webnovel

Kung Gusto Mong Samantalahin Ang Sitwasyon Upang Palaguin Ang Iyong Karera

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Luo Xing…"

Nang mga oras na iyon, tumalikod na si Tang Jingxuan at hindi na muli pang lumingon. Ang isang relasyon ay nakakapagod at kailangan na muna talaga niyang magpahinga.

Pinanood na lamang ni Song Yanshu ang pag alis ni Tang Jingxuan, ngunit wala siya sa posisyon na pigilan pa ito. Siya ay isang tao na walang saysay para kay Tang Jingxuan. Kung siya ay kikilalanin bilang isang bagay, ito ay bilang isa lamang dating manager.

...

Pumasok mag isa si Tang Jingxuan sa underground carpark. Habang naglalakad, nakita niya si Yi Jie at ang kanyang manager, ito ang mga kausap niya kanina lamang.

"Luo Xing, may oras ka ba upang makipag inuman?"

"Paumanhin Yi Jie, marahil sa ibang pagkakataon?" pagtanggi ni Tang Jingxuan.

"Hindi ka ba natatakot na baka magsimula na naman akong muli ng gulo para sa dati mong manager?" nagbigay ng mapagmataas na ngiti si Yi Jie, "Isang baso lang naman… pangako ko…"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com