webnovel

Mala – Diyos Na Pag - Arte

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sinong nagsabi sa iyong maging mabilis, mabisa at walang awa?" nagtaas ng hinlalaki si Tang Jingxuan kay Tangning bago ito naupo sa sofa at nagpatuloy, "Nanood ako ng 'W.H.' sis, ikaw ay kahanga hanga."

"Wala akong maisip na kahit sinuman sa mundong ito, ang mas aangkop na maging aktres kaysa sa iyo. Pinanood ko rin ang ibang pelikula na ipinalalabas, at sa totoo lang, kahit na ang ibang pangunahing bidang babae ay hindi naman masama, sila ay hindi kasing kahanga hanga mo."

"Sinasabi mo ba ito dahil ako ay iyong kapatid?" wala sa loob na napakunot ng noo si Tangning.

"Ito ang aking totoong pinaniniwalaan."

Hindi pa napapanood ni Tangning ang kumpletong pelikula, kaya hindi siya makaugnay sa sinasabi nito.

"Hindi mo pa rin iyon napapanood? Pagkatapos mo iyong mapanood, tiyak na makukumbinsi mo na ang iyong sarili."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com