webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Napapraning si Nadine

Pagkatapos magusap ni Gen. Pasahuay at Sen. Reyes, nagbigay agad ng utos si Gen. Pasahuay sa mga mapagkatiwalaan nyang tauhan para hanapin si Kate.

"Bukas na ang simula ng Senate hearing, ayoko ng makukulit sa paligid kaya hanapin nyo yang anak ni Santiago ngayon din!"

"Hindi ako sigurado kung ano ang nalalaman nya o kung may nalalaman ba sya! Mabuti na ang magingat!"

Agad namang nagsi kilos ang mga inutusan nya.

*****

Sa resort.

Nakita agad ni Kate si Eleanor sa loob ng Cafe at nilapitan nya ito.

Nakatutok ang mga mata nito sa phone, tila seryosong nagbabasa.

Tapos ay biglang tumawa.

"Hahaha!"

"Hi po ulet, Tita Elise!"

Bati ni Kate kay Eleanor.

"Oh, Kate, your here, come sit!"

"Mukha pong masaya kayo ah! Tungkol po ba saan yang binabasa nyo?"

"Oh, this? Post ng anak ni James!"

Nakangiting sagot ni Eleanor.

Ipinakita sa kanya ni Elise ang binabasa nito at napansin ni Kate na ang tinutukoy nito ay ang post nya.

Gusto sana ni Kate sabihin na sya ang tinutukoy nyang anak ni James pero natigilan sya ng madinig nyang tawaging ni Eleanor na 'JAMES' ang Daddy nya. Usually mga ka batchmate lang ni Jaime ang tumatawag ng ganun sa kanyan.

'At saka, bakit sya natatawa? Nakakatawa ba ang sinulat ko?'

Na curious tuloy si Kate.

"James?"

"Oh, I mean Jaime, Gen. Jaime Santiago!"

Ayaw maghinala ni Kate pero ....

'Bakit iba ang dating kung paano nya tawagin si Daddy?'

'Parang may sweetness with the way she calls my Dad!'

'Isa kaya sya sa naging babae ni Daddy?'

"Tita Elise, kilalala nyo po pala si Gen. Jaime Santiago?"

"Sa dami ng issue sa kanya, I guess, everybody knows him now! Hehe!"

"I mean, personally po. Kilala nyo po ba sya personally?"

This time si Eleanor naman ang natigilan.

'Masyado ba akong obvious?'

'Hehe, siguro nga!'

'Malakas ang radar ng isang 'to!'

"Well, yeah! Batchmate ko sya sa PMA. Yun ang tawag ng buong batch sa kanya because of her surname."

Ang english kasi ng Santiago ay James.

"Oh, sundalo po pala kayo?"

"No. I WAS a soldier. Matagal na akong umalis sa service."

Tiningnan sya ni Kate mula ulo hangggang paa.

"O, bakit mo ako tinitingnan ng ganyan,iha?"

"Hindi po kayo kasi mukhang sundalo. Your so elegant po!"

"Hahaha! Your so funny! Bakit paano ba ang mukha ng isang sundalo?"

"Stiff!"

"Hahahaha! Yeah your right! Hahahaha!"

'Ano bang sinabi kong nakakatawa?'

'Totoo namang stiff ang mga soldiers!'

"Eh, Tita Elise, bakit nga po pala kayo natatawa sa binabasa nyo?"

"Well, matapang kasi itong anak ni Jaime, mukhang mas matapang pa sya sa tatay nya!"

Nangiti si Kate. Yan kasi ang madalas sabihin ni Gene sa kanya.

Gusto ng ipagtapat ni Kate na sya talaga si si Katherine Marie na anak ni Gen. Jaime Santiago pero bigla syang nahiya ng purihin sya nito lalo na at may hinala syang may posibilidad na naging babae ito ni ng Daddy nya.

Kung totoo ang kutob nya, ito ang unang beses na maka kausap sya ng isa sa babae ng kanyang ama.

KRRIIING!

Sabay na nag ring ang cellphone nila.

"Tita Elise, sorry po, sagutin ko lang po ito. It's my Mom!"

"Okey lang Kate, tumatawag din ang anak ko!"

Kate: "Hello po Mom?"

Nadine: "Bakit ngayon mo lang sinagot ang phone mo? Kanina pa ako tumatawag sa'yo?"

