webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Kailangan Kasama Ako!

Lumipas ang dalawang buwan.

Nagulat si Eunice sa isang bisitang matagal na pa lang gustong gusto syang makita at makausap.

Si Prince Tobias.

Ginawa nito ang lahat ng paraan para matunton nya si Eunice kaya sa huli napapayag na rin nya ito.

Kilala ni Eunice si Prince Tobias sa mga kwento ni Kate at Mel pero ito ang unang beses na maghaharap sila kaya hindi pumayag si AJ na hindi sya kasama.

'Mahirap na, pogi daw yung Prinsipe sabi ni Mel Buddy ko!'

Sa isang resort malayo sa Maynila sila nag meet.

"Prince Tobias, may I know why are you looking for me?"

Agad na tanong ni Eunice matapos silang magpakilala sa isa't isa.

Ayaw nya ng paliguy ligoy.

"Because Ms. Mayor, I need to talk to you about something."

"And may I know what is that something, Mr. Prince?"

"I heard from a friend that you still investigating Kate disappearance, I want to help!"

Naguguluhan si Eunice.

'Sino naman kaya yung friend nya na yun na sobrang kati ng dila?'

"Yes I am, Mr. Prince, but how will you help me?"

"The truth, I want to help from the very start. I owe Kate my life and I want to repay it, but my bodyguard .... "

Kita ang inis ng prinsipe ng maalala ang ginawa ng bodyguard nyang si Allun kaya hindi sya nakatulong.

Gumawa kasi ng paraan ang bodyguard nito at sinabing nasa dangerous situation ang Prinsipe kaya sapilitan syang inuwi. Naputol ang bakasyon nya at hindi pa nya natulungan si Kate.

Inis na inis sya sa bodyguard nyang iyon na ipinasama sa kanya ng kanyang ina kaya pag uwi ay ipinatalsik nya ito at pinarusahan.

Sinabi nya sa ama nya ang buong pangyayari at maging sya ay nainis din sa inasal ng bodyguard.

Hindi tama ang ginawa nitong pagdedesisyon at pag aksyon na hindi ipinaalam sa Prinsipe.

At hindi rin tama na gumawa sya ng kwento para lang manipulahin ang sitwasyon para mapasunod ang lahat sa gusto nitong mangyari.

Kaya ngayon, nagbalik sya ng Pilipinas para makatulong at tanging ang hari lang ang nakakaalam na umalis sya. Ipinasama ng hari sa kanya ang sarili nitong bodyguard para masigurong hindi ito malalagay muli sa alanganin.

"I understand that you want to help, Mr. Prince but I want to know how will you help me?"

"You see, Mayor Eunice, that moment when Kate went missing I am also here in your county.

I found out that my location is near the place where she fell off the cliff."

Biglang napukaw ang curiosity ni Eunice.

"Did you see something?"

"Well not exactly but ... our country have our own satellite in space and when I was here that time it was open and focus on this country specifically in that place."

"Oh!"

Namilog ang mga mata ni Eunice.

Nangiti naman si AJ na nasa tabi nya ng makita ang cute na expression ng kasintahan.

'She's so adorable!'

'And I think napukaw ang interes nya sa satellite.'

'Sana na lang huwag pumasok sa isip nya na gumawa ng isa!'

"These are the images that I got, hope it will help you for your investigation."

Sabi ni Prince Tobias.

Ibinigay nito kay Eunice ang mga aerial pictures ng nangyari nung araw na iyon.

At tumama lahat ang imbestigasyon ni Eunice maliban sa isang bagay na pumukaw ang atensyon nya.

"Do you have a video copy of this?"

Tanong ni Eunice na hindi maalis ang mga mata sa mga pictures.

"Yes I have."

Kinuha nito ang usb at iniabot kay Eunice.

"Thank you very very much Mr. Prince. This is really a big help!"

"Please find Kate, Ms. Mayor, please find her! I know she's alive, somewhere!"

"I will!"

Hindi mapigilan ni Eunice ang mapaiyak sa bagong impormasyon na nasa kamay nya ngayon.

