webnovel

Unforeseen love (tagalog)

Umuwi si Eppo sa kanilang probinsiya mula sa city. Katatapos lang ng semetre kaya umuwi kahit hindi naman iyon ang gawain niya dati. Idinahilan lamang niya sa magulang na umuwi na lang siya dahil matagal na noong huling pag-uwi niya sa lugar Nasa tambayan siya sa kanilang barangay ng mga oras na iyon para mapag-isa at makapag-isip. Sa kanilang bahay kasi ay hindi siya makapag-isip ng tama dahil sa mga kapatid niyang maiingay. Kailangan niyang mag-isip ng solusiyon sa problema niya, si Arnel kasing kasintahan niya o dating kasintahan ay walang maitutulong sa kanya. Masamang masama ang loob niya sa kanyang kasintahan dahil imbes na sumaya ito sa ibinalita niya ay kabaligtaran naman ang ginawa. Nagkalambong ang kanyang mga mata ng maalala ang dating kasintahan kung may magagawa sana siya para hindi na muna ito sumagi sa isip niya ay ginawa na niya. Ngunit ang dahilan kung bakit nalulungkot siya ngayon ay dahil rin ito sa nobyo. Masama sa kanya ang ma-stress kaya dapat yung magagandang alaala dapat ang iniisip niya pero kapag ginawa naman niya ay ang hindi kanais-nais na pangyayari sa huli nilang pagkikita sa kasintahan ang maalala. Malalim ang iniisip niya kaya hindi niya napansin na may kasama na siya sa tambayan at hindi na nag-iisa. Kanina pa pinagmamasdan ni Rod si Eppo na kay lalim ng iniisip. Dumaan nga siya sa harap nito kanina pero hindi man lang siya napansin. Tumikhim na siya ng makitang parang iiyak na si Eppo. Bumaling naman agad sa kanya ito. "Ang lalim ng iniisip mo ah, may problema ka ba?" Tanong niya. "Wala. Wala akong problema." Ngumiti ito ng pilit. "Kumusta na pala iyong mga binigay ko sayong textmate may nauto ka na ba?" Nakatawang tanong nito. "Well, medyo OK naman sila. Pero parang hindi naman interesado ang mga iyon sa seryosong relasyon" "Pakipot lang ang mga iyon, pagbutihin mo lang kasi." Sabi nito. "Ganun.. Kailan ang dating mo? Kalagitnaan yata ng semestre ngayon ah." Pag-iiba niya sa usapan dahil ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol sa mga textmate. Yumuko ito bago mahinang sumagot. "Hindi. Katatapos lang semestre" Tumango na lang siya dahil alam niyang hindi nito gawaing umuwi na lang basta kahit pa ganoon kahaba na walang pasok. Hindi na lang siya nagsalita. Lumipas ang mahabang Sandaling katahimikan. Naputol lang iyon ng biglang tumayo si Eppo. "Uuwi na ako." Sabi nito at umalis na. Nakatingin lang siya sa likod ni Eppo habang paalis ito. Maganda ang dalaga, masipag at mabait pa, marami itong manliligaw sa kanilang lugar pero hindi sineseryoso ni Eppo. Naisip nga niyang baka may nobyo na ito sa city kaya ganun na lang ito sa mga manliligaw. 'Napakaswerte ng nobyo mo Eppo kung mayroon man' sabi ng isip niya. Napabuntong hininga na lang siya. N: Kung napukaw nito ang interes mo, salamat!

LikeNobody · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 2

Nakahiga na si Rod at inaantok na siya ng may malakas na kumatok sa pintuan. Sunod-sunod sa malakas na pagkatok na parang hindi na makapaghintay..

Kumunot ang noo niya. Kinuha muna niya ang itak bago tinungo ang pintuan. Si Nica at Choko ang nabungaran niya, anak ni Mario.

"Tito!Tito!tulungan niyo kami!" Natataranta at sabay-sabay na sabi ng dalawa.

"Bakit?" Bigla siyang nag-alala sa mga ito baka may kung anong nangyari kay Mario.. Sa isip niya.

"Tito tulungan niyo kaming dalhin sa hospital ang ate namin!! May sasakyan ka naman kaya dalhin natin siya sa bayan!.." Natatarantang wika ni Nica.

Wala ng tanong-tanong na tumakbo sila patungo sa sasakyan niya.

SA ospital sa bayan. Maayos na ang lagay ni Eppo at nagrelax na rin si mario at itinawag na rin niya sa mga anak na wag ng mag-alala ang mga ito.

