webnovel

UNLOCKED: Serum CPH4-1028

Twelve students having their normal college lives in a university discover something strange within them. This is the hidden ability that rested in the depths of their beings. This brings several changes to their lives and challenges the connection between oneself and to each other. The university helps them understand their abilities but only to find out how their abilities are being unlocked.

AirMaster1028 · Sci-fi
Not enough ratings
29 Chs

Chapter CPH4-1028-05

Habang naglalakad si Romeo pabalik sa Physics Lab, tinawag siya ni Athena.

"Athena! Wala ba kayong klase ngayon?" tanong ni Romeo.

"Wala na. Kayo rin, 'di ba?"

"Katatapos lang ng huling klase namin ngayong araw. Tara doon tayo sa Physics Lab. Dala ko 'yung violin ko," pagyaya ni Romeo.

"Dala ko rin 'yung akin. Tara!" nasasabik na saad ni Athena. Pareho silang mahilig sa classical music at sila lang ang nagkakaintindihan pagdating dito.

Nadatnan nila sa Physics Lab ang mga kaibigang nagkakasiyahan. Pumunta sila sa kabilang dulo ng silid at doon tumayo para tumugtog. Sinimulan nilang tugtugin ang Symphony No. 3 ni Beethoven.

Napatigil ang mga nagkakasiyahan nilang mga kaibigan. Napalingon ang mga ito na parang walang mga emosyon. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang matapos ang ginawa nila Romeo at Athena.

Napansin iyon ni Romeo. "Guys?" Nilapitan niya ito isa-isa. "Bruce? Vince? Vincent? Sheina? Ervin? Gerald? Aries? Melody? Bryan? April?" sambit niya habang niyuyugyog ang mga ito.

"Athena, pwede mo ba akong tulungan dito?" Nang tumingin siya kay Athena ay ganoon din ang sitwasyon. Walang emosyon na nakatayo habang hawak-hawak pa rin ang violin nito.

Napaatras si Romeo at natakot sa mga nangyayari. "Huwag naman kayong ganiyan. Hindi 'to magandang biro."

Napagdesisyunan niya na humingi ng tulong kaya tumakbo siya palabas. Dahil sa kaniyang pagkataranta ay natisod siya at tumama ang ulo niya sa pader.

+ + + + +

Ibinuka ni Romeo ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang nakakasilaw na ilaw ng silid. May lumapit sa kaniyang isang babaeng nakaputi—isang nurse.

"Nasaan po ako? Anong nangyari sa akin?" tanong ni Romeo na napapangiwi dahil sa pananakit ng kaniyang ulo.

"Nandito po kayo sa university clinic. Mabuti at hindi masyadong malakas ang pagkakauntog mo sa pader. Wala namang nakitang fracture at pamumuo ng dugo sa ulo mo. Ipagpahinga mo lang muna 'yan," saad ng university nurse habang tiningnan ang vital signs ni Romeo.

"Ang mga kasama ko po, nasaan?" muling tanong ni Romeo.

"Nasa maayos na silang kalagayan. Inabisuhan rin sila ng department chair na umuwi upang makapagpahinga. Maaari ka na ring umuwi mamaya kung hindi na masakit ang ulo mo," sabi ng nurse at pagkatapos ay iniwan na si Romeo.

+ + + + +

"Midterm exam for this semester is fast approaching. We still have four topics to discuss for this course, University Physics," anunsiyo ni Ms. Galon sa klase. "Double time tayo next week, okay? Also, expect for more activities."

"May exact date na po ba para midterm exams?" tanong ni Athena.

"It falls on the 9th to the 13th of March. It's less than three weeks from now," sagot ni Ms. Galon. "May tanong pa ba?"

Walang nagsalita kaya inisip ni Ms. Galon na wala nang tanong. "If there's none, you're dismissed."

Unang lumabas si Ms. Galon ng Physics Lab habang ang mga magkaklase ay nanatili pa sa loob.

"Saan tayo kakain ngayon?" tanong ni Bryan.

"Sa dati pa ring kainan," sagot naman ni Bruce.

"Guys, mauna na ako sa inyo," sabi ni Louie habang nagmamadaling lumabas.

Lumapit si Romeo kay Athena at Gerald at nagtanong. "Wala ba kayong naaalalang nangyari kahapon pagkatapos ng mga klase natin?"

"Like what?"

"We played with our violin, Athena," diretsong saad ni Romeo.

"Ano? Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi. Sabay pa nga kaming lumabas ng gate ni Gerald. 'Di ba, Gerald?" nagtataka si Athena sa mga pinagsasabi ni Romeo.

"Nagkakamali ka lang siguro. Last week lang kayo sabay na tumugtog gamit ang mga violin niyo," sambit ni Gerald.

"Pero natatandaan—sige na nga. Siguro nga nagkamali lang ako. Dulot siguro 'to ng pagkauntog ng ulo ko."

"Guys, kaninong tumbler 'to?" tanong naman ni Vincent habang itinaas ang nakitang tumbler na may tubig sa isang table.

"Sa akin 'yan. Kanina ko pa 'yan hinahanap, eh."

"Pwede makiinom?" Tumango lamang si Khalil na siyang may-ari ng tumbler.

"Labas na tayo. Nagugutom na ako, eh," pagyaya ni Bryan sa mga kaibigan at hinila pa si April.

Sumunod naman agad ang mga kaibigan sa kanila. Nang makalabas na ng building ay napansin nila na wala si Vincent.

