webnovel

Chapter 19 First Day

LUNCHBREAK, at wala raw professor sa first subject ngayong hapon. Naglalakad ako papunta sa library para doon matulog nang may mapadaan na naghahabulan sa harap ko.

Usually, I ignore others' business but I don't know why I have this sudden urge to look at them. At that moment, I wish I didn't look. I should've ignored them because the pain is still here.

Even with those thick eyeglasses on and messy hair, I can still see her beauty. It's like I fell in love again for the first time. Tsk! What am I saying? Fell in love again for the first time? I should add this scene to my next chapter.

Lumayo na ako sa kanila at dumeretso na lang sa library. Nasa katabing building iyon. Sa pagitan ng dalawang building ay may madadaanan na maliit na eskinita. Inaasahan ko na na may nag-aabang na siga, kaya chill lang ako kung maglakad.

Sa likod ko ay may narinig akong nag-uusap na mga lalaki.

"Hey, Bro. Barkada tayo, di ba? Bakit nang-iiwan ka?"

"Seen zone."

"Tanga, ignore zone."

Ang ingay nila.

"Sino nagbigay ng permiso sa inyo na kausapin ang tauhan ko?"

Mayamaya ay may lumitaw na lalaki mula sa eskinita.

"Errand boy pala siya ng kinatatakutan sa campus. Keep distance na tayo, bro."

Hindi ko na sila inintindi pa at dire-diretso lang ako sa paglalakad. Inaantok na rin ako.

"Hoy, wala pang kahit sino ang pumapalag sa boss namin. Magbigay-galang ka. Trip ka ngayon ng boss namin kaya pasalamat ka at hindi niya pa binabasag iyang walan kwenta mong bungo."

Ako pala ang kinakausap nila. Mga sira-ulo nga naman. Malaki at nakakatakot lang ang mukha ng boss nila. Perfect for the description "kinakatakutan." Nakakatakot nga naman talaga. May pilat pa sa noo niya.

Huminga ako ng malalim. "Thank you," sabi ko at bahagya pa akong yumuko sa harap ng boss nila.

Ayaw ko tingnan ng matagal ang mukha ng boss nila, nasusuka ako. Tumalikod na ako at maglalakad na sana palayo nang harangin ako ng isa sa mga alagad kuno niya.

"Aba't! Wala kang respeto ha? Naghahanap ka yata ng sakit sa katawan. Nagpapakabait sa iyo si Boss, tapos tatalikuran mo na parang wala lang?" Dinuro niya sa akin ang hawak niyang kahoy.

"Kailangan ko na umalis. Matutulog pa ako at magpupuyat ako mamayang gabi," sagot ko.

Totoo naman. Magdamag akong magsusulat mamayang gabi kaya hangga't may oras ako para magpahinga ngayon, kailangan kong i-grab iyon. Mawawalan ako ng fans kung hindi ako mag-a-update mamaya.

Mahirap na kung papatulan ko pa ang kakitidan ng utak ng mga ito.

"Sasagot ka pa talaga?"

Siguro, tingin ng mga ito sa akin ay lampa at hindi kayang protektahan ang sarili. Sa mga anime, madalas kong napapanood na mga nerd at mapag-isang tao ang binu-bully ng mga mukhang unggoy sa kanto.

I can't blame these guys if that is how they see me. Nakasalamin din ako at mag-isang naglalakad. Napa-iling na lang ako.

Dahil sa ginawa ay lalong nainis ang lalaking nasa harap ko. Sinugod niya ako ng suntok na agad ko namang naiwasan.

Napakabobo. May hawak na kahoy, bakit hindi iyon ang ginamit niya. Hindi sa gusto kong mabugbog ng wala sa oras. Wala silang laban sa akin.

Tinanggal ko ang salamin ko at isinilid iyon sa lalagyan. Baka mabasag, mahal ang pagkakabili ko nito. Namulsahan ako at saka ko sinipa sa sikmura ang lalaki.

I'm kinda having an adrenaline rush. Bigla ay nagflash sa mata ko ang scenes ni Black Leg Sanji ng One Piece habang nakikipaglaban. Idol na idol ko siya. Ang fighting style niya ang pinag-aralan ko matapos akong mabugbog ng kuya ng ex ko.

Winaksi ko na iyon sa isip ko at tinuon ang pansin sa mga lalaking ito.

Pagkatapos ng ilang minutong pakikipagbasag-ulo sa mga ito, may dumating na guard kasama ng dalawang lalaki.

"Bro, ayos ka lang?" tanong ng isa.

Parang gusto ko barahin. Ni hindi nga ako nagalusan man lang ng mga ito, natural ayos na ayos ako.

"Good thing we knew them. Baka mamaya, napatay ka ng mga iyon," sabi pa ng isa.

Tumango na lang ako sa kanila. Gusto ko nang matulog. Siguro, uuwi na lang ako at hindi na papasok sa natitirang subject ngayong hapon. Nagsimula na akong maglakad at tinungo ang direksyon ng main gate.

"Oo nga pala, bakit ngayon ka lang pumasok? Two weeks na ha?"

Hindi pa rin pala nila ako nilulubayan.

"Busy," tipid na sagot ko.

"Ok. Oo nga pala, Gray Anderson."

Inabot ko ang kamay niya. "John Kenneth Guzman."

"Ako si Kim Chan."

Ngayon na nagpakilala kami sa isa't isa, malaya kong tiningnan ang mga mukha nila. From their names to their physical appearance, they are foreigners.

"Bro, ako nang sasagot sa tanong na hindi mo maitanong," sabi ni Gray. "FilAm ako. Si Kim naman, pure Chinese pero dito na sa Pilipinas lumaki kaya mas alam ang language natin kaysa language nila. Kaya kung ako sa iyo, huwag kang magpaturo-"

"Ok," putol ko sa sinasabi niya.

"Do you have any plans tonight? Gimmick tayo," yaya ni Kim.

"Nah, I'm good. May gagawin ako mamaya. Baka next time na lang," sagot ko.

"Ok." Tila nanlulumo na yumuko si Kim.

Para namang bata ito na unang beses pinagtabuyan ng kalaro.

"Mauna na ako."

"Ang swerte mo ngayon. Walang pasok sa buong hapon iyong first day mo," natatawang sabi ni Gray.

That's good to hear.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila. Narinig ko pa ang sinabi ni Kim.

"Niyaya mo dapat sa cosplay convention…"

Cosplay, huh?

Matagal-tagal ko nang hindi nagagawa ito mula nang pumasok ako sa isang relasyon. Ayaw ko kasi malaman niya na nagko-cosplay ako at karamihan sa costume ko, pangbabae. At isa pa, ayaw ko rin na malaman niya ang talents ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit.

Maybe because I want to remain as a mysterious writer and a cosplayer.

Ngayon na single ako, siguro pwede ko na ma-enjoy ang mga bagay na madalas kong ginagawa dati.

Pupunta ako para makapagrelax. Pagkatapos doon ay mamimili na rin ako ng merchandise.

"Human-size Sanji kaya?"