webnovel

The Zombie Apocalypse Era: Ang Pagbabalik Ni Lucia (1)

Kung mahihintulad sa napakalumang nobela ang buhay ni Lucia, maaaring nakatema ito bilang Deus Ex Machina dahil ibinalik siya sa pagkaraang dalawampung taon bago naganap ang zombie apocalypse. Dahil sa pagtaksil ng kanyang kaibigan, nagkaroon ng trust issue si Lucia maliban sa kanyang ina. Ito ang dahilan kaya nahihirapang makikipaglapitan sa kanya si Hector. Magagawa kaya ni Hector na palambuti ulit ang matigas na puso ni Lucia o mauulit na naman ba ang mangyayari noon? Dahil sa pagbalik niya sa pagkaraang dalawampung taon, magagawa kayang pigilan ni Lucia ang tadhana na maulit muli ang nangyari noon sa kanyang first lifetime? Author: IdleJoy Created: September 24, 2021 Ended: __________ All Rights Reserved 2021

Idle_Joy · Sci-fi
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 1

"Lucaaaaaas! Bumangon ka na diyan at tulungan ako rito!" sigaw ng isang babae na nasa edad na 35.

"Uhhhkkk!" kaagad napabangon si Lucas habang humihingal. Nahihirapan siyang huminga at pinagpapawisan na tila ba'y nanggaling siya sa isang nakakatakot na bangungot ngunit tanging si Lucas lamang ang nakakaalam kung iyon nga ba'y totooo o panaginip lamang ang lahat.

Napakuyom ng kamao si Lucas nang maalaala niya ang ginawa ng matalik niyang kaibigan na si Helena Buenaventura. Itinulak siya nito patungo sa sangkawan ng mga zombie. Dahil doon, walang awang kinagat-kagat siya ng mga zombie hanggang sa nandilim ang kanyang paningin ngunit nararamdaman pa rin niya ang mahapding sensasyon sa kanyang balat at nagsimulang manginig ang kanyang katawan.

Si Helena Buenaventura na tanging babaeng tinuring niyang kaibigan noong kasisimula pa lamang ang zombie apocalypse. Dahil sa kagustuhan niyang makita kaagad ang kalagayan ng kanyang ina, pilit siyang lumalaban sa mga zombie. Halos talikuran na siya ng kanyang mga kasamahan. Kung hindi dahil kay Helena, maaaring matagal na nila siyang iniwan.

Hindi alam ni Lucas kung bakit napakanegatibo ng mga trato sa kanya ng grupo hanggang sa inilantad ni Helena bago siya itinulak - na si Helena mismo ang dahilan kaya negatibo ang tingin ipinupukol lagi sa kanya ng grupo at saka napatantong si Helena ay nagsasabi ng di-kanais-nais tungkol sa kanya kapag nag-uusap sila at gayun na lamang kadali sa mga kasamahan niya na talikuran siya sa mga oras na iyon.

Isa rin sa dahilan nang pagtalikod sa kanya ni Helena at mga kasamahan nito ay ang tungkol sa lalaking hinahangaan ni Helena - si Hector Madrigal. Subalit hindi niya mahihinuha ang dahilan kung bakit siya ang sinisisi ni Helena hanggang sa nagawa nito ang balak. May nabubuo man na galit sa kanya dahil sa ginawa ni Helena di maipatawad, tinatanong niya pa rin ang sarili. Bakit nga ba? Ano ang dahilan?

Hindi maintindihan ni Lucas kung bakit nagawa iyon ni Helena. Ni hindi nga niya nakasalamuha ang lalaki at kahit makikipagsalamuha man siya'y tanging pakikipagkaibigan lamang ang maituturing niya para rito maliban na lamang kung alam Naguguluhan siya sa lahat ng pangyayari.

"Lucaaaaasss! Lucccciiiia! Bumaba na kayo rito! Nakahanda na ang pagkain! Grabi ang mga batang ito! Kay anlalaki na ninyo hindi pa rin kayo marunong gumising ng maaga!" pasigaw na sabi ulit ng matandang babae. Napabalik ulirat si Lucas at nanlaki ang mga mata ni Lucas dahil narinig niya ang boses ng ina. Napakatagal na niyang ninanais marinig ang boses na iyon at nami-miss na niya. Napatunganga siya nakatingin sa pintuan habang nakaupo sa kanyang higaan at napakunot-noo ng mawala ang boses. Hindi kaya't nanaginip siya? Pero bakit tila'y pakiramdam niya'y totoo ito?

