webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Antayin Mo Ako!

Dinala sa NBI ang mga akusado sa pamumuno ni Gen. Malvar.

At lahat sila hindi makapaniwala sa sinapit nila dahil nagkatotoo ang huling sinabi ni Kate bago ito binaril ni Col. Manabay at mahulog sa bangin.

Sa loob ng 48 hours nalaman ng lahat ang ginawa nilang pagdukot at pagpatay kay Kate. Pati ang pagkahulog nito sa bangin ay nakavideo na hindi nila alam kung paano.

At ang higit sa lahat, naroon din ang mga ebidensya na magpapatunay na si Col. Reyes, ang ama ni Sen. Reyes, ang totoong pinuno ng sindikato.

Nang mamatay ito ay napunta sa anak nyang si Sen. Edward Reyes ang pamumuno at si Gen. Pasahuay ang kanang kamay Col. Reyes sa sindikato at magpahanggang ngayon na si Eddie Boy na ang namumuno.

Kumpleto ang dokumento nakalap ni Kate at detalyado pa, kaya papaano nila ito idedeny? Mas mabuti pang manahimik na lang.

Walang naging pyansa ang kaso nila, utos na nagmula sa presidente.

"Haaay akala ko pa naman ako ang makakatuklas ng secret nung dalawa. Mukhang naunahan ako nung anak ni Gen. Santiago.

Magaling sya, sayang at namatay agad."

Ito na lang ang bagay na nasabi ni Sen. Bathan.

*****

Samantala.

Malungkot ang lahat sa sinapit ni Kate. Mukhang wala silang magawa kundi tanggapin ang sinapit nito.

Kahit na ayaw nila itong tanggapin, kung ito ang sinasabi ng lahat ng ebidensya, paano nila ito kukwestyunin lalo na at galing ito kay Eunice.

Personal ang ginawa nitong pagiimbestiga at makailang ulit nya itong binalik balikan at mabusising pinagaralan.

Pero ....

Kung sila natanggap na hindi si Eunice.

Makailang beses man nyang paulit ulit na pinagaralan ang lahat ng ebidensyang nakalap nya pero the more na ginagawa nya ito, the more na ipinapakita nito ang malaking posibilidad na patay na nga ang Ate Kate.

Ngunit may isang bagay na gumugulo sa isip nya at yun ang kaisa isang dahilan kaya hindi sya naniniwalang patay na ang Ate Kate nya.

'Buntis sya!'

'Hindi basta basta mag gigive up ng ganun si Ate Kate, gagawa at gagawa ng paraan yun para mailigtas sa kapahamakan ang anak nila ni Beshy Mel.'

Kaya hindi pa rin tumigil si Eunice sa paghahanap ng ebidensya kahit na tumigil na ang lahat.

Maging si Mel ay hindi rin magawang tanggapin na wala na ang asawa.

'Imposible! Kung totoo yun bakit hindi man lang sya nagparamdam sa akin?'

'Hindi ako basta iiwan ni Kate MyWifeyLabs ng ganun na lang!'

'Mabuti pang umalis na ako dito sa ospital. Kailangan kong magpagaling agad para ako mismo ang personal na maghahanap kay WifeyLabs ko!'

Nagagawa na nyang igalaw ang buong braso nya pati ang binti ay naiaangat na nya kahit papaano.

Nakakaupo na rin sya pero hindi pa nya kayang makatayo.

Hinagilap nya ng mata ang wheelchair.

Malapit lang ito pero sa sitwasyon nya, paano nya lalapitan ito?

Nagpatihulog si Mel sa kama, kahit masakit ang pagbakgsak nya hindi nya ito ininda.

'Kailangan ako ng mag ina ko!'

Pinilit nyang gumapang, kahit mahirap. Bawat pulgada na maiisod nya ay puno ng hirap sa kanya, butil butil na ang pawis nito bago makaisang hakbang.

Hingal man, nagpatuloy si Mel na marating ang wheelchair.

'Konti na lang!'

'Dapat pala nilakasan ko ang pagbagsak ko sa kama para malayo layo agad ang narating ko!'

Sa ganitong sitwasyon sya nakita ng isang nurse na pumasok sa silid para check up in sya.

"Chief ano pong ginagawa nyo dyan?"

"Tulungan mo ako! Gusto kong sumakay sa wheelchair!"

"Pero bakit po? Gusto nyo po bang mamasyal?"

"Hindi, gusto ko ng umuwi?"

Napatigil sa pagtulong ang nurse.

Ang kabilin bilinan sa kanila ni James ay huwag hahayan makalabas ng ospital si Mel.

"Pero Chief, hindi po maari! Baka po ako makagalitan ni Dr. James!"

