webnovel

UNLOCKED: Serum CPH4-1028

Twelve students having their normal college lives in a university discover something strange within them. This is the hidden ability that rested in the depths of their beings. This brings several changes to their lives and challenges the connection between oneself and to each other. The university helps them understand their abilities but only to find out how their abilities are being unlocked.

AirMaster1028 · Sci-fi
Not enough ratings
29 Chs

Chapter CPH4-1028-04

"Vince! Nasaan sila?" bungad na tanong ni Athena nang makarating siya sa 2nd floor ng Science Building.

"Nagpunta lang ng canteen. Pabalik na rin siguro 'yun." Tumango lamang si Athena at inilagay ang bag sa sahig.

"Siya nga pala, Vince, may sasabihin ako sa'yo," seryosong sambit niya.

"Ano naman 'yun?" naiintrigang untag ni Vince.

"Kagabi kasi sa boarding house, bigla na lang akong nahimatay. Nakita ko pang bumagsak ang sarili ko sa sahig."

"Baka panaginip mo lang 'yun."

"Hindi, eh. Kasi nakita kong pumasok 'yung mga kasama ko sa boarding house. Narinig ko pa nga ang mga sinabi nila at nakita ko rin kung paano nila ako binuhat papunta sa higaan ko. Tumawag sila ng maaaring tumulong. Natakot ako sa mga nagaganap kaya inisip ko na lang na magising at 'yun nga ang nangyari. Medyo nanghina ako pagkatapos."

"Nagpatingin ka na ba sa doct—Athena!" Nataranta si Vince dahil bigla na lang bumagsak ang kaibigan sa sahig. Humingi siya ng saklolo nang ilang beses. Mabuti't may tatlong estudyante na nakakita at tinulungan na madala si Athena sa clinic. Nagpadala na rin ng mensahe si Vince sa mga kaibigan.

Dumating sina Bryan, April, Bruce, Ervin at Sophia sa clinic na puno ng pag-aalala.

"Anong nangyari sa kaniya?" agad na tanong ni Bruce.

"Nag-uusap lang kami tapos bigla na lang siyang bumulagta," malungkot na saad ni Vince.

Lumapit sa kanila ang university physician at sinabing nasa mabuti nang kalagayan si Athena at nagising na rin. Pinuntahan naman nila ito at nakita nila ang nakangiting si Athena.

"Kumusta 'yung pakiramdam mo? Okay ka na ba talaga? May masakit ba sa'yo?" sunud-sunod na tanong ni Ervin.

"Huwag kayong mag-alala. Mabuti na ang pakiramdam ko. Wala namang masakit sa'kin. Medyo nanghihina lang ako pero wala kayong dapat ikabahala." Ngumiti naman siya para ipakita talaga sa mga kaibigan na walang dapat ipag-alala.

"Huwag ka na lang kaya munang pumasok sa klase ngayong umaga. Mamayang hapon ka na lang pumasok."

"Okay na ako, April. Kaya kong pumasok ngayon." Muli siyang ngumiti sa mga kaibigan.

"Guys, aalis muna ako, ah. Pinapapunta ako ni sir Arnel sa ChemLab," pagpapaalam ni Sophia. Si Sophia ay isang student assistant sa Chemistry Laboratory.

"Sige, kami na ang bahala rito," sabi ni Bryan.

Maya-maya'y bumangon si Athena at bumalik na ang lakas nito. "Guys, it felt strange."

"Strange? What do you mean?" nagtatakang tanong ni Ervin.

"That I saw myself rushed here," seryosong sagot ni Athena. "Hindi ito ang unang pagkakataon na nahimatay ako at nakita ko lahat ng mga nangyayari habang ako'y walang malay."

"Something like… an out-of-body experience?"

"Parang ganoon na nga, Ervin."

"May mga nabasa at napanood na rin akong ganiyan. An out-of-body experience or some called it… astral projection," saad ni Ervin.

"Saan mo ba nakukuha ang 'yang kaalaman, Ervin?"

"Bruce, alam mo namang mahilig ako sa mga ganiyan—diyan lang ako nalilibang."

"Masama ba 'yan?" tanong ni April.

"Maganda naman naidudulot nito kasi may nagagawa ka kahit tulog ang physical body mo subalit kailangang maging maingat. May nabasa kasi ako na kapag humiwalay ang astral body mo sa physical body ay maaaring may pumalit dito."

"Parang sanib?" usisa ni Bryan.

