.

Nagdadalawang isip rin akong sumakay dahil sa kalagayan ko. Wala rin naman ibang transportasyon dito, kaya wala na akong magagawa. Sinunod ko ang direksyon na sinabi ng matanda kanina.

"Manong, ito po ba yung sasakyan tungo sa dagat. Hindi ko alam kung anong pangalan nun, e."

"Ah, masao to dai!"

"Oo yun nga! Pwede po bang pakihatid ako doon?"

Ngumiti ito at tumango saakin.

"Bago ka lang ba rito?"

"Bata pa po ako noong naninirahan kami rito kaya medyo nakalimutan ko na rin."

Umihip rin ang hangin at nilipad ang mahaba kong buhok. Medyo nalungkot ako nang maalala si ares. Ni hindi ako nakapagpaalam sakanya. Paniguradong magagalit siya saakin o kahit si mama. Ni hindi ko alam nasaan siya ngayon. Pinuntahan niya ba ang babae na tonutukoy ng ina niya? Biglang sumikip bigla ang dibdib ko pagna-alala iyon.

Ilang oras din bago namin narating ang masao. Hindi gaya ng ibang dagat, ito ay simple lamang at walang masyadong magandang matatanaw. Walang kahit activities ang meron sa pagkakaalam ko. Hindi ko rin akalain maraming pamilya pa rin ang pumupunta rito. Tanaw ko iyon sa malayo.

Hindi na natanggal ang mga mata ko sa tanawin.

"Salamat po, manong." Sabi ko at nagpaalam na.

Mabilis ang lakad ko patungo doon at hindi iniinda ang sakit sa paa, init at ang pagod sa katawan. Hindi ko rin dapat pinababayaan ang sarili ko, kaya kailangan kong huminto sa tindahan at kumain.

Naalala ko na rin kung saan iyong saamin.

"Ate, alam mo ba iyong bahay ng mga Aragon? Andito parin ba iyon?"

"Ikaw si Ivanna Aragon? Hala!"

Natawa ako sa pagsasalita nito.

"Opo."

"Hala kadako na nimo! Oo, andoon parin ang bahay niyo."

Hindi ko naintindihan ang unang sinabi nito.

"Talaga po?"

Tumango ito at binigyan ako ng pagkain.

"Ito, huwag mo na yan bayaran. Nasaan ba si aling eva? Kamusta naman siya?"

Hindi ko maiwasang mamiss bigla si mama. Ni hindi rin ako nakapag-paalam sakanya ng maayos. Alam kong pinag-alala ko iyon ng lubusan.

"Okay naman po si mama."

"Bakit ka lang magisa rito?"

"Namiss ko po kasi." Ngumiti ako. Hindi narin ito nagtanong pa dahil may sumunod saakin para bumili. Masarap din ang mga ulam nila rito.

Nagtanong rin ako sa iilang dayo dito kung saan dadaanin iyong saamin. Hindi naman mahirap. Binigyan rin nila ako ng direksyon papunta doon.

Mabilis nakita ko ang isang lumang bahay na tapat lang din ng dagat. May mga halaman din na nakapalibot sa bahay. Napansin ko rin ang pamumula ng balat ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ay pumasok agad ako doon. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod sa katawan. Alam kong malayo pa bago ako makabili ng kakainin ko mamaya. Malayo-layo rin ang nilakad ko. Ayoko naman mapagod ang anak ko sa loob. Kumuha nalang ako ng apple sa loob ng bag at kinain iyon.

Inilibot ko ang paningin ko at may mga konting alikabok na sa bahay. Isang kawayan na mesa at upuan. Isang kwarto lang din ang meron dito. Sa loob naman ay may maliit na kama na gawa rin sa kawayan. Gawa lang ito ni papa noon. Andito rin ang lumang litrato ni mama at papa kung saan dito sa butuan rin sila kinasal. Ngumiti ako sa nakita ko.

Bumuntong hininga ako. Ramdam ang pawis sa noo. Hindi ko na napigilan ay bumuhos ulit ang luha ko. Gusto ko man hindi isipin iyong nangyari ay hindi ko maiwasang sumagip iyon. 

Hindi ko akalain ganito pala kalungkot ang mag-isa. Walang kahit isang ingay ang maririnig ko. Babalik rin naman ako doon pero hindi ko alam kung kailan.

Kani-kanina lang ay kausap ko si mama, pero ngayon, nagiisa na ako rito. Sa bilis ng pangayayari bumalik ako kung saan kami noon nakatira. Iyong araw na andito pa si papa.

Gusto kong sumigaw sa galit. Tinakpan ko ang bibig ko at pinigilan ang paghikbi. Pero sa sobrang paninikip ng dibdib ko ay hindi ko na nakayanan ay humagulhol na ako sa iyak.

Tama naman siguro ang desisyon ko, 'diba? Kung nanatili ako doon, hindi ako tatantanan ng ina niya. Dahil ba buntis ako? Hindi ko akalain ganoon lang kadali para sakanya na patayin itong anak ko sa loob. Ni wala siyang karapatan para dito.

Hinintay kong lumubog ang araw at inabangan ang paparating na buwan bago ako napagdesisyon na lumabas. Sinuot ko ang bikini at tinakpan iyon na manipis na telang damit. Hindi ko rin pinansin ang tinginan nila sa katawan ko. Nagtaka naman ako nang mapansin na sobrang magkaiba ang suot ko sakanila.

Bahala na nga.

Papalubog na ang araw at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda. Sayang at hindi ko dala ang cellphone ko. Dahan-dahan ay hinakbang ko ang sariling paa at nilubog iyon sa dagat.

Nakatulala lang ako at naalala bigla ang mga salitang hindi maalis sa sa isipan ko.

"Ang isang katulad mo ay hindi mamahalin ni ares!"

