webnovel

CHAPTER 5

Nakatulala ako habang nakatingin sa black board namin, habang si Xiana naman ay kwento ng kwento sa'kin. Nagtataka pa'rin ako sa nangyari kahapon, naguguluhan pa'rin ako. Ang lapit lapit na namin sa isa't isa eh tapos biglang parang gusto nya nalang lumayo sa'kin.

"Naiintindihan mo ba sinasabi ko? Ha? Cai?" Masungit na tanong nya.

"Ha?"yon lang ang nasabi ko sa kanya.

Napabugtong hininga nalang sya at kay Khione naman humarap.

Actually magkakalapit lang kami ng upuan, si Estelle tska si Khione ang magkatabi sa linya ng upuan nila. Si Xiana naman ay katabi ang isang kaklase namin, pero lagi syang tumatabi sa'min dahil ang boring daw kausap ng katabi nya. At ako? Si Zack ang katabi ko, pero may mga subject na hindi sya pumapasok dahil sa practice nila sa basketball.

Kagaya nalamang ngayon, hindi sya pumasok sa dalawang subject namin.

Ewan ko ba pero parang iniiwasan nya ako na ewan.

Pumasok na ang Professor namin at agad namang lumipat ng upuan ang mga kaklase ko. Tulala lang ako habang nagdidiscuss ang Prof namin, pano ba naman kasi nakakaantok ang klase nya buti nalang at hindi ako nakatulog malapit pa naman ako sa unahan.

"Okay, Class Dismissed." Sabi ng Prof namin na syang kinatuwa ko.

Hays, Salamat naman!

Lalabas na sana ako para puntahan si Zack dahil itatanong ko sana kung may problema ba, kaso naalala ko na wala nga pala akong karapatan para tanungin sya. Oo magkaibigan na kami pero, para namang kasi akong girlfriend nya kung magtatanong sa bagay na un. Eh wala namang kami.

Siguro hindi ko nalang sya guguluhin, Tama lalayuan ko nalang muna sya.

Sumama nalamang ako kila Estelle sa bahay nila para makapag gawa kami ng thesis namin.

Siguro naman wala si Zack dun diba?

Nang makapunta kami sa bahay nila Estelle ay laking pagpapasalamat ko na wala ang kapatid nya. Nagsimula na kaming gumawa ng thesis, busying busy kaming dalawa ni Estelle sa pag gawa ng thesis at pagrereview para sa quiz bukas. Pero ang dalawang bruha ay puro ig lang ang ginagawa! Aba!

"Cai tignan mo 'to! Bilis!" Saad ni Xiana at pinapakita ang cellphone nya. Tamad ko naman itong tinignan, ngunit nagulat ako nang makita si Zack sa Bar! Naka post ito sa isang public account ng babae. Nakaside view si Zack at may hawak syang baso na may alak. Kakapost lang nito 1 minute ago palang!

Pinakita naman ni Xiana kila Estelle at Khione ito. Hindi na nagulat si Estelle sa nakita nya, tila sanay na sya sa gantong sitwasyon ng kapatid nya.

"Hayaan nyo sya, ganyan talaga yan pag boring na sa buhay nya." Tamad na sabi ni Estelle.

Tinuloy nalang namin ang pagrereview, pero di pa'rin maalis sa isip ko ang nakita ko. Bakit sya naglalasing? Naglalasing nga ba? Baka naman nagsasaya lang? Tinigil ko na ang pag iisip dun at nag focus nalamang sa ginagawa ko.

Nang biglang bumukas ang pinto nila Estelle. Nagulat kami ng may tatlong lalaking pumasok. Ang dalawa ay naka alalay kay Zack dahil mukhang lasing na lasing na ito at babagsak na. Lumapit kaming tatlo nila Khione sa kanila. Si Estelle naman ay tinuloy lang ang ginagawa.

"A-anong nangyari?" Tanung ko sa dalawang lalaki. Inilapag na nila si Zack sa Sofa.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago nagtanguan, naguguluhan ko naman silang tinignan.

"Excuse me! Nagtatanong ung Kaibigan ko oh. Pwede ba mamaya na kayo mag usap gamit ang mata nyo at sabihin nyo muna sa'min kung anong nangyari jan kay Zack?!" Inis na tanong ni Khione sa dalawa.

"He uh,got drunk?" Sabi ng isa na kulay abo ang mata. Inirapan lang sya ni Khione.

"We know! What we mean is bakit sya naglasing?! What's his problem?" Gigil na tanong ulit ni Khione.

Hindi ko na sila maintintindihan. Bakit ba parang gigil na gigil si Khione dito sa lalaki?

"We don't know." He just shrugged. Inirapan na lang sya ni Khione at hindi na nagsalita.

"So, Caila?" Pagtawag ng isa sa'kin. Napatingin ako sa kanya at nginitian nya ako.

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Zack told me." Huh?

"Pano?"

"Lagi ka nyang kinukwento sa'min." Simpleng sabi nya.

Ako? Laging kinukwento?

"By the way, I'm Raiz, and this is Khael" turo nya sa kulay abo ang mata. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Sinabihan ko sila na paki akyat nalang si Zack sa kwarto nya dahil makakaabala lang sya dito sa ginagawa namin, pero ang sabi ng dalawa nyang kaibigan ay samahan ko sila. Pumayag naman sila Khione.

"We have to go, anong oras na din." Ani Raiz.

"Yeah we really should." Ani Khael.

Bumaba na si Khael at naiwan naman si Raiz. Napabugtong hininga sya bago magsalita.

"He's really a great pretender. He's always hiding he truly feels. you should always be careful when you're with him. He is always confused by his feelings" Lumingon sya sa'kin bago bumugtong hininga ulit.

Naguguluhan na'ko sa magkakaibigan na'to ha!

Paglabas nya ng pinto ay naiwan akong tulala. Napatingin ako kay Zack nang bigla syang magsalita.

"Caila..." Mahinang tawag nya.

Lumapit naman ako sa kanya at nagulat ako nang bigla nyang hilahin ang braso ko at hiltakin palapit sa kanya. Namumungay ang mata nyang nakatingin sa'kin. Tsk. Lasing na lasing na talaga 'to.

Habang nakatingin sya ay para akong natutunaw dahil sa titig nya, maya maya pa ay tumingin sya pababa sa labi ko at hinawakan nya ang batok ko bago ilapit ang mukha nya sa'kin, at unti unting naglapat ang mga labi namin. That was my First Kiss!

Please Vote and Comment!

Thank you!