"Parang ganoon na nga pero isang astral body lang ang namamahay sa physical body and not like sanib na dalawa o higit na astral body ang nasa loob. But don't worry because only the strong astral bodies can replace you in your physical body. Though you're not in there, your astral and physical body still have connection."

"Ang dami mo talagang alam," pagpuri ni Bruce kay Ervin.

"Mahilig lang ako sa mga bagay na 'yan," sabi nito at napakamot pa sa kaniyang batok. "Wait lang. I thought it only happens on fictional stories and movies. Bakit nangyayari ngayon ito sa inyo? Una si Bruce, pangalawa si Athena. Kay Bryan naman, hindi ako sure kung totoo ba 'yun pero may hinuha ako na may telepathic abilities siya. Kay Vince, strange din 'yung nasaksihan ko when I came back to get my wallet," seryosong saad nito.

"Baka pagod at stress lang tayo kaya nararamdaman natin na may nangyayaring kakaiba sa atin," wika ni Bryan.

"Siguro nga. Maybe let's stop thinking about it. Please?" ani April.

Sumang-ayon na lang ang lahat. Inisip na lang nila na dala lang ng pagod at stress ang kanilang mga nararamdaman at nasasaksihan.

"Let's go. I'm already really really fine. Nothing to worry about me," sabi ni Athena na siyang ikinatuwa ng mga kaibigan.

Pagkarating sa Physics Lab ay nandoon na ang kanilang mga kaklase.

"Okay ka na ba, Athena? Nasabi kasi ni Sophia 'yung nangyari sa'yo," bungad ni Gerald na kaharap ang kaniyang laptop.

"Oo, Gerald, at wala nang dapat ipag-alala pa." aniya sabay ngiti rito.

Bumalik naman si Gerald sa kaniyang ginagawa. Ilang sandali lamang ay nagulat siya sa nangyari sa kaniyang laptop. Napansin naman iyon ni Romeo na nasa kaniyang tabi.

"Anong nangyari diyan?" tanong ni Romeo.

"Bigla na lang nag-flicker 'yung display, eh," sagot naman ni Gerald.

Tiningnan niya ito ulit at nang hawakan ay nag-flicker na naman. Maraming floating windows din ang nabuksan.

"Ano bang problema nito?" Iniligpit na lang niya ito at isinilid sa bag.

"Guys, sinong may stapler?" pasigaw na tanong ni April na maririnig sa buong silid.

"Ako! Wait lang kukunin ko muna," sabi ni Sheina.

Nagulat si April dahil isang kisap-mata niya lamang ay nasa harap na niya si Sheina. Tumingin siya sa mga kaklase subalit wala namang nakakita sa nangyari. Nagtaka naman si Sheina sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan na puno ng pagtataka.

"April, ito na 'yung stapler."

"Paano mo 'yun nagawa?" Umatras si April na parang natatakot.

"Ang alin?" kunot-noong tanong ni Sheina.

"Ang bilis mong nakarating dito."

"Anong pinagsasabi mo? Alam mo, kung ano man 'yang nakita mo, baka guni-guni mo lang iyon at kalimutan mo na. Ilalagay ko na lang 'to dito." Inilapag ni Sheina sa table ni April ang stapler sapagkat hindi niya naiintindihan ang pinagsasabi ng kaibigan.

Ilang sandali ang lumipas ay muling bumalik sa katinuan si April ngunit nagulantang siya sa kaniyang nakita nang hawakan ang stapler ni Sheina. Napansin iyon ni Bryan.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ng kasintahan.

"I saw flashes of images nang dinampot ko ang stapler na 'yan," sagot niya at tinuturo pa ang stapler na nabitawan niya at nasa sahig na.

"You need rest."

"Hindi! Nakita ko talaga iy—" Natahimik siya nang niyakap siya ng kasintahan and she felt safe in the arms of Bryan.

"Take a deep breath and relax."

Humiwalay sila sa pagkakayap nang sumigaw si Melody. Binatukan naman ito ni Aries na nasa kaniyang likuran.

"Aray! Ang lakas, ah!" singhal ni Melody.

"Hindi naman 'yun malakas, ah. Ang O.A. mo naman! Bakit ka ba kasi sumisigaw at parang nanlulupasay ka pa diyan?" pagalit na tanong ni Aries.

"Masama bang kiligin? Naiinggit ka lang kasi wala kang jowa," bulalas ni Melody at tinalikuran si Aries.

"Bahala ka nga diyan!" Tumalikod na rin si Aries at lumakad palayo.