webnovel

Unforeseen love (tagalog)

Umuwi si Eppo sa kanilang probinsiya mula sa city. Katatapos lang ng semetre kaya umuwi kahit hindi naman iyon ang gawain niya dati. Idinahilan lamang niya sa magulang na umuwi na lang siya dahil matagal na noong huling pag-uwi niya sa lugar Nasa tambayan siya sa kanilang barangay ng mga oras na iyon para mapag-isa at makapag-isip. Sa kanilang bahay kasi ay hindi siya makapag-isip ng tama dahil sa mga kapatid niyang maiingay. Kailangan niyang mag-isip ng solusiyon sa problema niya, si Arnel kasing kasintahan niya o dating kasintahan ay walang maitutulong sa kanya. Masamang masama ang loob niya sa kanyang kasintahan dahil imbes na sumaya ito sa ibinalita niya ay kabaligtaran naman ang ginawa. Nagkalambong ang kanyang mga mata ng maalala ang dating kasintahan kung may magagawa sana siya para hindi na muna ito sumagi sa isip niya ay ginawa na niya. Ngunit ang dahilan kung bakit nalulungkot siya ngayon ay dahil rin ito sa nobyo. Masama sa kanya ang ma-stress kaya dapat yung magagandang alaala dapat ang iniisip niya pero kapag ginawa naman niya ay ang hindi kanais-nais na pangyayari sa huli nilang pagkikita sa kasintahan ang maalala. Malalim ang iniisip niya kaya hindi niya napansin na may kasama na siya sa tambayan at hindi na nag-iisa. Kanina pa pinagmamasdan ni Rod si Eppo na kay lalim ng iniisip. Dumaan nga siya sa harap nito kanina pero hindi man lang siya napansin. Tumikhim na siya ng makitang parang iiyak na si Eppo. Bumaling naman agad sa kanya ito. "Ang lalim ng iniisip mo ah, may problema ka ba?" Tanong niya. "Wala. Wala akong problema." Ngumiti ito ng pilit. "Kumusta na pala iyong mga binigay ko sayong textmate may nauto ka na ba?" Nakatawang tanong nito. "Well, medyo OK naman sila. Pero parang hindi naman interesado ang mga iyon sa seryosong relasyon" "Pakipot lang ang mga iyon, pagbutihin mo lang kasi." Sabi nito. "Ganun.. Kailan ang dating mo? Kalagitnaan yata ng semestre ngayon ah." Pag-iiba niya sa usapan dahil ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol sa mga textmate. Yumuko ito bago mahinang sumagot. "Hindi. Katatapos lang semestre" Tumango na lang siya dahil alam niyang hindi nito gawaing umuwi na lang basta kahit pa ganoon kahaba na walang pasok. Hindi na lang siya nagsalita. Lumipas ang mahabang Sandaling katahimikan. Naputol lang iyon ng biglang tumayo si Eppo. "Uuwi na ako." Sabi nito at umalis na. Nakatingin lang siya sa likod ni Eppo habang paalis ito. Maganda ang dalaga, masipag at mabait pa, marami itong manliligaw sa kanilang lugar pero hindi sineseryoso ni Eppo. Naisip nga niyang baka may nobyo na ito sa city kaya ganun na lang ito sa mga manliligaw. 'Napakaswerte ng nobyo mo Eppo kung mayroon man' sabi ng isip niya. Napabuntong hininga na lang siya. N: Kung napukaw nito ang interes mo, salamat!

LikeNobody · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 3

Kinabukasan nga ay nanumbalik sila sa hospital at nagpa-check-up. Malusog raw ang bata. Binili nila ang inirekomenda ng doktora na vitamins.

Medyo magaan na ang pakiramdam niya sa asawa niya.. "Pwede bumili tayo ng saging?" Sabi niya kay Rod ng nasa daan na sila.

"Sige. Hintayin mo ako rito." Wika nito ng itigil ang sasakyan sa tabi at lumabas. Sampung minuto lang ang nakalipas ay bumalik na ito at may bitbit ng supot ng saging. Nang inabot nito sa kanya ay mabilis siyang kumuha ng isa at binalatan bago kinain. "Salamat.. Ang sarap talaga nitong saging" nakangiting utas niya pagkatapos ubusin ang isang pirasong saging.

"Mukhang saging ang pinaglilihian mo.." Natatawang sabi nito.

Napa-isip siya, mukhang saging nga ang pinaglilihian niya. Ilang araw na niyang napapanaginipan at naiimagine lang niya ay naglalaway na siya. "Oo nga, hindi ko naman masyadong gusto ang saging pero ngayon ang sarap sarap na sa lasa ko."

