webnovel

The Zombie Apocalypse Era: Ang Pagbabalik Ni Lucia (1)

Kung mahihintulad sa napakalumang nobela ang buhay ni Lucia, maaaring nakatema ito bilang Deus Ex Machina dahil ibinalik siya sa pagkaraang dalawampung taon bago naganap ang zombie apocalypse. Dahil sa pagtaksil ng kanyang kaibigan, nagkaroon ng trust issue si Lucia maliban sa kanyang ina. Ito ang dahilan kaya nahihirapang makikipaglapitan sa kanya si Hector. Magagawa kaya ni Hector na palambuti ulit ang matigas na puso ni Lucia o mauulit na naman ba ang mangyayari noon? Dahil sa pagbalik niya sa pagkaraang dalawampung taon, magagawa kayang pigilan ni Lucia ang tadhana na maulit muli ang nangyari noon sa kanyang first lifetime? Author: IdleJoy Created: September 24, 2021 Ended: __________ All Rights Reserved 2021

Idle_Joy · Sci-fi
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 2

Tinulungan ni Lucas si Aling Jocelyn na kargahin ang mga maleta patungo sa nakatalaga nitong kuwarto.

"Mommy, dito ka muna pansamantala. Maghahanap ako ng malilipatan natin para hindi malalaman ni Daddy ang pananatili mo sa akin. Hindi naman niya itataboy ang natatangi niyang anak na lalaki, hindi ba?" may halong pagmamayabang na sabi ni Lucas.

Napakunot-noo si Aling Jocelyn at puno ng pag-aalala ang kanyang mga paningin. Naiintindihan ni Lucas ang pag-aalala ng ina. Ayaw niyang maging balakid sa magiging kinabukasan ni Lucas ngunit tanging bnayad na ngiti ang ibinigay niya rito.

Napagdesisyunan ni Lucas na kailangan niyang hanapin ang taong tutulong sa paglutas ng isa sa mga sekreto niya dahil maaaring hindi magtatagal ay mailalantad ito.

"Ako na bahala. Maniniwala ka lang" hindi na niya pinapasalita pa ang ina.

"Yaya Flor, pakiayos ng mga damit ni Mommy. Kailangan hindi siya mapapagod rito sa mansyon. Pakitandaan rin na huwag pagpapasok ng kahit sinuman galing sa Main House. Sabihin mo na hinding-hindi ka magpapasok na walang paalam mula sa akin. Kung tatakutin ka nilang tatanggalin sa trabaho, sasabihin mong ako ang amo mo at walang ibang magpatanggal sayo. Kung sasabihin naman nilang hinding-hindi na sila magbibigay ng distribosyong pera galing kay Lolo Zeke, sasabihin mong hindi natin kailangan ng sustento nila" madiing sabi ni Lucas habang nakaramdam si Yaya Flor ng mabigat na awra galing sa labing-pitong taong gulang na si Lucas.

Pinagpapawisang yumuko si Yaya Flor habang tumatango at nanginginig ang kanyang mga binti dahil pakiramdam niya'y may nakatagong leon sa loob ni Lucas na naghihintay makalabas anumang oras. Natuwa si Lucas sa ikinilos ni Yaya Flor.

Sino ba naman ang hindi matatakot sa awra ni Lucas na kanyang nakuha mula sa pakikipaglaban sa mga milyon-milyong kataas-taasang zombie? Kahit napabilang siya sa maliit na yunit, isa pa rin siya sa mga taong nakakaligtas mula pa sa simula ng Zombie Apocalypse hanggang sa pagkaraan ng dalawampung taon.

"Yes, Young Master" ni Yaya Flor. Umalis na si Lucas at hindi na hinintay pa na dinggin ang sagot ni Yaya Flor. Kung hindi susundin ni Yaya Flor ang kanyang pahabilin, hinding-hindi siya magdadalawang-isip sa pagkitil ng buhay.

Sa bagay, hindi magtatagal ay darating ang panahon na nasa pinakamababang hanay ng food chain ang mga tao. Walang tao na hindi magdadalawang-isip kumutil ng buhay. Lalabas at lalabas ang pinakamasamang personalidad ng mga tao laong-lalo na sa oras ng pagkadesperado. Kung sino ang pinakamalakas, siyang paglilingkuran ng iba na parang Diyos at kung sino ang mahina ay siyang tapak-tapakan ng iba upang makaangat. Naranasan na ni Lucas ang dalawang pangkat ng klasipikasyong ito noon.

Pumunta si Lucas sa Internet Cafe at pinaandar ang kompyuter. Mabilis na gumagalaaw ang mga daliri ni Lucas habang pokus na nakatingin sa screen. Maraming numero ang lumabas sa screen na tanging isang Hacker lamang ang makakaintindi nito. Ito ang dating pinagagawa ni Lucas bago pa man dumating ang Zombie Apocalypse. Sa loob ng Internet, mas kilala siya bilang si Lucia. Mailalabas niya ang kanyang tunay na pagkatao rito at walang makakapag-ugnay kay Lucas kapag pinag-uusapan si Lucia.

