webnovel

Chapter 4 : Welcome back in Guidance Office

Bliss Joy's POV

Siguro nakonsensiya si sir. Well, dapat lang.

"Oy be, hintay!" Sigaw ni Matthew sa akin na nakasunod pa rin.

Nakarating na kami sa canteen at buti na lang, walang masyadong estudyante dito.

"Excuse me po, pwede po kay Ate Lina?" Tanong ko sa isang babae.

"Ako 'yun iha, ikaw ba si Bliss Joy Laurent?" Tanong sa akin ni Ate Lina. Aba talaga, bakit alam niya kung sinong nilalang ako?

"Eto pala ang pinabibigay ng teacher mo." Nakangiting sabi sa akin ni ate Lina habang inaabot ang bag.

"Ayieeee ikaw ha, inuunahan mo pa ako kay Fafa TJ." Kinikilig na asar sa akin ng gwapong vaklang 'to .

"Hoy, manahimik ka nga! Baka may ibang makarinig sa'yo. Saka anong TJ ka diyan ha! May sarili ka pang tawag."

"Umamin ka muna vakla!"

"Wala akong aaminin vakla, manahimik ka!"

"Huy ano ba, baka may ibang makarinig sa'yo. Ang hirap kaya maging gwapong bakla. So back to the topic, so ano nga?"

"Anong ano nga? Wala nga 'yun. May atraso kaya siya sa'kin." Sabagay, may point si sir. Kasalanan ko naman kung bakit ako basang basa dahil naiwan ko ang payong ko and 'di naman niya kasalanan kung bakit wala akong dala. Nakokonsensiya na tuloy ako jusme. Meron pa pala akong konsensiya. Malaking himala.

Nagpalit muna ako ng damit at hinintay ako ni Matt sa bench malapit sa court. Infairness naman sa damit, dark blue na pants and nagfafade na color blue na sweat shirt tapos may kasama pang white sandals. Kumpleto talaga. P.S., clothes for women lahat at hindi panlalaki. Hindi kaya magkapareho si Matt at si Sir Tristan? Except sa puro color blue, hindi kaya...nevermind. Masyado nang dumarami ang gwapong vakla.

"...and 'yun na ang nangyari." Pagtatapos ko sa pagkukwento kay Matt tungkol sa nangyari bago ako makapasok ng school. Kilig na kilig ang vaklang twoo.

"Sana ako na lang 'yung payong." Sabi ni Matt na parang naghuhugis puso ang magkabilang mata. Infairness, may kamukha na siyang emoji.

***

"Sir, siya 'yun!" Sigaw ng babae na nakaturo pa sa akin. Ay pashnea! Kaklase pala namin 'tong si Vaness. Teka lang, bakit naman niya kasama si Sir Demon, ay este si Sir Tristan.

Tokwa ka Sir Tristan! Bakit ka nakatitig sakin tapos napunta sa suot ko. Baka singilin niya ako sa suot-suot ko. Pamasahe pa lang naman dala ko ngayon.

"Bliss Joy, go to the Guidance Office right now with Vaness. I'll follow you guys there. I just need to go back in the faculty." Walang kaemo-emosyong sabi ni sir.

"Sasama ako." Presenta ni Matt.

"Are you sure Matt?" Pacute na tanong ni Vaness. Ako kaya ang kausap ni Matt at hindi siya.

Hindi na sumagot si Matt at patago na lang na tumaray.

Kinakabahan ako sa mga oras na 'to. Baka bugahan na naman ako ng apoy ni Tatay Ferd. I'm dead. Si Mr. Ferd ang principal namin mula nang mag-high school ako.

Habang naglalakad, biglang hinawakan ni Matt ang kamay ko. Aba! Kahit bakla, papatulan ko 'to. Joke. Obvious naman na inaasar lang niya si Vaness. Kung alam lang talaga ni Vaness, baka bigla 'tong masuka.

"Vaness, ano bang isyu dito at nadamay ako?" Kalmado kong tanong sa kaniya.

"Maghintay ka at malalaman mo din mamaya!" Taray ng sagot, tsk.

Pagkakatok namin sa pintuan ng guidance office...

"Goodmorning students! Especially you, Ms. Bliss Joy Laurent...Welcome Back!" Nakakatakot siya bumati. Baka 'di pa ako makagraduate nito ah.