Pagdating sa bahay nila ay agad siyang sumalampak sa upuan at kumain ng saging. "Siya nga pala kailan mo pa binili o pinagawa ang bahay na ito?"

"Pinagawa ko ito, two years ago at natapos lang noong nakaraang taon."

"Bakit dito mo naisip na magpatayo ng bahay? Bakit hindi sa atin?"

Natawa ito. "Sa lugar kasi na ito ako naunang napunta kaya yung ipon ko noon ibinili ko dito. Nangangailangan na kasi masyado yung may-ari dito noon kaya binili ko na lang total gusto ko naman talaga dito."

Hindi siya sumagot at nag-isip ng itatanong. "Ano ang natapos mong kurso? Bakit mas gusto mo ang pagiging farmer?"

Naiiling na ito pero sumagot rin. "Natapos ko ay agricultural at gusto ko talaga ang magsaka kaysa mag-opisina kaya ayun.." Nagkibit balikat na sabi nito.

Ganoon ang nangyari buong araw na iyon. Tanong siya ng tanong sa asawa na sinasagot naman nito ng natatawa para ngang interrogational time iyon. Natapos ang araw na iyon ng magaan na magaan ang loob niya sa asawa.

Sa gabi habang nakahiga sila. Sa kama siya habang sa sahig na may latag na comforter naman nakahiga si Rod. "Ngayon ikaw naman ang magtanong ng tungkol sa akin." Suhestiyon niya dahil napansin niyang siya lang ang nagtatanong na sinasagot lamang nito at hindi nagtatanong.

"Ah.. Konti lang gusto kong itanong sayo.." Wika nito na ikinatingin niya rito.

"Konti lang? Bakit tinitipid mong kilalanin ako?" Parang nasasaktang sabi niya.

"Hindi ganoon iyon, konti lang ang itatanong ko kasi halos alam ko na lahat ang tungkol sa ito."

Humalukipkip siya sa narinig at tinaasan ng kilay. Natawa na naman ito sa tinuran niya.

"Kasi halos lahat ay nakwento na ng ama mo sa akin."

Nakaramdam siya ng disappointment na hindi niya alam kung saan galing. "Ano na? Magtanong ka na." Sabi na lang niya para pagtakpan ang pagkadismaya.

"Sino ang lalaking....nakabuntis sayo?" Nag-aalangang tanong nito.

Natahimik siya sa tanong nito at dahan-dahang humiga. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito pero karapatan nitong malaman kung sino ang lalaking nakabuntis sa kanya.

"Sa Campus, nakilala ko si Arnel, kumukuha siya ng kursong criminology. Magkatabi lang ang building ng engineering at sa kanila." Panimula niya. Si Rod naman ay naupo na at pinakikingang mabuti ang kwento niya.

"Crush ko talaga siya noon pa man. Tapos isang araw bigla na lang siyang lumapit at nagpakilala at sinabing liligawan daw niya ako dahil matagal na niya akong gusto. Ako naman na atat sa atensiyon niya ay pumayag. Nagpaligaw ng dalawang linggo tapos sinagot. Noong una ay ang sweet sweet niya, makaraan lang ng isang linggo ay demanding na siya. Sabi niya kung talagang mahal ko siya ay papatunayan ko. Siyempre sinabi ko ng una na ang pagmamahal ay hindi pinapatunayan sa pamamagitan ng kama pero ng maglaon ay pinaparamdam na niya sa akin na gusto na niyang kumalas sa aming relasyon. At napapabalita rin sa akin na may idinedate na raw ito tapos ako itong si tanga inialok ang katawan para hindi na ito tumingin sa iba. Sa nangyari nga'y naging sweet na siya sa akin pero isang linggo lang nakipagkalas na siya sa akin. Hindi ako pumayag." Huminto muna siya sa kakakwento upang sumagap ng hangin.

"Anong magagawa ko kung may nobya na naman na siya? Hindi na ako naghabol noon lalo na ng malaman kong pinagpustahan lang pala ako at hindi naman talaga ako gusto ni arnel. Ang tanga ko!.. Pero makaraan lang ng isang buwan nalaman kong buntis na pala ako. Pinaalam ko iyon sa kanya pero ang sabi niya ay hindi raw ito sa kanya. Nasaktan ako dahil inisip niyang may gumalaw sa aking iba maliban sa kanya kaya hindi na nagpapakita sa kanya. Imiiwas ako kapag alam naroroon siya. Kaya umuwi ako pagkatapos ng exam kahit dati naman ay hindi dahil iyon sa nangyari..." Humagulhol siya ng iyak.

