webnovel

CHAPTER 4

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko si Zack na nakaupo sa may sofa.

Teka, nakapag palit na agad sya ng damit?

He's wearing a black t shirt and khaki shorts. Grabe kahit ang simple lang ng suot nya ang gwapo nya pa din!

"Let's go?" Tanong nya na nagpabalik sa wisyo ko.

"Kanina pa kita tinatanong, kung aalis na tayo pero nakatulala ka lang sa'kin. Are you okay?" Nagtatakang tanong niya. Tumango nalang ako sa kanya bago sya sundan palabas.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ang kotse nya. Isang Ford GT! Color white ito. Lumapit sya dito at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makasakay ay tahimik lang kaming dalawa tila walang gustong magsalita. Ngunit yun ang akala ko, binasag nya ang katahimikan namin.

"I forgot to say this." Tumingin naman ako sa kanya. Namumula sya.. ano kayang problema?

"Y-You're gorgeous.." Saad nya at umiwas ng tingin sa'kin. Kitang kita ko na pulang pula na ang mukha nya. Hindi ko na mapigilan na ngumiti at nakatitig lamang ako sa kanya.

Ngayon ko lang napansin na ilang linggo palang kaming magkakilala ni Zack. Pero ang gaan na ng loob ko sa kanya, panong hindi eh ang bait bait nya. Pero puro nga lang kalokohan, pag silang dalawa ni kuya ang magkasama. Sa panahong iyon alam kong unti unti ko na syang nagugustuhan..

"Hey, stop staring at me," Naiilang na sabi nya. Agad naman akong umiwas ng tingin.

"I-I can't focus when you stare at me.."

"Sorry, may iniisip lang ako.."

"And what is that? Can you spill it?" Tignan mo 'to ang chismoso ha!

Napatawa nalang ako at umiling sa kanya. Nagulat ako nang hininto nya ang kotse. nasa parking lot na pala kami ng mall. Masyadong malalim ang iniisip ko kanina kaya hindi ko namalayan. Pinark na nya ang sasakyan at nauna syang bumaba, umikot sya sa kabilang side at pinag buksan ako ng pinto.

"Thanks" Nahihiyang Saad ko.

Ang Pabebe mo naman Caila! Sabi ko sa sarili ko.

Naglakad na kami papasok sa mall at tumingin tingin na ako ng mabibili para mamaya. Napatingin ako sa mga damit at nakakita ako ng t-shirt na may rabbit na nakatatak.

Ang cuteee!

Lumingon ako kay Zack para itanong kung maganda ba pero busy sya sa pagtitipa sa cp nya. Agad naman akong napatingin sa mga babaeng nakatingin kay Zack.

Tss. Kala mo naman!

Agad akong lumapit kay Zack para harangan sya dahil andami nang mga babaeng nakatingin sa kanya!

"What are you doing?" Kunot noong tanong nya. Hindi ko sya pinansin at tinatakpan ko parin sya sa mga babaeng nakatingin sa kanya.

Aba! Titingin pa yan! Inirapan naman ako ng isa at sinisipat pa din si Zack.

Aba tumingin pa nga!

Bumugtong hininga nalamang ako at tinigil na ang kalokohan kong ginagawa. Tumingin ako kay Zack at nakatingin din sya sa'kin na para bang tuwang tuwa sya sa ginawa ko. Kainis na ha!

Tumingin naman sya sa babaeng nakatingin sa kanya kanina pa. Aba harap harapan?! Ngumisi sya at tumingin sa'kin.

"Let's go, baby?" Malambing na tanong nya. My jaw dropped.

Hinawakan nya pa ang bewang ko at inilapit ako sa kanya!

Nananaginip ba ako? Sana hindi na ako magising!

Natawa naman sya sa reaksyon ko at hinila nalang ako kung saan. Napatingin ako sa pinuntahan namin. Nasa Cinema kami! Anong gagawin namin dito?

Malamang Caila manonood!

Nakatulala lang ako sa kilos nya, bumili sya ng ticket naming dalawa at hindi ko alam kung ano ang papanoorin namin. Pumunta din sya sa bilihan ng popcorn para bumili ng makakain namin.

"Let's go?" Nakangiting tanong nya.