"Lucaaasss! Luciiiiiia! Magbibilang ako hanggang lima! Kung hindi kayo babangon ay hindi ko kayo bibilhan ng Gaming Laptop!" pananakot nito at nakarinig si Lucas ng mga yabag papunta sa kanyang kinaroroonan. Nabato si Lucas. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Hindi siya makagalaw dahil sa sobrang saya ngunit may halong takot dahil sa posibilidad na ang lahat ng ito'y hindi makatotohanan. May zombie kasing makapagkontrol ng tao sa pamamagitan ng hallucinations. Ipapakita nito ang pinakamadilim mong nakaraan hanggang sa ayaw mo nang makawala pa.

"Boom!" Tunog ng malakas na pagbukas ng pinto. Hindi na makapag-isip pa si Lucas nang tumambad sa kanyang harapan ang ina. Hinayaan niya itong manggagalaiti sa galit habang pinagsasabihan siya ng payo.

"Lucas! Dapat bumabangon ka ng maaga! Iyan kasi! Sa kakaselpon mo iyan at paglalaro online!" patuloy nitong sigaw kay Lucas ngunit nabigla siya nang yakapin siya ni Lucas ng napakahigpit. Napangiti na lamang si Jocelyn. Siya si Jocelyn Alfonso. Siya ang nagmamay-ari ng Diamond Fashion Store at kumakalat na sa ibang bansa ang kanyang branch.

Napaisip tuloy si Jocelyn. Kailan nga ba niya ulit nayakap ang anak? Limang taon? Sampu? Ah! Noong nagsimula silang maghiwalay mag-asawa dahil sa pinapalabas na siya ang tanging dahilan kaya nawala ang kambal noong sampung taon na ang nakakalipas ngunit dahil sa trauma ng pagkawala ng kanyang isa pang anak ay halos mabaliw na siya sa kakaisip. Iyan ang dahilan kaya nakagawa ng paraan si Linette Tancongco na umangat bilang main wife ni Luicito Manolo imbes na siya'y second wife lamang.

"Mommy, pakiusap magtiwala ka sa akin. Kahit anuman ang mangyayari ay dapat sa akin ka lamang maniwala" sabi ni Lucas. Tila ba'y may karayom na tumusok-tusok sa kanyang puso nang sinigaw rin ng kanyang ina ang pangalang Lucia.

Nakangiti lamang si Jocelyn. Sapat sa kanya na marinig ang mga salitang iyon galing kay Lucas.

"Tara! Mag-almusal na tayo. Mukhang hindi maganda ang napanaginipan mo." sabi nito. Nandidilim ang paningin ni Lucas nang maalala ang pangyayari. Biglang nanlaki ang mga mata ni Lucas nang napatanto niyang siya'y binalik sa taong bago naganap ang zombie apocalypse.

"Bumalik ako sa pagkaraang dalawampung taon?" pabulong niyang tanong sa sarili. Hinila siya ni Jocelyn palabas. Habang nagpahila siya sa ina, nadaanan nilang dalawa ang isang salamin. Nakita ni Lucas ang sariling binatang bersyon at tuluyan nang naniniwala na siya nga'y nakabalik ngunit bakit siya? Sa dami-rami nilang mga miyembro sa Zombie Hunting Squad Unit, bakit siya ang napili ng tadhana? Napakunot-noo siyang napaisip.

"Nasaan na ba ang kapatid mong si Lucia? Hindi ko siya nakita sa kwarto niya" naguguluhang tanong ni Jocelyn. Napabalik sa sarili si Lucas nang marinig niya ang mga salitang iyon ng ina at nakaramdam ng awa rito.

"Nakalimutan mo bang na sa school dormitory na nananatili si Lucia, Mommy?" paalala niya sa ina. Sa ngayon ay ayaw niyang muling isipin ng ina ang tungkol kay Lucia.

Napaisip si Jocelyn at sumigla ang kanyang mga mata nang sinabi iyon ni Lucas. "Kung ganoon, bibisitahin natin siya sa school niya. Nami-miss ko na siya, Lucas" nakangising sabi niya. Napabugtong-hininga si Lucas dahil mukhang kailangan na naman niyang magsuot ng damit pambabae para hindi maalaala ni Jocelyn na matagal nang nawalay sa kanila ang kakambal at ang tunay na pagkatao ni Lucas.

Mukhang kailangan na niyang hanapin ang taong iyon upang malutas na ang problema. Kung hindi, maaaring gagamitin ito ni Linette Tancongco laban sa kanya upang makuha ang posisyon bilang tagapamana ng Manolo Family at maipasa sa anak nitong dalaga na si Coleen Tancongco Manolo.