Kate: "Sorry po Mom, na low batt po ako kanina. Kakaopen ko lang po ng phone. Bakit po?"

Nadine: "Anong bakit? Sabi mo uuwi ka, bakit dyan ka dumiretso sa resort?"

Singhal ni Nadine na halatang iritang irita ito kaya naalarma si Kate.

'Mukhang galit si Mommy!'

Nabasa na kaya nya ang post ko?'

'Yun kaya ang dahilan kung bakit sya galit?'

Kate: "Mom, bakit po ang init ng ulo nyo, ang aga aga? Dinaan ko lang po dito ang mga products, aayusin ko po muna and after that, uuwi na po ako. Wala po akong planong magtagal dito. So please don't get mad gusto ko lang po kasi na ako ang personal na magayos nitong mga products!"

Tila nahimasmasan si Nadine wala naman pala syang dapat ipagalala, sandali lang pala sa resort si Kate.

'Juskolord, napapraning na ata ako!'

Pero syempre hindi nagpahalata si Nadine na napapraning sya nagkunwari pa rin itong inis.

Nadine: "Kahit na! Sana sinabi mo sa akin para nasalubong kita at nasamahan!"

Anito na may halong tampo na napansin naman agad ni Kate.

Alma nyang matampuhin itong Nanay nya lately.

"Sorry po talaga Mom, nagmamadali po kasi ako para makarating po ako dyan ng lunch. Tatapusin ko na po ito agad para makaalis na po ako!"

Nadine: "Okey lang, papunta na naman ay dyan nagkaron lang ako ng konting aberya. Buti pa mag breakfast ka na muna, antayin mo ako, okey!"

Kate: "Yes po Mom, aantayin ko po kayo. Stop worrying po, nagbebreakfast na po ako, right now!"

Ayaw ng magisip pa ni Nadine ng kung ano ano dahil baka mahalata na ang anak nyang napapraning na sya kaya nag paalam na ito tapos ay tinawagan ang manager ng resort.

Nadine: "Lester, andyan na raw si Kate, nagkita na ba kayo? Paki assist mo naman!"

Lester: "Ay opo Mam, nagkita na po kami. Pero ayaw nya pong tulungan ko sya sa ginagawa nya gusto daw po nya may personal touch ang HubbyLabs nya kaya ka chat nya ito habang inaayos ang mga products.

Haaay naku, ang sweet po nila!"

Nadine: "Okey, sige, thank you! Ikaw ng bahala sa kanya malapit na ako!"

Lester: "Ay don't worry po Mom, okey lang po si Ms. Kate, nasa Cafe po sya, nagbebreakfast kasama si .....

(sinilip ni Lester si Kate)

".... kasama po nya yung isa sa VIP customer natin na si Ms. Eleanor!"

Nadine: "What?"

Lester: "Sabi ko po, kasama ni Ms. Kate si Ms. Eleanor, sabay po silang nagbebreakfast ngayon."

At muling napraning si Nadine.

'Jusko, bakit sila magkasama?'

*****

Ang sinasabing aberya ni Nadine kay Kate ay nahuli sya for overspeeding.

Hindi na nya ito binanggit ni kay Kate at baka mahalata na nun ang kapraningan nya.

Pero walang kamalay malay si Nadine na itong aberya na ito ang naging dahilan para matunton sya ng mga tauhan ni Gen Pasahuay.

Tauhan: "Gen. Pasahuay, Sir, nakausap ko na po ang nakahuling patrol sa misis ni Santiago at papunta daw po itong Pampanga sa isang hotel daw po!"

Gen. Pasahuay: "Sundan nyo, saan man sya papunta!"

Tauhan: "Yes Sir! Pag nakita po ba namin ang target, shoot to kill po ba?"

Gen. Pasahuay: " No! baka magkalat kayo dun at baka matrace pabalik sa akin kapag dyan nyo tuluyan. Dukutin nyo muna at ilayo, saka nyo patayin!"

Tauhan: "Yes Sir!"

Sorry guys kung hindi ako makapag update everyday, madami kasi akong ginagawa lately.

Medyo nahihirapan akong makapag concetrate sa pagsusulat, but I'll try my best na makapag update.

Pasensya na po!

trimshakecreators' thoughts