"Sheina, nasaan ba si Vincent?" tanong ni Ervin.

"Nasa Physics Lab pa ata. Wait lang babalikan ko." Agad na umakyat ng 2nd floor si Sheina at nadatnan niya sa Physics Lab ang nakahandusay na si Vincent. Agad niya itong nilapitan at niyugyog habang binabanggit ang pangalan nito—sinusubukan niya itong gisingin. Napansin niya ang tumbler na nakatumba at ang tubig nito ay natapon na sa sahig.

"Lason," tanging naibulalas ni Sheina.

Patayo na sana siya upang magpatulong sa mga kaibigan nang may humawak sa kanyang braso—si Vincent.

"Vincent," pagbigkas ni Sheina sa pangalan ng kaibigan na puno ng pag-aalala.

"N-nasaan si Khalil?" tanong ni Vincent kahit na medyo nanghihina pa.

"Nasa baba. Bakit?"

Unti-unting bumangon si Vincent sa tulong ng pag-alalay ni Sheina. Nang tuluyan na siyang nakatayo ay dinampot niya ang tumbler na may kakaunti pang lamang tubig. Maingat ring pinunasan ni Sheina ang natapong tubig.

"May gustong lumason kay Khalil," seryosong wika ni Vincent.

"Sino naman? Magkaibigan naman tayong lahat, ah," Napaisip si Sheina sa sinabi ng kaibigan.

"Iyan ang dapat nating alamin. Kailangang masabihan si Khalil tungkol dito. Wala tayong sasabihan kundi si Khalil lamang kasi nasa mga kaklase natin ang nais pumatay sa kaniya."

"Kung lason talaga 'yan, paano ka nakaligtas?" nagtatakang tanong ni Sheina.

"Hindi ko alam pero ang mahalaga ngayon ay masabihan si Khalil." Naglakad sila palabas ng Physics Lab habang inalalayan ni Sheina si Vincent.

Naghihintay pa rin sa labas ng Science building ang mga kaibigan nila.

"Bakit ang tagal—ay nandiyan na pala sila," sabi ni Bruce.

"Anong nangyari sa'yo, Vincent?" usisa ni Khalil.

Hinila ni Sheina si Khalil palayo sa grupo. "May gustong lumason sa'yo."

"Ano? Kanino mo 'yan nalaman?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Ang tubig mo ay may lason. Mabuti't hindi masyadong napuruhan si Vincent."

"Kaya pala nawawala ang tumbler ko kanina. Parang alam ko na kung sino ang gustong lumason sa'kin," hawak-baba nitong saad.

"Sino?" seryosong untag ni Sheina.

"Si—"

"Anong pinag-uusapan niyo diyan?" biglang usisa ni Ervin na ikinagulat ng dalawa. Lumapit na rin sa kanila ang lahat.

"Si Louie," pagsisimula ni Khalil.

"Bakit? Ano namang nangyari sa kaniya?"

"Athena, gusto akong lasunin ni Louie," wika ni Khalil na ikinagulat ng lahat.

"Paano? Bakit?" nagtatakang tanong ni Gerald.

"Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan," sagot ni Khalil.

"Nasaan si Louie ngayon?"

"Hindi ko alam, Vince."

"Tuwing ganitong oras ay pumupunta siya sa internet café para maglaro," ani Divine.

"Hindi siya pupunta ngayon doon dahil gusto niyang malaman kung nagtagumpay ba siya sa kaniyang plano," seryosong sabi ni Ervin.

"Kung gayon, nasa paligid lamang siya at nagmamasid?"

"Tama ka, Melody. Kaya tumingin kayo sa paligid."

"Ayun! Nasa SM Hall si Louie," sigaw ni Vincent na nakabawi na ng lakas.

Unang tumakbo si Sheina at hinabol ang tumatakas na si Louie. Mabilis niya itong naharangan na siyang ikinagulat ng lahat lalo na si Louie.

"Paano—"

"Huwag ka nang tumakas pa, Louie. Bistado ka na namin." Nagsidatingan na rin 'yung iba. Kinuha ni Aries ang mga kamay nito at inilagay sa likod. Mahigpit niya itong hinawakan upang hindi makawala.

"Aray! Huwag mo namang higpitan masyado!" reklamo ni Louie.

"Huwag ka nang malikot diyan. Huwag ka ring maarte, ginusto mo 'to," singhal ni Aries. Dinala nila sa guidance office si Louie.

Sinamahan naman nina April at Melody si Sheina sa clinic upang patingnan ang kalagayan ni Vincent. Wala namang naging problema sa kaniyang katawan at nasa maayos na siyang kalagayan, Mabuti na rin ang kaniyang pakiramdam. Sumunod na rin sila sa guidance office.

Nang makarating sila doon ay sakto ring palabas na sila.

"Anong pasya?" bungad na tanong ni Sheina.

"Umamin na si Louie at expelled na siya," malungkot na sagot ni Khalil. "Nakakalungkot isipin na mawawalan tayo ng isang kaklase pero siya 'yung pumasok sa problemang 'to, eh."

"Kailangan niyang matuto sa kaniyang mga kamalian," sabi ni Ervin.

"Hindi na lang ba tayo kakain nito? Kanina pa ako nagugutom," singhal ni Bryan.

"Tara na! Nagugutom na rin ako," pagyaya ni Khalil nang nakangiti at pilit ibinabaling ang atensiyon upang makalimutan ang kalungkutan.