webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

HUWAG KAYONG PASAWAY!

Kagabi pa nagdesisyon si Kate na gawin ito, matapos nyang maramdaman that there is something wrong with her Mom.

At bago sya umalis ng Sinag Island, pinost na nya ito kaya nabasa na ito ng karamihan pagdating nya ng resort.

• My name is Katherine Marie Santiago de Guzman. Ako po ang second child ni Gen. Jaime Santiago.

Kaya po ako nag decide na mag post ay para pabulaanan ang mga akusasyon ni Aling Marites 'Tess' Landiquo laban sa aking Daddy na si Gen. Jaime Santiago.

Una, hindi po sya ang WIFE ng Daddy ko, at natitiyak ko pong isa lang ang babaeng pinakasalan ni Daddy at yan ay ang Mommy Nadine ko.

Ever since po ng mabili ni Daddy ang property nya sa kampo, hindi pa po nagpupunta ang Mommy ko o kahit kami duon.

Kahit na po nung nagpatayo ng bahay sa loob ng kampo si Daddy never pa po namin ito nasisilip pero kabisado po namin ang itsura nito dahil hiningi po ng Daddy ko ang opinyon ni Mommy sa design ng bawat sulok ng bahay.

Saka, may sarili naman po kasi kaming bahay sa San Miguel at mas kampante po ang Daddy ko pag andun kami kesa sa kampo.

Mom want to give my Dad a space kung kaya binili ng Daddy ko ito para gawing pahingahan. And only for that reason! Hindi po para tirhan, kaya hindi rin sya madalas mag stay dito.

At never pa pong nakapasok sa loob ng bahay namin sa kampo si Aling Tess, and I can assure you that. Hanggang gate lang sya. May video surveillance po ang buong bahay kaya alam namin kung sino ang pumapasok at lumalabas. Konektado kasi ang surveillance sa laptop ni Mommy.

And I assure you na kapag tinanong nyo si Aling Tess, hindi nya maidedescribe ang looban ng bahay.

Pangalawa, according sa mga sundalo sa kampo kaya nila inakala na si Aling Tess ang asawa ng Daddy dahil sya mismo ang nagkakalat nito.

Katunayan, blacklisted sya sa kampo for that same reason. Nanggugulo kasi and claiming na asawa sya ni Gen. Santiago.

I have here a video of Major General Cinco telling you how it happen.

Mula sa video ay lumabas ang face ni Major General Cinco.

Kinukwento nya ang nangyari kung bakit nablacklisted si Tess sa kampo. At kung gaano ito kaobsessed kay Jaime.

Third, hindi po tootoong may anak ang Daddy ko sa Tess na yan. My Dad undergo a vasectomy after nila ma conceived ang bunso namin saka .... jusko naman po, Mawalang galang na po pero tanungin nyo naman sana kung ilang taon na yang si Aling Tess, sure po ba kayo na hindi pa sya senior citizen? At sigurado po ba kayo na buntis talaga sya?

And lastly! With regards sa kaso ng Daddy ko, since nasa senate na sya aantayin ko na lang ang Senate hearing para lumabas ang totoo.

But I do have a last words to them. Yes, THEM!

HUWAG KAYONG PASAWAY!