"Ako ang Chief ng ospital, bakit sya ang sinusunod mo?

Kung ayaw mo akong tulungan ako na lang! Tumabi ka dyan! Kaya ko na 'to!"

Tinabig ni Mel ang nurse at nagsimula ulit gumapang papunta sa wheelchair.

Naawa ang nurse sa kanya, gusto syang tulungan pero .... hindi nya kayang suwayin ang utos ni James at si James ang duktor ni Mel kaya natitiyak nyang para sa kabutihan ni Mel ang utos ni James.

Kaya nag message na lang sya kay James.

Dali dali naman nagtungo si James sa silid ni Mel.

"Mel ano na naman ba yang ginagawa mo?

Nurse halika, tulungan mo akong dalhin sya sa kama!"

Nagpupumiglas si Mel ng pilit syang buhatin nila.

"Hindi! Huwag nyong gawin ito! Kung ayaw nyo akong tulungan ako ang ang gagawa ng magisa! Kaya ko 'to!"

Pagkabalik nila kay Mel sa kama, inis na kinausap sya ni James.

"Mel, makinig ka! Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito! Ako din! Kapatid ko sya pero kailangan kong tanggapin ang nangyari sa kanya!

Kaya kung ako sa'yo ganun din ang gawin mo para maging mas madali ang lahat!"

"Kung ikaw natanggap mo na ako hindi pa! Kaya huwag mo akong utusan kung ano ang dapat gawin! Asawa ko sya kaya alam ko kung ano ang gusto nyang gawin ko, kaya pwede ba tantanan mo na ako!"

At muli itong nagpatihulog sa kama na ikinagulat ni James at ng nurse.

Inis na hinawakan ni James si Mel sa kwelyo ng damit bago nagsalita

"Bakit ba ang hirap mong umintindi?

Dahil sa ginagawa mong ito, pinahihirapan mo kami na mga gumagamot sa'yo!"

"Ikaw ang hindi makaintindi! Hindi ito ang kailangan ko kaya ako aalis dito! Kaya bakit mo ako pinipigilan?! May karapatan akong mamili kung gustong kong umalis dito kaya pwede ba, lubayan nyo na ako kung ayaw nyo rin lang akong tulungan!"

Napipikon na si James.

Gigil na gigil itong pilit na binubuhat si Mel pabalik sa kama.

"Bitiwan mo ko! Bitiwan mo ako!"

Nagpupumiglas na sigaw ni Mel.

"Anong nangyayari dito?"

Nagulat ang nurse ng biglang madinig ang boses ni Vicky.

Narinig nito ang ingay sa labas kaya napapasok ito at ito nga ang nakita nya, pinupwersa ni James na iakyat si Mel pero nagpupumiglas si Mel. Halatang ayaw gawin ang gustong mangyari ni James.

At sa sitwasyong ito hindi namamalayan ni James na nasasaktan na nya si Mel.

At ang nurse, kanina a napatanga sa ginawa ni James kay Mel.

Dali daling nilapitan ni Vicky si James para awatin ito at itinulak ito palayo kay Mel.

"James ano ba? Tumigil ka na nga! Hindi ka ba naawa sa kanya? Nasasaktan mo na sya!"

"Bakit ako ang inaawat mo eh sya 'tong pasaway, ang tigas ng ulo, hindi makaintindi!"

Galit na tiningnan ni Vicky si James.

"Ikaw ang hindi makaintindi! Masyadong de kahon ang utak mo kaya wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba!

Kung ayaw mo syang tulungan ako ang tutulong sa kanya!

Tumabi ka dyan!"

Tinabig nito si James ng malakas at saka kinuha ang wheelchair palapit kay Mel.

Tinulungan nyang maiupo sa wheelchair si Mel at pagkatapos ay umalis at iniwan si James na nalilito sa nadinig nyang sinabi ni Vicky.

'Masyado nga ba akong de kahon at walang pakialam?'

Hindi maintindihan ni James kung tungkol pa rin ba ang sinabi ni Vicky kay Mel o tungkol na sa kanilang dalawa?

Nang mahimasmasan si James, wala na sila Vicky at Mel, nakalabas na sila ng ospital.

"Pasensya na Mel, wala akong sasakyan at hindi rin ako marunong magdrive. Kaya tiis tiis ka lang makakarating din tayo sa bahay nyo."

At masaya nitong tinulak ang wheelchair ni Mel patungong bahay nito, sa Secret.

"Salamat Ate Vicky."

Lumuluhang sabi ni Mel.

'Antayin mo ako Kate MyWifeyLabs! Antayin nyo ako ng mga anak natin!'

Umiiyak ito pero punung puno ng pagasa ang maaninag sa mukha ni Mel.