"Nang umuwi ako ay napagtanto kong ang simple- simple ng buhay ko walang kaproble-problema pero humanap ako ng problema at tingnan mo ang nangyari. Hindi ko man lang inisip ang hinaharap sa ginawa ko , hindi ko man lang inisip ang magulang kong nagpapakahirap mapag-aral lang ako.. Kaya laking pasasalamat ko at dumating ka, baka wala akong matirhan ngayon kapag wala ka" namalayan na lang niya ang sarili na nakakulong sa bisig ng asawa, humahagulhol siya ng iyak para ilabas ang mga nagpapastress sa kanya.

"Sige. Iiyak mo lang iyan para wala ka ng iiyak sa susunod. At mula ngayon wag mo ng iisipin ang lalaking walang kwentang nagpaiyak sayo, pupunan ko ang mga pagkukulang niya at kapag dumating ang araw ng iyong kapanganakan ay pangalan ko ang tataglayin ng ating anak. Ituturing ko siyang akin.. Tandaan mo iyan." Puno ng pangakong turan nito.

Mas lala siyang napaiyak sa sinabi nito. Sana ito na lang ang inibig niya. Pero sisiguruhin niyang malilimutan niya ang walang kwentang si Arnel at ipapalit niya sa puso niya ang kanyang asawa. Ngayon lang niya napagtantong may gusto sa kanya ang asawa dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Mula ngayon sayo ko na lang itutuon ang aking atensiyon.. Nangangakong sabi ng isip niya

***

Malaki na ang tiyan niya. Walong buwan na at maraming araw lang ay lalabas na.

Sa bawat araw na lumipas ay pinaramdam sa kanya ng asawa na mahalaga siya para rito. Ngayon ngang umaga ay nasa labas siya ng bahay nagpapaaraw sa mabitaminang sikat ng araw na kakasibol pa lamang. Habang si Rod ay naghahanda ng makakain. Napangiti siya ng maisip ang asawa, ngayon nga ay walang dudang mahal na niya ito. Kinikilig na siya sa mga maliliit na bagay na ginagawa nito para sa kanya.

Napatingin siya sa dakong kanluran at nakita niyang malalaki na ang mga tanim na palay. May sakahan ng palay pala ang asawa niya sa lugar na iyon nalaman lang niya iyon noong isang buwan na nilang naninirahan sa bahay nila. Maliit lang ang palayan nasa dalawa at kalahating ektarya lang pero makakabuhay naman ng tao.

Hindi pa rin siya nagpapakita sa kanila pero laging kinukwento ni Rod ang mga nangyayari sa pamilya niya kapag umuwi ito doon para tingnan ang palayan nito roon. Wala namang masamang nangyari sa mga ito. Hindi pa rin daw ito iniimik ng tatay niya. At ang kanilang kasalan ay nanatiling lihim.

"Eppo, kain na!" Tawag ng asawa niya. Hay.....Ang kanyang asawa siguro ang pinakamaunawain at pinakamaalaga sa lahat at gwapo rin pala ito kaya napakaswerte niya.

Pagpasok niya ay nakita niyang nakaupo na ito at hinihintay na siya. Umupo siya sa tabi nito at sinimulan ng kumain.

"Uy! Kumain ka na.." Wika niya dahil pansin niyang nagmamasid lang ito sa kanya. Ngumiti ito at kumain na.

"May pupuntahan ako mamaya.." Sabi nito habang kumakain.

"Saan?" -Eppo

"Kukunin ko yung marriage certificate natin. Hindi na natin kinuha noon eh."

"Sige.."

Pagkatapos kumain ay umalis na ito. Naghugas muna siya bago lumabas at sa harap ng bahay naupo para magpahangin.

Ang kanilang bayan ay walang bakod ang mga bahay. Kaya ng may lumapit sa kanya ay nagulat siya.

"Eppo ikaw nga! Kumusta ka na?" Tanong ng lalaki.

"Arnel ikaw pala." Casual na sabi niya.

"Kumusta ka na? Hindi na kita nakita pagkatapos ng semester.." Malawak pa ang ngiting sabi nito. Muntik na niyang sungalngalin ang bibig ng lalaki sa mga sinabi. Bagkus ay ngumiti siya rito.

"Heto." Idinipa niya ang kamay sa malaking tiyan. "Buntis.. Kaya huminto muna ako sa pag-aaral." Nginitian niya ito.

Nawala ang ngiti nito at bumaba ang tingin sa kanyang tiyan. "Buntis ka na pala.? Sino ang lalaking nakabuntis sayo?"

Naiiritang kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Nagkukunwari pa ang lalaki at tinanong pa kung sino ang lalaking nakabuntis sa kanya.