Hindi ko makakalimutan ang sinabi ng ina niya. Tama nga siya, hindi ako mamahalin ni ares. Ang katulad ko ay hindi bagay sakanya. Malapit ng ma siya saakin, pero pakiramdam ko hindi parin iyon sapat.

Nang mapansin kong dumidilim na ang kalangitan ay napag-isipan kong bumalik na sa bahay. Medyo nilalamig narin ako dahil sa lakas ng hangin. Umaambon rin sa itaas kaya paniguradong uulan ngayon dito.

Pagkabalik ko ay nagulat ako nang mapansin na nakabukas na ang ilaw sa loob. Nataranta naman ako at mabilis na napatakbo doon. Napatalon ako sa gulat nang makita kung sinong lalaki ang nakatayo sa harapan ko ngayon.

Nagtagis ang mga bagang nito at dumidilim ang mga mata. Nanikip bigla ang dibdib ko at nanunuyo ang lalamunan. Bakit siya andito? Paano niya ako nahanap? Bakit ganito niya ako kabilis nahanap?!

Gusto ko siyang sigawan kung bakit nalaman niyang andito ako!

Magkahalong galit at sakit ang nakikita ko sa mga mata niya. Biglang nanghina ang mga tuhod ko nang bumaba ang tingin niya sa suot ko. Mas lalong dumepina rin ang panga at ang kilay nito.

Sobra na ang kaba ko at hindi ko na kaya ang paninitig niya. Humakbang ito kaya mabilis akong napaatras.

"Ares, paano mo ako nahanap?!" Hindi ko na napigilan itanong iyon.

Umigting ang kanyang panga at ramdam ko ang umaapoy na galit sa kanyang mata.

"Ares!" Iritado na. Wala narin akong takas at ramdam na ang sarili sa likod ng pinto. "Sagutin mo ako!"

"Really, Ivanna?" Tinukod niya ang mga kamay sa likuran ng ulo ko. "Damn it! Iniwan mo ako!"

Napatalon ako sa boses niya. Hindi ako nakagalaw sa gulat.

"Halos mabaliw na ako mahanap lang kita! You're pregnant with my child, Ivanna! And.." Hindi na natuloy. Pumikit ito ng mariin. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa nakita. Binuksan nito ulit ang kanyang mga mata at nakita ang pamumula doon. "Ni hindi mo man lang ba inisip ang kalagayan mo? God damn it, Ivanna! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag meron nangyari sainyo!"

"Kailan kong umalis.."tinagilid ko ang ulo ko at iniwas ang mukha sakanya.

"How about me then? Hindi mo ba ako isasama sa plano mo?"

Nagtiim bagang ako.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Wala na akong plano na magsama tayo, ares!"

Umigting lalo ang kanyang panga at ramdam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Dinungaw ko ito ulit at nakita ang sakit sa buong mukha nito.

"Really, huh?"

"Ganoon lang ba kadali na iwan ako?" Marahan at maingat niyang pagkasabi. Halos murahin ko na ang sarili. Pero pilit kong ipakita sakanya na hindi ko nagustuhan itong pagsunod niya saakin! Damn it!

"Ginawa ko lang ang nararapat, ares! Narinig ko ang mama mo! Gusto niyang makunan ako!" May ilan na ring pumatak na sa mga luha ko. Mabilis na pinaalis ko iyon.

Mas lalong dumilim ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. Bahagya akong napatili nang malakas niyang sinuntok ang kamao nito sa sinasandal ko.

"Ares, ano ba!"

Huminga ng malalim si ares. Alam kong nahihirapan din siya. Nagtama ang tingin namin dalawa at nanikip ang dibdib ko nang makita ang lungkot at galit sa mga mata.

"And that's your reason to leave me, Ivanna?" Mariin na sabi nito.

"Ito ang paraan para hindi pa lalo magalit ang ina mo!"

"I can fucking handle that! Baby..I can break the rules for you!"

Umawang ang labi ko at hindi na napigilan ang sunod-sunod na paglandas ng mga luha.

"B..bakit kaba andito? 'Diba may girlfriend k—"

"I told you, I don't have a girlfriend!" Pinutol niya agad ako at mariin parin ang paninitig saakin. Pakiramdam ko hinuhubaran niya na ako sa lagay na ito. Mabilis na pinaalis ang mga luha at hinarap ito ng maayos.

"Eh, sino yung sinasabi ng Mama mo kung ganoon?"

"She's talking about you, woman. God damn it!"

Nanlaki ang mga mata ko. Impossible! Ako ang tinutukoy ng ina niya? Gusto kong humadusay sa tuwa, pero syempre hindi ko iyon ipapakita sakanya. Baka nga..niloloko niya lang ako!

"Sinungaling ka!"

Pumikit ito ng mariin at mukhang hinabaan pa ang pasensya saakin.

"You're driving me crazy, woman. Binabaliw mo ako sa pag-alala!" Umiigting ang kanyang panga na pinagmasdan ang buong katawan ko. Medyo nailang pa ako. Sa lagay na ito, galit na galit na nga siya. Namumula ang mga mata sa iritasyon. "And what the hell are you wearing, Ivanna? You're pregnant with my child and your showing too much skin!"

Ano bang problema sa suot ko? Syempre andito tayo sa dagat, normal lang na magsuot ako ng ganito!

"Umuwi kana, Ares-"

"Don't tell me what to do, Ivanna!" Bahagya akong napatalon sa galit niyang boses.

"Kung ayaw mong umalis..Lilipat nalang ako ng iba!" .

"Try me, then. " halos tumindig ang balahibo ko sa pagbabanta niya. Napalunok ako. "No matter where you are, I'll be right here behind you, Ivanna. I will always chase you. So stop running away from me."