webnovel

Chapter 11

ANG SAKIT ng ulo ko. Parang binibiyak hanggang sa mata ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Medyo malabo ang nakikita ko kaya hinayaan ko muna na mag-adjust sa liwanang ang mata ko. Nang luminaw na ang paningin ko, saka ko linibot ng tingin ang paligid.

Nasa hindi pamilyar na kwarto ako. Black and white ang motif. From the ceiling, walls, and furnitures- nakakatakot naman yata kung sino man ang may-ari nito.

Mayamaya ay nakarinig ako ng mahinang katok. Paglingon ko sa pinto, bukas iyon at nakatayo ang isang masterpiece- si Liam.

Natakot ako bigla sa mga tingin na binibigay niya. He looks like he just corner a prey and ready to devour it.

Damn!

Wala sa sariling nagtago ako sa malambot at makapal na kumot.

Katangahan!

Ngunit makalipas ng halos dalawang minute, wala akong narinig na ingay. Nagulat na lang ako nang mabilis tanggalin ni Liam ang kumot. Nagpakawala pa ako ng impit na tili na lalong nagdagdag sa kahihiyan na ginagawa ko ngayon.

"You sounded weird. And besides, instead of what happened after you woke up, you hide. Are you dumb? Or simply an idiot?" tanong niya at binuksan ang bintana.

"I am simply an idiot," I said as I cover my eyes dahil sa nakakasilaw na liwanang mula sa labas.

"You and your stupid sarcasm. Are you hungry?"

Pumunta naman sa kanyang closet si Liam at kumuha ng isang robe. Binato niya iyon sa akin. "Get dress."

Kunot noong bumaba ang tingin ko sa katawan ko. I am wearing an oversized white T-shirt. I can't feel any undies underneath.

"Who-" My eyes are widened and look at Liam, "what did you do to me?!"

"Breakfast is ready," sabi niya at tinungo ang pinto.

"Wait!" pigil ko sa pag-alis niya nang may maalala ako. "Where's Lei?"

Bigla ay naalala ko ang mga ginawa namin kahapon- nag-shopping, at nag-bar.

Oh my gosh, galit si Liam for sure!

Galit sa hindi naman kasi itong lalaking ito, pareho lang ang facial expression. Hindi ko siya maintindihan.

"She's in the hospital. She inhaled too much smoke at the bar last night." Sinara niya ang pinto at lumapit sa akin.

Alam ko na headboard na ang nasa likod ko pero sinubukan ko pa ring umatras. Nakakatakot talaga siya.

Ang mga mata niyang walang kabuhay-buhay, dagdag pa ang lumalabas na ugat sa may noo niya, pati na sa mga braso niya- I can't handle his domineering presence and arrogance.

"L-Liam?"

Hinawakan niya ang baba ko at sapilitang tinaas ang mukha ko para magka-level kami. Naramdaman ko na biglang uminit ang skin ko na hawak niya.

"This will be the first and last time you're going to cross the boundary, Princess. You are her sister and I expect you to take good care of her, but you brought her to filthy places instead. What has gotten into you, huh?"

Humigpit ang hawak niya. Kahit hindi direkta sa leeg ko ang kamay niya, pakiramdam ko nasasakal ako.

"Liam, listen," I managed to say kahit sobrang takot ako na magsalita ngayon.

Marahas niya akong binitawan. "Don't apologize and recite your empty excuses. You better get lost than say you're sorry."

Nakayuko lang ako habang dinadamdam ang mga sinabi ng sarili kong fiancé.

What's wrong with my parents? Why did they leave me with this kind of guy? Oo, gwapo siya, pero iyon lang ang mayroon siya. He's a monster!

Pakiramdam ko sa mga ginawa niya, wala akong silbi. Na dagdag lang sa problema. And everything that will come out from my mouth are total nonsense. He's not even willing to know why we did that.

Pero mali ko rin naman talaga. Tanggap ko naman. I just want to apologize. Pero…

"What are you doing? Do you want me to drag you out of the bed and bath you?"

Pigil ko ang hagulgol na gusto nang kumawala mula sa mga labi ko. Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang bathroom.

Nakahanda na ang bathtub. May maligamgam na tubig at scented pa. May twalya sa rack. Pinatong ko roon ang robe na hawak ko at naligo na. Nang matapos ako magshower ay nagbabad na ako sa bathtub.

Masyado akong nabibilisan sa mga pangyayari. It was just a few days ago when my parents decided to leave me with Liam. Ang original plan ay kapag twenty na ako at officially engaged na kami. Napaaga lang dahil sa mga kalokohan nila.

And I am the one to suffer. Pakiramdam ko, pinanganak nila ako para gawing investment.

Tama si Liam. Magsumbong man ako sa parents ko, wala silang gagawin para sa akin. Matagal na nila akong binitawan.

Wala akong kakampi.

Mag-isa lang ako.

Tapos ang kaibigan ko, nilagay ko pa sa ganoong sitwasyon. Why is she in the hospital anyway?

"How long are you going to stay there?"

Napatayo ako sa gulat nang magsalita sa may pinto si Liam. He's inside the bathroom!

Hello? Naliligo po ako?

Gusto ko siyang tarayan at pagsalitaan ngayon for invading my private space, pero wala rin akong kayang gawin.

Hindi ko na inabala pa na magtago ulit. I just got out of the bathtub, go straight to the door where the towel and robe is, and cover my body in front of him.

Kahit nahihiya ako dahil tila ba hindi apekatdo sa ganda ng katawan ko si Liam, nanahimik na lang ako. Wala man lang kasi siyang pinakitang reaksyon, ni paglunok, pagtikhim o kahit paghinga nang malalim, hindi niya ginawa.

Ganoon ba kawalang interes sa babae ang lalaking ito? Is he a gay for real?

I walk pass through him. Sa kama, tumambad sa akin ang plain white summer dress and pair of undies. Sinukat ko ang dress at umabot hanggang tuhod. Napansin ko rin na straight cut siya at wala man lang ka-design-design. I'm kind of disappointed with his choice.

Kasama namin ang mga kapatid niya at pagmumukhain niya akong bata with this?

"Not to your taste?" tanong niya.

"Mas gugustuhin ko pa magsuot ng cowgirl-outfit kaysa rito."

"But Lei loves to wear those."

Do I have to explain the difference between woman's wear to him? I can't even call this thing elegant. At hindi rin ganito ang mga damit ni Lei.