NAsa waiting area sila at kumakain kasama si Rod kahit kakakain lang nila ng patungong bayan. Bigla kasi silang nagutom sa pag-aalala. Nagtataka nga siya dahil ang kaibigan ay sobra-sobra kung mag-alala sa anak. Kahit naman kaibigan ay hindi ganuon ang reaction para itong pag-aalala sa isang asawa. Asawa... Ulit ng isipan niya. Napatingin siya sa mukha ng tahimik na kumakain sa tabi niya.

Habang nakatitig sa kaibigan ay unti-unti niyang nakita na nag-aalala pa rin ito at minsan pang parang nawawala ito sa sarili. Bibitiwan ang kutsara at mapapatitig sa sahig.

Napatingin ito sa kanya ng maramdamang nakatitig siya rito.

Ngumiti ito ng pilit. "Bakit?"

Umiling lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

SABi ng doctor ay kaya ito nawalan ng Malay dahil sa stress. Pwede na raw ng mga ito iuuwi kinabukasan si Eppo. Sabi pa ng doctor ay may tinawag daw itong kasamahang doctor na titingin kay Eppo kung tunay ang kanyang conclusion na gaya rin ng karamihang pasyente kung bakit stress ito kaya naging dahilan ng pagkawala ng Malay ng pasyente. Bukas pa raw ito gigising dahil sa naiturok na pampatulog dito.

Sa gabing iyon sa sasakyan matutulog. Masyadong marami ang pasyente sa gabing iyon kaya sobra rin ang bantay. Public hospital.

Tahimik lang ang dalawang lalaki. Parehong hindi makatulog at may kanya-kanyang takbo ng isipan.

Madaling araw na ng makatulog ang dalawa at nagising ng tumuntong ang alas singko.

Nagkape muna ang mga ito. Hindi pa rin gumigising si Eppo ng pumasok ang doktora, ito ang doktora na sinabi ng doctor ng nagdaang gabi.

"Ako si Doctor Kristal, ang tumingin sa anak niyo. Kinunan ko na siya ng dugo para i-examine kung positive ang anak niyo." Pormal na sabi nito.

"Positive? Saan? Anong sakit niya?" Sunod-sunod na tanong ng tatay.

"Ano po ang resulta doktora?" Malumanay na tanong ni Rod.

Ngumiti ang babaeng doctor. "Ako ay isang Obstetrics-gynecology at kinunan ko siya ng dugo para icheck kung talagang buntis siya dahil karamihan sa mga naoospital dito sa ganyang edad ay ganoong-ganoon din. At ito po ang result." Tiningnan nito sandali ang hawak.

Tahimik na tahimik naman ang dalawa, hinihintay kung ano ang susunod na sasabihin ng doktora.

"Congratulations! Ang pasyente ay buntis po." Nakangiting wika ng doctor.

Parang pipi ang dalawa hanggang sa nakaalis ang doktora.

Sakto naman nagising si Eppo.

"Tay.." Nanghihinang tawag niya. Hindi kumilos ang ama nakatingin sa kanya para itong estranghero sa paningin niya.

"Tubig... Nauuhaw ako..." Hindi pa rin ito kumilos kaya si Rod ang kumuha. Inalalayan siyang umupo ni Rod at Ito pa ang nagpainom sa kanya. Bago pinahiga ulit. Punong-puno ng ingat ang kilos nito na pinagtaka niya.

"Tay..." Sabi niya bago bumaling sa ama. Galit ang anyo ng mukha ng ama niya ng tingnan niya ito. Bago pa siya makapagtanong ay hinigit nito si Rod at sinuntok sa mukha. Sapul ang labi nito. "Tay!.." Tili niya. Ang mga tao sa buong silid na iyon ay huminto at napatingin sa kanila.

Sinuntok uli ng ama niya si Rod na nakahiga na sa sahig. Ang binata naman ay sinasangga ang mg atake ng kaibigan. Hindi niya alam kung bakit na lang ito bigla manununtok .

Mabilis na inawat ng mga kalalakihan sa silid na iyon ang ama niyang parang mabangis na hayop. Siya naman ay nakatayo na sa gilid ng kanyang hospital bed.

"Ikaw!! " nanggagalaiting turo ng kanyang ama kay Rod na duguan ang mukha. "Punyeta ka!! Pinagkatiwalaan kita!! Inahas mo ako!! Ahas!!" Sigaw nito kay Rod.

Sasagot sana ang binata pero naunahan niya ito.

"Tay! Bakit niyo po siya sinuntok?!"

"Isa ka pa!! Ginawa ko ang lahat para makapasok ka sa magandang eskwelahan pero anong ginawa mo! Lumandi ka! Lumandi! At sa lalaki pang ito!! Ito na halos kaedad ko pa!.." Pinagduduro siya at ni Rod ng ama niya.