Ano ba talagang meron? Wala naman akong ginagawang kalokohan ah.

"Sir, si BJ pu 'yon." - Vaness

"T-teka, wala naman akong ginagawa ah." Sabi ko.

Hindi kaya...

Hindi kaya sa kaniya 'tong damit!? T-tapos, ninakaw lang pala 'to ni Sir Tristan kay Vaness!?

"K-kung gusto mo, huhubarin ko na 'tong damit. Susuotin ko na lang ulit yung basa kong uniform." Sabi ko.

"What are you saying Ms.Laurent? The issue here is, did you really put your chewed bubble gum in Ms. Madrigal's hair?"

Ipinakita ni Vaness ang parte ng kaniyang buhok na may bubble gum. Aba! eh hindi ko nga matandaan kung kailan ako huling ngumuya ng bubble gum eh.

"V-vaness, hindi ko naman magagawa 'yan saka hindi nga ako lumalapit sa'yo eh." Nag-paawang effect pa ako.

"Anong hindi lumalapit! Pinuntahan mo pa nga ako sa cr. Naghihilamos ako tapos bigla mong dinikit 'yung bubble gum sa buhok ko!" Inis na sagot sa akin ni Vaness.

"Oy, nagbihis lang ako tapos uma-..." Natigil ako sa pagsasalita nang biglang sumagot si Matt.

"S-sir, ako po 'yung nagdikit ng bubble gum." -Matt

"Ano ka ba Matt. Sigurado akong hindi ikaw 'yun okay? Hindi mo magagawa 'yun and sa girls comfort room 'yun nangyari." Sabi ng demonya na naging mala-anghel ang boses.

"Ako nga talaga naglagay sa buhok mo ng bubble gum." Mababang tono ng pagkakasabi ni Matt.

Biglang may kumatok at pumasok si Sir Tristan.

"Mr. Richards, could you please handle this situation? I have an appointment right now." - Mr. Ferd

"Sure Mr. Ferd." Magalang na sabi ni Sir Tristan.

Well, saved by the bell! Hindi ako nabugahan ng apoy!

"I'm sorry Vaness." Sabi ni Matt. Sus, ang plastik mo vakla!

"Ang kulit mo naman Matthew eh." Mababang tono na pagkakasabi ni Vaness.

"Vanessa Madrigal, are you sure of your allegations?" - Sir Tristan

"Yes sir!" - Vaness

"Bliss Joy Laurent, did you?" - Sir Tristan

"Of course not, sir." - Ako.

"S-sir, ako po talaga." - Matt

"Don't believe him sir." -Vaness

"Yes, please don't." - Ako. Pati ako napapa-English. Hindi magagawa ni Matt 'yun dahil dumiretso siya sa bench para hintayin ako magbihis.

"Well, wala ka pa namang evidence Vaness, I think, you guys should go home now. The weather is not good. Cool down yourselves." - Sir Tristan

"O-ok sir." - Vaness. Ang sama pa ng tingin sa akin bago siya lumabas ng pinto.

Tatayo na sana kami ni Matt nang biglang...

"Stay, Bliss Joy." Sabi ni sir.

"Hintayin na lang kita sa bench BJ ah." Nakangiting sabi sa akin ni Matt at kumindat pa 'tong si vakla!

"B-bakit po sir?." Tanong ko sa kaniya. Hindi ako makatitig sa mata niya. Nakakahiya!

"Buti at nakuha mo na yan kay Ate Lina."

"Ay oo nga po pala sir. Thank You! Ibabalik ko na lang po bukas." - Ako

"No. Take it. That's yours now." Sabi ni sir Tristan kung saan buong-buo and boses niya.

"Sir, pwede ko naman pong labhan tapos i..."

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Umuwi ka na. Goodbye." - Sir Tristan

"Sige po sir, una na po ako. Ingat." - Ako

Papalabas na ako ng pinto nang maisip ko kung saan ko nailagay ang necklace na napulot ko kanina. Naalala ko na nailagay ko ito sa bulsa ng aking pantalon ngunit nahulog ito nang aking pagkakuha.

Bago ko pa makuha, nauna na itong pulutin ni Sir Tristan. Iaabot na sana niya ito sa akin ng bigla siyang natigilan ng ilang segundo.