Thank you and good day to all!

~~~~

Hindi ito ginawa ni Kate para sa Daddy nya, kundi para sa Mommy nya.

Ikinagulat ni Nadine ang post ni Kate at patakbo itong nagtungo kay Jaime.

"Jaime, basahin mo ang post ng anak mo!"

"Yes 'Ling binabasa ko pa!"

"Bakit nya ginawa ito? Hindi nya dapat ginawa ito, kukuyugin sya ng tao!"

Puno ng pagaalalang sambit ni Nadine.

"Ling relax ka lang."

"Relax? How can I relax? Gagawa ka ng kalat tapos ang anak mo ang tagalinis!"

"Hindi ko naman sinabing gawin nya 'to! And besides, she's not doing this for me but for YOU! So please relax, nahalata ka na ng anak mo! For all the people, you should've known your daughter very well!

Your so affected sa pagdating ni Ellie at na fefeel yun ng anak mong si Kate! Malamang iniisip nya na sa issue ka apektado!"

Natahimik si Nadine. May punto si Jaime. Malamang nahalata ito ni Kate ng magkausap sila kahapon.

Pero anong gagawin nya gayung patuloy ang kaba sa dibdib nya?

"Come on, Ling, try to calm down, please! Hindi na ikaw ang dating Nadine! Your a brave woman now! Mas matapang ka pa nga kaysa kay Nicole! At alalahanin mong parating na si Kate, gusto mo bang makita ka nyang ganyan?"

Huminga ng malalim si Nadine.

'Kailangan kong kumalma!'

'Hindi tama ito, nagbabalik ang nararamdaman ko nung bata pa ako! Hindi na ako bata!'

'Calm down Nadine, Calm down!'

Patuloy sya sa pag inhale at exhale habang sinasabi ng isip nya ito.

At unti unti ngang na relax si Nadine.

'Bakit ba ako magpapaapekto sa kanya, eh itong lintek na asawa kong ito ang may kasalanan hindi naman ako?'

At nagawa na ngang mapakalma ni Nadine ang isip at puso nya.

Kaso, nag text si Kate at nagimbal sya ng makita nya ang message ni Kate.

[Mom I'm here na po sa resort]

~Kate

Nanlaki ang mga mata ni Nadine at namutla ito.

"Bakit sya sa resort bumaba?"

Dali dali syang umalis papuntang resort at iniwan na naman si Khim at Karla kay Jaime.

"Dad saan po pupunta si Mommy, bakit po sya nagmamadali?"

"I don't know, baka susunduin si Ate Kate mo. Ngayon ang uwi nya eh. Tara let's have breakfast, I'll cook!"

"Oh my Goshhh! Kayo na naman po ang mag cocook?"

Kinuha ni Khim ang cellphone at tinawagan ang ina.

"Waaaah! Mommy ang daya nyo po! Bakit hindi muna po kayo nag cook bago umalis? Ayoko na pong kumain ng luto ni Daddy, hindi ko po maintindihan ang lasa! Waaaaah!"

"Khim just eat cereal! Maya I'll ask Tita Nicole to bring you food! Luv you, gotta go!"

Jaime: "?????"

'Hindi ba masarap ang luto ko?'

Sabay tingin nya sa apo nyang si Karla na kinakain naman ang niluto nyang pancake kahit durog.

Sarap na sarap pa nga ito eh.

*****

Samantala.

Nabasa na rin ni Sen. Reyes ang post ni Kate kaya tinawagan nito si Gen. Pasahuay.

Sen. Reyes: "Nabasa mo na ba ang post ng anak ni Santiago? Sigurado ka bang pulido ang ginawa mo at hindi traceable?"

Kinakabahang tanong ni Sen. Reyes.

Sa kabuuan ng sinulat ni Kate, yung sa last word sya kinabahan.

'HUWAG KAYONG PASAWAY!'

Reyes: "Mukhang sa last word gusto nyang ipaalam na kilala na nya kung sino ang may gawa ng lahat ng ito. Bakit nya binanggit ang 'KAYO' at 'PASAWAY'?

Mukhang sure na sila na may kinalalaman ka at natitiyak nilang may kasama ka!"

Gen. Pasahuay: "Huwag kang magaalala kung may paghihinalaan man tyak si Vice yun hindi ikaw! Kaya kalma ka lang dyan Eddie Boy!"

Gen. Pasahuay: "Saka, nakausap ko na si Dante at pumayag na syang mag testify sa Senate hearing!"

Sen. Reyes: "Sinong Dante?"

Gen. Pasahuay: "Sya yung negosyanteng ama ng babaeng iniregalo ng mga tauhan nya sa kanya!

Malaki ang galit ng taong yun kay Jaime dahil binalewala sya nito. Inireklamo nya si Jaime pero, hindi na nakausad ang kaso."

Naalala na ni Sen. Reyes kung sino ang tinutukoy ni Gen. Pasahuay.

Gen. Pasahuay: "Kaya huwag mo ng masyadong pansinin yang anak ni Santiago, umaasa na lang yan na magiging okey pa rin ang lahat!"

Sen. Reyes: "Pero masyado syang maingay, pwede bang patahimikin mo at naririndi ako!"

Gen. Pasahuay: "Huwag ka ng magalala Eddie Boy, may kalalagyan na yang anak ni Santiago!"

'Paano mo kaya malulusutan ito, Santiago?'

'Kawawa naman ang pamilya mo umaasa pa ring magiging okey ang lahat!'

'Lalo na yang maingay mong anak!'

'Humanda sa akin yan, patahimikin ko para hindi magingay!'