Nanlaki ang mata niya. Ano ba ang sinasabi ng tatay niya na lumandi siya sa kaibigan nitong matandang binata?. Ha! Naniningkit ang matang tumingin siya kay Rod.

"Ikaw !! Ano itong sinasabi ng ama kong nilandi kita ha?!" Galit rin niyang sabi. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. Siguro dahil na naman sa kanyang paglilihi.

Si Rod naman ay nanlalaki ang mata sa sinasabi ng mag-ama. "Teka Mario nagkakamali ka ng akala. At ikaw Eppo nagkakamali ka rin ng akala." Malumanay na wika niya kahit ang gusto niya ay magalit. Siya na nga ang Pinagbibintangan ng di niya alam, sinaktan pisikal, parang dinudurog pa ang puso niya sa nalamang buntis ang mahal niya at siguradong hindi na pwedeng ukulan ng pagtinging gaya ng pagtingin niya.

"Tama na! Masyado niyo ng binibilog ang ulo ko!! Hindi tayo uuwi ngayon ng hindi kayo ikinakasal!!" Galit pa rin na sabi ng tatay ni Eppo.

"Tatay! Bakit ko naman siya papakasalan? Hindi ko siya nilandi."

"Hwag kang tumangi-tangi na akala mo'y hindi ka binuntis ng lalaking iyan!" Dinuro na naman nito si Rod.

Nanlaki ang mata ni Eppo at hindi nakaimik. Paano niya nalaman? Sabi ng isip niya.

"Tatawagin ko ang nurse para madischarge ka na." Paalam ni Rod.

Kahit nalilito sa mga pangyayari ay hindi niya pinapakita. Nalilito siya kung bakit bigla-bigla na lang siyang pinaghinalaan ng kaibigan na siya ang nakabuntis. Na hindi sila uuwi ng hindi naikakasal sa hwes. Masokista siguro siya dahil sa kabila ng kaalamang nabuntis ng ibang lalaki ang babaeng iniibig ay nangingiti pa rin siya sa kadahilanang ikakasal sila.

***

Ang kanilang kasal ay parang pirmahan ng enrollment registration sa school, ang kaibahan lang ay marriage registration. Hindi na nakatanggi si Eppo sa nais ng ama dahil pakiramdam niya siya ang nagkamali na totoo naman. Ngunit sobra na ang iniuutos ng ama. Paulit-ulit naman niyang sinabing hindi si Rod ang nakabuntis sa kanya at ganun rin ang lalaki pero ganun pa rin ang pasya ng matanda na parang nagsisinungaling silang dalawa. Hanggang sa humawak ang ama niya sa dibdib at hinimas-himas iyon na parang nahihirapan, doon lang siya tumigil kakatanggi. Galit na galit ang kanyang ama.

Sa biyahe ay walang nais mag-umpisa ng topiko. Pagkahinto sa tapat ng kanilang bahay ang sasakyan ay bumaba agad ang ama sumunod siya.

"Wag kang susunod!! Jan ka lang!!" Bulyaw nito sa kanya pero sumunod pa rin siya hanggang sa loob ng bahay.

Naroroon ang mga kapatid niya, kumpleto silang Lima at halatang hinihintay sila. Dumiretso ang ama sa kung saan.

"Ate.? Ano po ba ang nangyari at mukhang galit ang tatay?" Tanong bunso nila na si Kris. Niyakap na lamang niya ang kapatid hanggang sa naging group hug iyon. Kumalas lang sila ng may padarag na tinapon ang isang gamit. Tiningnan niya iyon. Iyon ang kanyang pinakamamahal na traveling bag.

Nagtatanong ang mata niyang tumingin sa ama.

"Lumayas ka na dito!! Sumama ka sa lalaking iyon!" Wika nito at tumalikod na pero humarap uli. "Kung hindi ka pa umalis ako na ang lalayas"

"Tay.. " tuluyan ng tumalikod ang ama niya. "Ate bakit ?" Si liberty ang sumunod sa kanyang kapatid.

Kinuha niya ang bag at sa huling pagkakataon ay yumakap siya sa mga kapatid. "Aalis na ako at sa susunod na bakasyon ko ay ipapaliwag ko." Iyon lang at lumabas na siya.

Pumasok siya sa sasakyan at umusad na iyon.

"Sa kabilang bayan kita dadalhin. Hindi tayo pwede dito sa atin." Tumango siya sa sinabi nito.

SA isang maliit pero desenteng bahay siya dinala ni Rod.

"Iisa lang ang kwarto.." Narinig niyang sinabi nito.

Bumaling siya rito, pinagkrus ang kamay sa tapat ng dibdib at tinaasan niya ng kilay. "Ano ang gusto mong iparating?" Mataray na sabi niya. Aba! Kahit naman asawa na niya ito ay hindi magiging asawa nito!