Sasagot na sana siya ng may umakbay sa kanya. "Sino siya sweetheart?" Malambing na tanong ng umakbay sa kanya na walang iba kundi ang asawa niyang si Rod.

Napangiti siya at iniyakap ang isang kamay sa baywang nito. Kitang kita niya kung paano sumunod ang mga mata ni arnel sa ginawa niya.

"Hmmm. Honey, ito si Arnel dating kakilala at Arnel ito ang aking asawa si Rod." Pakilala niya sa dalawa. Iniabot ni arnel ang kamay ngunit tiningnan lang iyon ni Rod kaya ibinaba na lamang.

"Anong ginagawa mo rito arnel?" Casual na tanong ni Rod pero iba ang ibig sabihin niyon Kay eppo.

"Napadaan lang ako at nakita ko siya kaya lumapit ako. Actually kapitbahay niyo lang kami. Ngayon ko lang nakitang may lumabas na tao sa bahay niyo at nagulat ako ng ikaw iyon." Baling nito sa kanya.

Hindi siya umimik pero tumango lang siya. "Ilang buwan na iyang tiyan mo? Ang laki na ah.."

"Walong buwan na, malapit na siyang manganak." Napatingin siya kay Rod sa sinabi nito.

"Walong buwan!! Sabi ko na nga ba nagtataksil ka pa noong tayo pa!" Biglang tumaas ang boses ni arnel na kinagulat niya. "Akala mo hindi ko alam na may lihim kang dinedate! Iyan ang akala mo pero ngayon wag mo ng i-deny. Inakala ko pa namang matino kang babae kaya kita nagustuhan!" Tuloy-tuloy na utas nito.

Mapakla siyang ngumiti dito. At siya pa ang pinagbibintangang nagtaksil! "Ikaw ang taksil at wag mo akong masasabihang nagustuhan mo ako dahil ginamit mo lang ako!" Sigaw niya na ikinalaki ng mata nito. "Buti na lang at ikaw na mismo ang nakipaghiwalay dahil kung hindi ay siguradong isa pa akong tangang nagkakagusto sa demonyong katulad mo!" Nag-igting ang panga nito at aabutin na sana siya pero may isang kamay na pumigil doon.

"Subukan mong idikit ang marumi mong kamay sa balat ng asawa ko babalatan kita ng buhay." Pagbabanta nito.

Pahablot na kinuha ni arnel ang kamay bago masamang tiningnan si Eppo. "Pagdating ng panahon mapagtatanto mong mali ang pinili mo." Sabi nito sabay alis.

Napahinga siya ng malalim. Tiningala niya ang asawa mukhang galit ito. Walang salitang inakay siya ng asawa papasok sa bahay. Nakaupo na silang pareho ng hawakan nito ang kamay niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nitong parang nag-aalala.

Nagtaka naman siya sa tanong nito.

"Ayos lang ako.. Bakit bigla bigla ka na lang nagtatanong ng ganyan?"

"Kasi nakita mo ang lalaking iyon." Nag-aalalang sabi pa rin nito.

"Hindi ako nasasaktan kundi galit lang ang naramdaman ko pagkakita sa lalaki. Nakalimutan ko na yata siya." Nakangiting sagot niya.

Niyakap siya nito. "Salamat naman at nakalimutan mo na ang walang kwentang lalaki na iyon. "

Ngumiti siya at kumalas sa yakap "ano pala ang nangyari at bumalik ka agad?" Curious na tanong niya.

Nagkibit ito ng balikat. "Parang feel kong bumalik eh, hindi na ako tumuloy roon tsaka na lang..."

"Pag nanganak na ako ay dadalaw na ako sa amin para humingi ng tawad kay tatay at mga kapatid." Wala sa loob na sabi niya...

Tumango ito. "Malapit na pala ang tanghalian, magluluto na ako.." Paalam nito. Siya naman ay lumabas muli at puwesto sa pwesto niya kanina.

Habang nagmuni-muni ay may lumapit sa kanyang babae. Maganda ito at halatang alaga ang katawan pero kahit gaano kaganda ang babae ay mas maganda siya, siyempre.

Ngumiti ang babae. "Hi.. Narito ba si Rod?" Tanong nito.

"Oo, bakit?" Kahit ayaw niya ay nakaramdam siya ng inis sa babae. Bakit nito hinahanap ang asawa niya at halatang dalaga pa?.

"Pwede bang pumasok? May sasabihin lang ako sa kanya." Sabi nito at pumasok na.

Napatingin na lang siya sa pintuang pinasukan nito. Aba't ang bastos!