webnovel

Chapter 10

FIRST RING and Kuya Liam picked up the call. Nakarinig pa ako ng mga ingay sa kabilang linya na tila may nagwawala.

"Where the heck are you? Your Kuya Nico is very pissed. He's breaking every glass here because of the thought that you were abducted!"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Kuya. I feel like he is just acting.

"You're terrible at acting Kuya Liam." Narinig kong sabi ni Kuya Nico.

"Piss off. Asikasuhin mo si Lei."

"Yeah, unahin mo iyang babae mo bago ang kapatid mo."

Narinig ko ang pag-uusap nila. Now I'm guilty.

"Where are you, Lei? I'll pick you up."

"Kuya, I'm so sorry kung hindi ako nagpaalam. Akala ko madali lang kaming matatapos ni Vyra sa pagsyo-shopping."

"So you were together. That's good to hear. Humingi na ng tulong sa mga pulis at nagpakalat ng search and rescue team si Kuya Liam."

"Shut the fuvk up, bro. Where are you, Lei? We'll get you."

Hindi ko alam kung anong isasagot. "Ahm, I'm not sure where this place is. Vyra drove us here. Can you at least track her GPS? My phone is- oh shit! Bakit ngayon ka pa namatay?"

Tumingin ako kay Vyra na hindi na kaya ang ulo niya. Nagpagewang-gewang pa kaya isinandal ko na iyon sa balikat ko. Kinuha ko na rin ang bag niya at naghalungkat. Nakita ko naman agad ang phone niya pero naka-off.

"Sana may battery pa ito."

I turned it on and thank god, it's full. Mukha yatang wala siyang planong makipag-communicate kay Kuya para i-off ito maghapon.

I was browsing on her phone para hanapin ang number ng beloved fiancé niya pero may biglang tumawag. The caller's name is Bakla.

Shit, this is not the time para makipagchikahan. I rejected the call pero tumawag ulit. Biglang kumulo ang dugo ko. Sinagot ko na lang iyon at pataray na kinausap.

"Hello, Vyra is not available at the moment, so fuvk off-"

"Ashene Lei, it's me, Liam."

Shit!

Gusto kong tumawa pero narinig ni Kuya na nagmura ako so I have to shut my own mouth na.

"Hey, stay where you are. We're on our way."

"Please be safe, you stubborn sister. I assume you're in a bar by that freaking background. Punch anyone who tried to approach you. Until we get there, try to be safe."

"Thanks, mga Kuya. Ingat po kayo sa byahe," sabi ko na lang. Kailangan kong magpakabait, baka sakali lang naman na mabawasan ang galit nila.

"What is Elvyra doing?" tanong ni Kuya Liam.

Oh, nakalimutan ko. Tumingin ako sa gilid ko kung saan dapat natutulog si Vyra, pero wala na siya. Nakita ko siya na sumasayaw at may kasamang ibang lalaki.

Shit!

"Lei, what's going on? Where's Elvyra?"

I click the end call button at dali-daling lumapit kay Vyra. Tinulak ko nang malakas ang lalaki.

"Get your hands off of her, jerk!"

Hinawakan ko ang kamay ni Vyra at hinila pabalik sa table namin. Kinuha ko ang mga bag namin at akmang aalis nang harangin kami ng lalaki.

"I think I like you more than that drunken lady. Palaban," sabi ng lalaki at nakakadiring dumila pa siya.

"Excuse me? You're not my type so get lost!" sigaw ko sa lalaki.

I tried to hide my fear because if I didn't, I feel like I will end up being ripped into shreds.

Kuya, nasaan na kayo? Bilisan niyo!

Kahit nahihirapan ako sa babaeng ito, pinilit kong makalusot sa nagsisiksikan na mga tao sa dance floor. Disco lang ang drama nila.

"Vyra, get a hold of yourself, will you? Walk properly! Iinom-inom kasi hindi naman pala kaya."

Nakikita ko na ang pinto palabas. Nabuhayan ako. Kaunti na lang, makakalaya na ako sa lugar na ito. Pero hindi iyon ganoon kadali. May mga naninigarilyo sa malapit sa pinto.

Bawal ako sa sigarilyo. Mahina ang baga ko sa mga ganito.

Naramdaman ko na tila masusuka ako. Nauubo na rin ako.

"Vyra, help me here!"

Hindi pa rin tumitigil ang pag-ubo ko hanggang sa makalabas kami ng bar. Iyong akala ko na magiging ok na ang lahat after I open this door, hindi pala.

Umuulan sa labas.

At mayroon pang mga naghahalikan at naninigarilyo.

A sudden realization come to me. Kung dati ay palaging narito si Vyra kasama ang mga friends niya raw at ganito siya kapag nalalasing, sino ang nag-aasikaso sa kanya?

Katulad din ba siya ng mga babaeng ito na lantadan kung makipaghalikan?

I want to leave her here. Ngayon pa lang pinagsisisihan ko na, na nakilala ko siya. She's not really my Kuya's girl. Scratch that, ayaw kong maging parte siya ng pamilya ko.

"Lei…"

Humihikbi na bumulong sa tainga ko si Vyra.

"I'm sorry…"

"What for, bitch?" asik ko sa kanya. Nahimasmasan na kaya siya?

"My friends used to leave me here. They don't like how conservative I was, kaya iniiwan nila ako sa mga lalaki rito. But your Kuya Liam was always there for me. We've known each other bago pa…"

Nahihilo na ako, hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya.

"He told me to leave you alone but you are my future sister-in-law. How could I leave you, di ba?"

I just want to get out of here. Hindi ko namalayan, naglalakad na ako sa ulan habang nagsasalita si Vyra. Nakaakbay pa rin siya sa akin at ginawa akong alalay.

"Bitch, walk straight," I manage to say kahit lumalabo na ang paningin ko. Basta nakatuon lang ang mga mata ko sa kotse.

Lumalamig na rin ang pakiramdam ko. Siguro dahil basang basa na kami ng ulan at malakas ang hangin na mula sa dagat.

Punyeta, nakakabobong kasama ito si Vyra.

Sa kagustuhan ko na makalayo na sa lugar dahil sa mga usok at mga lalaking bastos, sinuong ko ang ulan.

Well, kung may mangyari man na masama sa akin, I am not left to suffer alone. Gaya ng sabi ni Vyra, I'm a devil.

Nang makarating kami sa kotse, sinandal ko si Vyra doon. I absentmindedly search for the car keys in her bag.

I wonder how and why, but I found myself drifting to sleep as I lay my head on the backrest.