Ngunit hindi lubos maisip ni Lucas na namumula ang mga mata ni Jocelyn. Nami-miss na ni Jocelyn si Lucia kaya niya pinaparinig kay Lucas na gusto niyang makita si Lucia. Alam ni Jocelyn na dapat ay hindi niya ito gagawin dahil masasaktan at mahihirapan lamang si Lucas ngunit talagang gustong makita ni Jocelyn ang isa pang pagkatao ni Lucas, bilang Lucia. Sa ganoong paraan ay nararamdaman niya ang nawawala niyang anak.

Naglakad na sila pababa at bumungad sa kanya ang masarap na amoy ng kare-kare, pakbet at mango float. Nakaramdam tuloy siya ng gutom. Kakain na sana upang lantakan ang mga pagkain ngunit pinigilan siya ng ina.

"Maghugas ka muna ng kamay" paalala ni Jocelyn. Dali-daling naghuhugas ng kamay si Lucas. Napatawa

siya. Sa Pa nah on ng zombie apocalypse, naalala pa ba niya ang ganitong gawain bago kumain? Kung gayun nama'y may kakulangan sa pagkain ang sangkatauhan. Bumalik siya at magsisimula na sana kumain ngunit pinaaalalahanan siya ulit ng ina.

"Pray first, Lucas!" sigaw ng ina na tila ba'y naiinis na dahil hindi maaalala ni Lucas ang dapat gawain back kumain. Napabugtong-hininga si Lucas at sabay nilang pinagdidikit ang kanilang mga palad upang manalangin. Tanging boses ng ina ang maririnig sa hapagkainan. Masisisi mo ba nga naman si Lucas kung hindi na siya nananalangin? Ni wala namang Diyos na tumulong sa kanila noong kakasimula pa lamang ng zombie apocalypse at lahat ng Pilipino ay nanawagan sa Diyos. Hindi naman sa may hinanakit siya sa Diyos. Talagang nawalan na ng pananampalataya ang mga tao sa Diyos.

"Teka, kung walang Diyos.... Bakit ako nakabalik? Sino at ano ang nagpabalik sa akin?" naguguluhan niyang tanong sa sarili at nagsimulang tanungin ang sarili kung mayroon nga bang Diyos. Paano kung nandiyan lamang siya't nanonood ngunit walang magagawa dahil sa may humaharang sa kanyang pagkokonekta sa kanya sa sangkatauhan?

Kung gayun, napakasuwerte ba niya dahil sa namataan siya kaagad ng Diyos at binalik sa nakaraaan bago naganap ang zombie apocalypse? Baka nga!

Pagkatapos manalangin, nagsimula na silang kumain. Tahimik lamang si Lucas dahil maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan at pinagtatakahan ni Jocelyn ang katahimikan ng anak. Ah!

"Siya nga pala! Bibilhan na kita ng Gaming Laptop. Matagal mo ng gusto makakuha n'on di ba? Huwag mo lang ipaalam sa Daddy mo ako ang nagbigay" sabi ni Jocelyn na may halong lungkot sa kanyang pananalita. Nabato si Lucas at naalala ang mangyayari.

Naalala niya na ngayong araw aalis ang kanyang ina patungong Maynila upang bilhan lamang siya ng Gaming Laptop at lubos na pagsisisi ang natamo ni Lucas. Napakuyom siya ng kamao at sa di alam na kadahilanan. Nakaramdam si Jocelyn nang paglalamig sa kanyang paligid na tila ba'y dumating ang taglamig sa Pilipinas ngunit wala namang taglamig rito.

Napansin niyang sumobra ang paglalamig ng paligid ngunit hindi man lang ito ramdam ni Lucas? "Lucas?" tawag niya sa anak at hinawakan ang mga kamay nito. Nagulat siya nang nararamdaman niya malalamig na kamay ni Lucas na parang gawa sa yelo. Napabalik ulirat si Lucas at pabalik na hinawakan ang mga kamay ng ina.

"Ma, huwag ka ng umalis. Manatili ka na lang. Hindi ko na kailangan ang Gaming Laptop. Ikaw ang tanging kailangan ko. Nakikiusap ako" namamaos na sabi ni Lucas sa kanyang ina. Naguguluhan man si Jocelyn sa sinabi ng anak, tanging pagtango ang ibinigay niya rito at biglang nawala ang lamig sa paligid. Ikinagulat ito ni Jocelyn.