"Thank you, thank you, Mr. Prince!"

At lumapit ito at umakap kay Prince Tobias.

Nagulat ang Prinsipe at napaakap din kay Eunice.

"Ehem!"

"Excuse me Mr. Prince but that's my fiancee!"

Nakataas ang kilay na sabi ni AJ.

"Oh, sorry! I ... forgot! Hehe!"

'Forgot ka dyan! Sapakin kita eh!'

Sabi ng isip ni AJ habang nakangiti sa Prinsipe.

Nangiti naman si Eunice sa pagjijelling ni AJ. Ngayon nya lang nakita ang side na ito ng boyfriend nya.

*****

Samantala.

Sa Sinag Island.

"Mel, mukhang ready ka na?"

Tanong ni Vicky na may halong pagaalala.

"Hindi ka na ba mapipigilan?"

Mabilis ang naging recovery ni Mel simula ng magbabad sya sa talon. Minsan nga duon na ito natutulog.

Sa tulong ni Vicky, nagawa na nyang makatayo at makalad sa loob ng dalawang buwan. Pero hindi pa bumabalik ang dati nyang lakas.

May kabagalan pa rin itong maglakad at kailangan pa ng saklay. Ganunpaman, malaking improvement pa rin.

"Alam kong nagaalala ka Ate Vicky pero kailangan kong maging ready .... para sa magiina ko!"

"Naintindihan ko, Mel!"

"Hindi na ako magpapaalam kay Kuya Bayaw, alam kong hindi sya papayag. Kaya sana ikaw na ang magsabi sa kanya. At saka ... pwede bang ikaw muna ang humalili sa akin bilang Chief ng ospital at pati na rin dito sa buong isla? Pangako tatawag ako everyday para mangamusta. At kung sakaling may problema at hindi mo ako makontak si Sissy Eunice ko ang tawagan mo."

"Pero..."

"Please Ate Vicky, ikaw lang ang maasahan ko."

"Naintindihan ko."

Malungkot na sabi ni Vicky gusto kasi nyang sumama kay Mel pagluwas ng Maynila para hindi na sila magkita ni James.

Umaabot na sa sukdulan ang inis nya kay James kaya gusto nya umalis muna para magkaron sila ng space.

Hindi nya akalain na ganito kamanhid si James. Pagod na syang intindihin ito.

The truth is ayaw na nya pero parang hindi naintindihan ni James ng sabihin nitong ayaw na nya.

"Chief Mel, Chief Mel, good news!"

Humahangos na sabi ni Roger.

"Ano yun? Bakit ba tumatakbo ka pa, hindi naman ako makakalayo sa'yo?"

"Pasensya na Chief Mel, excited lang kasi ako! Nakausap ko po kasi si Prince Tobby! Hehe!

Sabi po nya samahan ko daw po syang magbakasyon ulet!"

"So anong dahilan bakit ka excited dyan? Kung gusto mong umalis okey lang pinapayagan kita."

"Haaay, Chief di nyo o ako naintindihan! Kaya po andito si Prince Tobby ay para makatulong sa paghahanap kay BigBoss!"

"Talaga? Magandang balita nga yan!"

"Nung una a man gusto na nyang makatulong sa paghahanap pero pasaway yung bodyguard nya, gumawa ng kwento at sapilitan syang inuwi. Tapos ang reason nya kaya nya ginawa yun ay bad influence daw ako sa kanya kaya daw nya inilayo si Prince Tobby! Ayun galit na galit si Prince Tobby pinalayas nya yung bodyguard nyang yun!"

"Alangya super close na pala kayo ni Prinsipe kung ganun?"

"Yes naman Chief kaya magpaalam ako sa inyo para masamahan sya!"

"Ay hindi!"

"Bakit naman Chief?"

"Hindi pwede, kailangan kasama ako! Luluwas tayo ng Maynila pero huwag mong ipaaalam sa iba. Maliwanag?"

"Yes po Chief!"

'Kate MyWifeyLabs, malapit na ako! Antayin mo ako at magkikita na tayo!'