"Teka. A-ano ba'ng nangyayari Sayo? Anong nakain mo? Nagayuma ba kita? Hotdog and bacon lang naman ang kinain mo ah? Wala namang gayuma yun!" Naguguluhan na'ko sa kanya ha.

Natawa naman sya sa sinabi ko. "What?"

Tawang tawa pa din siya. Marami nang nakatingin sa'min at nahihiya na'ko.

"Gayuma? Masama kasi ang tingin mo sa babae kanina eh. That's why i helped you para asarin sya, Mukha kasing gusto mo na manugod eh. But if that's the case, I'm fine if gagayumahin mo'ko." He smirked.

What the?

" Let's go? Magsisimula na ang movie. " Hinila na nya ako papasok sa loob, habang ako? Tulala pa rin.

Habang nanonood, hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid ko. Kahit saan talaga ang daming tumitingin kay Zack! Naiinis na'ko ha.

Wow, Caila. Feeling Girlfriend ka?

Inis na binalingan ko nalang ung screen.

Oo nga pala, sino ba naman ako? Hindi nya nga pala ako girlfriend! Masyado lang akong assuming. Tsk. Ni hindi nga naman ako magugustuhan-

Naputol ang iniisip ko nang biglang pinulupot ni Zack ang braso nya sa bewang ko! Napatingin naman ako sa kanya. At ang loko, parang wala lang sa kanya!

Malapit nang matapos ang movie pero ni hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa palabas na ito, pano ba naman ung braso ni Zack hindi parin nya tinatanggal sa bewang ko.

Natapos na ang movie at nag ikot ikot na kami, para akong nanghihina sa nangyari kanina kaya naman nung niyaya nya na akong kumain sa restaurant ay sinabi kong pagtapos nito ay umuwi na kami. Hindi naman sya nagtanong at tumango nalang.

Habang kumakain ay tahimik lang kamong dalawa, nang biglang may lumapit na lalaki sa'min. Napatingin kaming pareho ni Zack sa lalaki.

"Uhm hi miss, uhm may gusto lang sana kaming itanong sa iyo. Hindi naman siguro magagalit ang kuya mo kung tatanungin ko kung anong name mo diba?" Saad nya at tumingin kay Zack.

Akala nya kuya ko si Zack! Omg!

Nakita kong parang nagpipigil ng galit si Zack dahil sa sinabi nito, ewan ko pero para syang nainsulto sa sinabi nito, dahil nakita kong umigting ang panga nya.

"So, miss can you tell me your name?" Ngisi ng lalaki.

Aba walang preno bibig nito ah!

Magsasalita na sana ako para palayasin sya pero inunahan na ako ni Zack na syang ikinilaglag ng panga ko.

"Why are you asking my girlfriend's name?" Inis na baling nya sa lalaki. Kita ko ang gulat sa mukha ng lalaki at biglang itinaas ang kamay nya na para bang suko na sya.

"Oh, sorry bro. Akala ko kapatid ka nya." Saad ng lalaki.

Ramdam ko ang inis ni Zack kanina pa, hindi nya ako kinikibo at kanina ko pa sya nakikitang umiigting ang panga, tila inis na inis na sya.

Luh, ano bang problema nya? Ung kanina parin ba?

Magsasalita na sana ako ng bigla nyang ihinto ang sasakyan. Napatingin ako sa paligid at nakita ko nasa tapat na pala kami ng bahay.

Tumingin ako sa kanya para magpaalam na ngunit nakita kong nakayuko sya sa manibela nya.

"Z-Zack" Tumingin naman sya sa'kin at kita kong namumungay ang mata nya.

Bumugtong hininga sya bago sumagot.

"I-I have to go Caila." Umiwas sya ng tingin sa'kin. Tumango nalang ako sa kanya at bumaba na ng sasakyan nya. Pagkababa ko ay nakita ko pa syang tumingin sa'kin bago mag iwas ng tingin.

Hindi ko alam pero parang may parte sa'kin na nasaktan ako sa ginawa nya.

Bumugtong hininga ako bago pumasok sa loob, nakita kong walang tao sa sala kaya naman pumasok nalang ako sa kwarto ko at nagpahinga nalang.

Hindi kita maintindihan Zack. Naguguluhan na'ko sayo..

===========

Hope you enjoy the story!