Oo, si Lucas Sean Manolo ay isang babae na nagpapanggap bilang lalaki. Ito ang pinakasekreto niya noon pa man bago siya bumalik sa nakaraan. Inaakala niya noo'y hindi magiging balakid sa kanyang buhay ang sekretong ito ngunit iyon ang napakalaking pagkakamaling desisyon niya sa buhay. Dahil sa pagtatago niya ng kanyang pagkatao bilang babae, siya'y tinakwil ng kanyang matalik na kaibigan.

Napabugtong-hininga na lamang si Lucia (change ko na ang name para hindi kayo malilito) at kaagad itinuon ang paningin sa screen ng kompyuter. Nagawang i-hack ni Lucia ang Manolo Corporation na pinamumunuan ng kanyang Lolo na si Zeke Manolo. Siya ang  Founding Director ng Manolo Corporation kasama ang anak nitong si Luicito Manolo at Linette Tancongco, na pangalawang asawa ni Luicito Manolo.

Nakangising tumingin si Lucia sa laman ng kanyang ikalawang black card habang kaagad niyang binura ang mga maaaring bakas na mag-iiwan ng ebidensya laban sa kanya at biglaang dumilim ang paligid. Tumayo na siya't inayos ang sarili saka mahinahong umalis ng Internet Cafe. Kalmado siyang naglakad sa kalye habang sumikat na ang pangalan niya sa Hacker World.

Nagbihis muna siya ng simpleng damit at hindi mahahalata na siya'y isang heredera ng mayamang pamilyang Manolo Family.

Napansin niya ang isang Real Estates Agency at pumasok roon. Nakapaskil sa dingding ng building ang mga iba't-ibang desenyo na mga mansyon ngunit hindi ito nakuha ang kanyang interes.  Nilibot niya ang kanyang paningin at kaagad napansin ang isang lalaking nagbabasa ng Entertainment Magazine sa Guest Lounge. Tinututukan ito ni Lucia ng kanyang mga mata dahil sa tila pamilyar ang mukha nito.

Napalingon ang lalaki nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa at matagal na inalis ni Lucia ang mga paningin niya. 

Nagulat si Lucia nang napatanto niya kung sino ang lalaki. Si Hector Madrigal! Siya ang pinagkakabaliwan ni Helena Buenaventura!

Sa kabilang dako, 'Isang binata na walang kamuwang-muwang sa mundo' ang kasabihan na biglang pumasok sa isipan ni Hector Madrigal.

Masamang timingin si Lucia kay Hector kahit alam niyang walang kasalanan si Hector ngunit si Hector pa rin ang tanging dahilan kaya siya tinaksilan ni Helena at pinakain sa mga sangkawan ng zombie. Mabuti na lamang at naawa ang Diyos kaya siya pinapabalik sa pagkaraang dalawampung taon.

Napakunot-noo si Hector nang mapansin niya ang masamang tingin ng binata. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya'y ayaw niyang makita ang mga tinging iyon ng binata. Parang may puwersang bumubulong sa kanyang saloobin na dapat niyanh malaman ang masamang iniisip ng binata at baguhin iyon ngunit sino nga ba siya para sa binata? Nagulat siya sa kanyang naiisip at kaagad inalis ito.

"Ahem!" papansin ni Butler Joseph nang makita niyang nakatingin ang kanyang alaga sa isang binata. Inayos ni Hector ang kanyang sarili at lihim na tumingin sa kinatatayuan ng binata.

Tumamlay siya nang napatanto niyang umalis na ito upang mamili ng mansyon. Naalala niya tuloy ang mala-babaeng mukha ng may-ari ng tinging iyon. Napagkamalan niya itong babae dahil sa hindi maihihintulad sa ibang lalaki ang hugis ng katawan nito.

Napangiti si Hector sa kanyang naisip at napasabing, "Interesting" na tanging siya lamang ang nakakarinig ngunit dahil sa iilang taon ng nag-eensayo ng martial arts si Butler Joseph, narinig niya ang bulong ni Hector at nagulat dahil ito ang muling beses na nakita niya ang natutuwang ekspresyon ni Hector. Masaya siyang makita itong natutuwa ngunit pinagpapawisan siya habang iniisip na maaaring nagka-interes sa binatang iyon si Hector. OMG!

"Pakitignan kung ano ang gustong desenyo ng binata. Hanapin mo sa S Class designs ang mga ito at ipakita sa kanya. Just give him 40% discount pero hindi niya dapat malalaman na discounted na iyon. I think he's not the type to make debt on someone" aniya ni Hector.

Malalim na napabugtong-hininga si Butler Joseph nang tuluyan na ngang nahulog si Hector sa binatanh iyon. Mukhang wala nang pag-asang makakaapo ang Kanilang Family Head. Hindi sa hindi makakapag-anak si Hector kundi nagkagusto siya sa kapwa lalaki. Ano na lang kaya ang reaksyon ni Ericson Madrigal?