"Na wala tayong choice kundi doon matulog pero hwag kang mag-alala sa kama ka sa sahig ako." Nakakunot ang noo sa katarayan niya.

"Buti naman!" Sagot niya at pumasok sa kwarto.

Sumunod si Rod. "Pwede dahil mag-asawa na tayo. Wag mo na akong tarayan.. Kahit ganoon lang"

"Aba! Demanding ka. Kahit naman na mag-asawa tayo eh nagtatapos lang iyon sa papel. Bakit kasi hindi mo pinagdiinan na hindi ikaw ang nakabuntis sa akin. Tingnan mo tuloy, bigla-bigla tayong naririto sa ganitong sitwasyon.!" Mataas ang boses na sabi niya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Eh pareho natin paulit-ulit na sinasabi na nagkamali ito ng akala. At kung hindi mo pa napansin na baka maaatake ng ang tatay mo!" Naiinis na sabi nito.

"Eh iyon naman pala eh! Napilitan lang tayo kaya nagkaganito kaya wag mag-expect na bubuti pakikitungo ko sayo." Padarag na umupo siya sa kama.

Parang nauubos ang pasensya na humugot ng malalim na hininga. "Kahit hindi bubuti ang pakikitungo mo basta wag mo na akong susungitan."

"Anong pagkakaiba ng hinihiling mo?" Inis na sabi niya.

Hindi ito sumagot. Hindi na rin siya umimik.

"Ano ba ang dahilan at inis ka sa akin?" Malumanay na tanong ni Rod maya-maya.

Hindi siya nakasagot agad dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang particular na rason kung bakit inis siya dito.

"Hindi ko alam..." Sagot niya makaraan ng ilang saglit.

"Iyon naman pala eh.. Subukan natin maging magkaibigan o maging magkaibigan para kahit papaano ay hindi magiging miserable ang buhay mag-asawa natin.." -Rod

Sasalungat sana siya kasi hindi iyon maganda sa pandinig niya pero pinigilan niya dahil alam niyang may punto ito. Tumango na lamang siya.

"Sige. Magpahinga ka dito, matulog ka. Bibili lang ako ng stock ng pagkain at magluluto na rin para makapag-agahan na tayo." Iyon lang at lumabas na ito.

Huminga siya ng malalim at humiga. Parang ang bilis ng pangyayari asawa na niya ngayon ang lalaking kinaiinisan niya dahil sa pagiging pakialamero nito. Nakatulog siya at nagising sa yugyog ng balikat. "Ano ba!! Maaga pa ah!"

Nakarinig siya ng tawa. Tiningnan niya ng masama iyon. "Ginising kita dahil tanghalian na at hindi ka pa naman nag-agahan."

Napilitan siyang tumayo. Sa kusina ay naroon ang pangtatlong lamesa. Naroroon ang mga pagkain. Mabilis siyang umupo at nagsimulang kumain. "Ikaw ang nagluto?" Tanong niya rito habang ngumunguya. Tumango naman ang asawa niya.

"Masarap.. Kumain ka na,"

Pagkatapos nilang kumain ay nakaupo pa rin si eppo at nangalumbaba sa mesang ngayon na malinis. Naghuhugas naman si Rod.

Habang nakatingin Kay Rod na naghuhugas ay naisip niyang dapat pala siyang magpasalamat dito dahil kung hindi sila ikinasal at pinalayas siya ng ama ay wala siyang mapupuntahan. At dapat siyang maging mabait dito, buntis na nga siya sa ibang lalaki siya pa ang maldita.. Pero ginusto ko bang makasal sa kana?! Napaling siya sa naisip.

Natapos na itong maghugas kaya humarap na ito sa kanya. "Salamat." Iyon lang sinabi niya at tumayo, pumasok sa kwarto. Umupo siya sa kama.

Maya-maya lang ay pumasok na si Rod. "Ilang buwan na ang pinagbubutis mo? " tanong nito at naupo sa tabi niya.

"Tatlong buwan na. " tumango ito.

"Kung ganoon ay hindi ka na muna papasok sa susunod semester dahil lalaki na ang tiyan mo noon at bukas papacheck up ka, sasamahan kita para maka-take ka ng vitamins para siguradong malusog si baby..." Sabi nito.

Tumitig si eppo rito upang masigurong totohanin nito ang sinasabi. Hindi ito kumurap.

"Totoo ba iyang sinasabi mo?" Naninigurong wika niya.

Nakangiti itong tumango. Nag-aalangan niya itong niyakap bilang malaking pasasalamat. Ganoon rin ang ginawa nito.

"Mula ngayon susubukan kong maging mabait sayo hanggat maganda rin ang pakikitungo mo sa akin"

"Makaka-asa ka."