webnovel

Chapter 3 : TJR

Bliss Joy's POV

Good news, waterproof ang bag ko.

Bad news, ako ang hindi waterproof.

Anak ng tokwa naman! Paano na ako nito. Malalate na 'ko. Nakakainis!

Bakit ko pa kasi nalimutan ang payong ko. Kapag 'di ko kailangan, saka ko dala-dala, kapag kailangan naman, saka ko naman naiiwan sa bahay.

Nakasilong ako ngayon sa waiting area at napakalapit na lang sa kanto ng school namin but still, basang basa na ako bago pa makasilong.

May napulot ako dito sa waiting area na necklace na may nakalagay na TJR. Sayang naman, baka schoolmate or classmate ko ang may-ari.

Mukhang may nahulog na anghel ngayon ah. Alam ko na! Makikisuyo na lang din ako kay kuyang naka-blue. Mukhang gentleman. May isinakay muna siyang babae bago tuluyang maglakad.

Lumapit ako sa kanya at nagtanong.

"Uhmmm...kuya, pwedeng makisuyo? Makikipayong ho sana ako hanggang sa gate lang ng school namin."

Seryoso lang na nakatingin sa akin ang lalaking naka-asul na polo.

"Bakit pa kita papayungan kung basa ka na rin? Nonsense." Seryosong sagot ng lalaki.

"Eh k-kasi kuya please na. Basang basa na 'ko oh." With matching pa cute pa 'yan ah.

"Atleast ikaw ang basa, kaysa naman sa mga dala mo 'di ba?"

At tuluyan na ngang naglakad ang lalaki papalayo. Napanganga na lang ako sa kawalan. Ganun ba talaga ako kapangit huh? Kapag sexy, isinakay niya, pero noong ako na ang makikipayong...anak ng tokwa! May araw ka din sakin! Akala ko pa naman anghel...demonyo pala ughhh!

***

"Anyare sa'yo be?" Tanong sakin ni Matthew na pigil na pigil pa ang tawa.

"Nag-swimming ako." Sarcastic kong sagot.

"Tsk. Dapat nag-swimming ka kapag tapos na ang klase HAHAHA! 'Di ka man lang nag-aya."

Aba, medyo close ko na rin 'tong lalaking 'to since kahapon. Real quick.

"Guys! May good news ako!" Sigaw ng isa naming kaklase. Mukhang mapupunit na ang mukha nito sa sobrang saya.

"Suspended na ang pasok!"

At biglang nag slow motion ang paligid.

Napakarami kong pinagdaanan bago makapasok at nilabanan ang hagupit ng ulan tapos suspended pala!

Makalipas ang ilang minuto, biglang tumahimik ang masayang classroom. Nag- transform ang mga kaklase ko at bumalik sa kani-kanilang upuan.

"What section is this?" Sabi ng teacher na dumating.

"S-section 1 p-po sir." Nanginginig na sabi ng kaklase kong ubod ng kapal ng make up ang mukha.

Aba, kung minamalas ka nga naman, siya 'yung demonyo kanina na akala ko anghel. Self kalma, 'di ka pwedeng bumagsak ngayon. Teacher 'yan oh, respect him, self.

"Well, it doesn't mean na suspended ang klase, you can now enjoy the rest of the day. You guys are still inside this room, inside this school. Hindi pwedeng pauwiin na lang kayo basta basta so now, introduce yourself to me first then we will proceed to our activity." Sabi ng teacher ko na masungit. Naka-polo na blue, salamin, at dala ang kanyang transparent umbrella. Ang cute...ng umbrella, hindi 'yung may-ari ah.

Aabsent absent siya kahapon, first day of school tas may biglaang activity.

Wait...did I just hear "Introduce Yourself"? What the fluck!

"Uy be, ikaw na sunod sa akin. Kanina ka pa tulaley diyan. Ang gwapo ni sir noh?" Mahinang bulong sa akin ni Matthew. Sabi na ba eh, may something talaga sa Matthew na 'to.

"A pleasure morning to you sir, I'm Matthew Sanchez, 17 years of age, sir!" Lalaking lalaki boses diyan ni Matt ah. 'Pag ako kaharap, mas babae pa sakin.

Fluck! Ako na sunod and last sa last sa last na student sa room na 'to.

"H-hello sir. I'm B-bliss J-joy Laurent, 19 y-years old." Halata kayang kinakabahan ako?

"Mukhang naabutan ka ng malakas na ulan Ms.Laurent. Sa susunod, huwag mong kalilimutan magdala ng payong, dahil hindi ka naman waterproof tulad ng bag mo." May halong nakakainis na ngiti sabi ni sir.

Tokwa! Pinagtatawanan na ako dito sa room. Nakisali pa 'tong si Matthew. Nakakahiya. Gusto kong maging invisible sa mga oras na 'to. Sumbong ko kaya 'to sa DepEd.

"Class, let me introduce myself. I'm Mr. Tristan Jace Richards, your teacher in Literature. You can call me Mr. or Sir Richards. Let's just proceed our activity tomorrow."

At tuluyan nang lumabas si Sir Demon at maya- maya ay may dumating na teacher para sabihin na pwede nang umuwi ang mga estudyante.

Bigla akong may na-receive na message. Number lang ang nakalagay.

"Change your clothes. You can claim it kay Ate Lina sa canteen."

"Uy be, sino 'yan?" Sinisiksik na ako dito ni Matthew sa pader. Aba, kahit gwapo, 'di ako papalinlang sa'yo!

"Hoy, ikaw ba 'tong nagtext sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Hoy ka rin, bakit naman kita itetext, eh magkatabi lang tayo." Sagot sa akin ni Matthew na tuloy tuloy lang sa pag nguya.

Tinanong ko siya kung hindi ba talaga siya nagbibiro.

"Duhh, why would I do that." Aba! Tinaasan pa ako ng kilay.

Didiretso na nga akong canteen. Mukhang siya ang nag-text sa akin pero paano naman niya nalaman number ko? Bahala na nga.